chapter twelve

1 1 0
                                    

"Jakob's eyes." Sabi ni Singkit. Sout nya ang uniform namin at may nakasabit na black ID sling sa leeg nya na may card na may sulat ng pangalan nya at ng school.

"Why do you always say that?" I asked. It's now or never. Baka hindi ko na naman sya matyempuhan sa campus. Kaya kahit na unintentional ang pagkikita namin— sige na nga, may malaking probability na makikita namin ang isa't-isa— I have to get the answer.

"I'm very certain that you have Jakob's eyes." What is he talking about? Si Jakob ba na sinasabi nya at ang namayapang Jakob na kaibigan nya ay iisa?

"Di ko maintindihan.." Sabi ko. Pero umalis na sya at iniwan ako sa gitna ng field.

What's with Jakob's eyes?

"Hoy." Napa harap ako sa nagsalita.

"Bakit ka andito?" Tanong nya.

"Why are you here?" Balik ko sa tanong. Keraming gumugulo sa isipan ko. Baka kumulot ang bangs ko neto.

"Ang layo ng NVU. Bakit ka napadpad rito?" Dagdag ko. Sinasayang nya lang ang oras nya.

"HINDI PARIN BA MALINAW?!" Nakakagulat naman. Sinisigawan nya ba ako?

"Ano?" I softly asked. Anong malinaw na sinasabi nya? Kung di ba naman sya malabo, malamang malinawan na ako kung ano man yun. Huminga sya ng malalim. Napansin ko rin na namumula ang tenga nya.

"AUGH!" Bakit ba sya galit? Wala naman akong ginawa ah. Kung ayaw nyang sabihin, edi wag. Sino bang namilit? Wala naman diba?

"Gusto kita." EH?! Jaw drop. Biglang nag flashback ang sinabi ni Martinez sa hospital.

"Because you like her."

"DYAN KA NA NGA!" And he left me, still can't process what he just said.

~*~

"Is she okay?" Rinig kong tanong ni Akia sa katabi nya ata.

"Idk." Na si Risky pala.

"Kanina pa sya tulala." Akia added.

"Kahapon pa." Risky.

"Mahal ka nun." Said Akia.

"Hanu?!" Dejavu. Tinawanan nila ako. Augh. Andami na ngang gumugulo sakin e. Si Peter Jung at ang Jakob's eyes, ang endgame ni Martinez, at si Kelvin. Hays. Ang swerte nila dahil iniisip ko sila. Dapat ang nasa utak ko ngayon ay ang swimming namin sa Physical Education e.

"Wag nga kayong magulo dyan." Sabi ko at tumingin sa nauna nang lumangoy sa swimming pool. Waahh~ pwede bang umatras? Bahala na kung walang A sa P.E.

"Pay attention!" Biglang sigaw nung isang lalaki na taga Pandacan—jk. Medyo maliit sya. May hawak syang mega phone na di ko alam kung san nya nakuha. Taga ibang klase sya kaya di ko alam ang pangalan.

"Since wala pa si tcher, pano kaya kung mag contest muna tayo?" Yangkara. Joke. Mukang nasiyahan ang mga tao sa suhestyon nya.

"Ang mananalo may iced gem." Tsk, ang lame naman. Pero dahil masaya sila, go nalang rin ako. Sila lang naman ang lalangoy. Nagtawag sya ng representative kada klase. Dalawa ang section ng strand namin kaya dalawa rin ang representatives.

Nagkanya-kanya silang cheer sa gusto nilang manalo. Si Akia nga ang ingay e. Mukhang crush nya yung taga kabilang klase. Lahat naman ata ng gwapo crush nya.

Paalis na sana ako nang naramdaman kong may tumititig sakin. I searched and saw a girl. Nasa senior na sya base sa uniporme nya. I arched my brows. Bakit sya tumitingin? I was about to look away nang tumalikod sya at tumakbo. Pero nahagip ko na may luhang tumulo mula sa mga mata nya.

Hala, anong nangyare sa kanya?

Wala naman talaga akong pakealam sa kanya. But something is telling me na dapat sundan ko sya. I was doubting whether to follow her or not. May klase pa ako. Pero ayoko namang malunod.

Wag na nga.

Augh! Asan na ba yun?

Tsk, ang sabi ko wala akong pakealam pero heto ako at hinahanap sya. Bakit ba kase sya naiyak nang nakita ako? Napunta ako sa dance practice room ng State U-High. Bale magka building lang ang music, arts at physical education. Bakit nga ba ako napunta dito? Ewan ko rin, basta napunta lang ako dito.

"Yow~!" Tsk, walang tao. Puro echo ko lang ang naririnig. Tsaka tanga ba ang taga dance troupe? Bakit iniiwan nilang bukas ang dance practice room?  Tsk.

Wala naman sigurong makaka kita sakin diba?

Pagkapasok ko, puro salamin lang at ang repleksyon ko. Woah, parang sa JYP. Pero may isang sulok na naka kuha sa atensyon ko. Tuluyan na akong lumapit at nakita ko ang mga polaroid pictures na nakasabit sa fairy lights. Pare parehas lang ang mukha. Si Peter Jung at ang mga kasamahan nya. At may isang di pamilyar. May nakasulat sa polaroid: Jakob Ramos.

"Anong ginagawa mo rito?" Halos mapatalon ako sa gulat.

"Peter Jung.."

~*~

Silence Behind HerWhere stories live. Discover now