chapter nine

1 1 0
                                    

"Haayy." Akia let out a dreamy sigh while looking at a direction. Sinundan ko ang tingin nya and she was looking at a group of co-Senior high students sitting in the grass field. Di ba sila naabalibadbaran? Sabagay, maambon naman kase. January na January, El Nina na agad. But I prefer rainy days over sunny days. It makes me feel alive. Wala, skl naman.


Nasa school field kami, under the shade of a tree na sobrang mayabong, habang naghihintay ng ring ng bell, indication na uwian na. Tsk, fifteen minute na kami rito a. Antagal naman. May trabaho pa ako sa coffee shop- tsk, pinatigil na pala ako ni Patricio dun mula nung nakalabas ako ng hospital. Speaking of him, pina uwi ko na sya. Masyado na syang inaabala ni Martinez. Oo sya lang. Sinabi ko bang bantayan nya ako? Tsk. Ewan ko dun sa lalaking yun. He said na sya daw dapat ang magbabantay sakin, kaya lang di naman sya pwedeng umabsent. Sabagay, nasa second year na sya ng kurso nya. Business management ata ang kinuha nya, para ata sa business ng ama nya. Psh.

"Crush mo?" I asked. She nodded. Andami namang atang crush nito? Akala ko ba si yung staff sa mall, si Risky, tsaka yung British band. Tsk.

"You know them?" She asked. I shook my head as an answer. Bakit ko naman sila kilalanin aber? Tsk, oo na. Dalawang taon ako rito pero di ko parin kilala ang mga tao. Wala naman kase akong panahon para kilalanin sila. Tsaka pakealam ko ba? Tsk.

"Sila yung mga taga STEM." Just by hearing it, and based on her reaction, sila yung mga poging STEM students na pinagkakaguluhan ng mga Juniors. Dapat i-ban na talaga sila rito e. Balita ko maraming pinapatawag ba babae sa Disciplinarian nang dahil sa kanila, nagsasabunutan daw kase. Di ako kasapi ni Chiska, okay? Narinig ko lang, iba yun sa nakikinig. Tsk. Lalaki lang, pinag-aawayan nila? As if naman na kilala sila ng pinag-aawayan nila.

"Tawag sa kanina United Nations." United Nations? Bukod sa pwede sumabak sa Mr. State U, bakit ganun ang tawag sa kanila?

"Kita mo yun?" Turo nya. Di ko masyadong kita ang hilatsa ng pagmumukha nila dahil medyo malayo kami sa kanila. May mga sinabi syang pangalan tsaka nationalities nila. May galing ng England, France, US, at Asian countries. Bale nasa nuebe sila lahat. Sabi ni Akia, nag migrate daw sila rito. Tarush.

"And that's Peter Jung." I certainly heard that name before. At gaya ng nakasanayan, di ko lang tanda. May itinuro sya, yung tumatawa ng malakas. Maraming babae pala ang nakatingin sa kanila na kulang nalang mag hugis puso ang mata.

"Sya yung nagligtas sayo." What? Sya ba yun? Nag ahh lang ako nang naalala ko ang sinabi ni Risky. Tsk, di pa nga pala ako nakakapag pasalamat kay Peter Jung. Pero sinabi ko bang iligtas nya ako? Aish. Nahihiya lang talaga akong lumapit. He's quite famous at baka sabunutan ako ng fans club nya pag nakita akong lumapit sa kanya. Mga aggressive.

"Sampu sana sila." Napatingin ako kay Akia, lumungkot ang boses nya. Nakatungo na sya ngayon. And she's wearing a bluetooth ear pod. Sad song siguro ang pinapakinggan nya.

"Sya sana yung pinaka gwapo e."

"Asan na sya?" I asked.

"He died." Oh.

"Na come sya dahil may BTI sya. BTI ba tawag nun?" Aba, ewan ko sayo. Wala akong kaalam-alam dyan.

"Basta, yun. Tapos coma in almost half a year. And his parents decided na mag euthanasia nalang one year ago." Kawawa naman pala sya. We remained silent. Ewan ko kay Akia kung ba't tahimik sya. Usually naman kase maingay sya. Baka she's praying for his soul.

"What's his name?" I asked but she didn't heard me dahil kasabay nun ang pagtunog ng bell at ang hiyawan ng ibang students na maaga dinismiss gaya namin. Excited sa uwian e. Kung wag nalang kaya silang pumasok? Tsk.

"Leggo!" Nagsimula na kaming maglakad nang narinig ko na naman yun, "Jakob's eyes." Napalingon ako. Only to see Peter Jung na kasabay kong naglalakad, including the United Nations. Kung di lang naka ear pod si Akia, malamang naglupasay na sya. Wait, why does he keep on saying that?

~*~

Silence Behind HerWhere stories live. Discover now