"Faris, mommy is here."
Napangiti naman ako nang makita siyang nakangiti ngayon, parang hindi siya nilalagnat. Kalong-kalong siya ni Jay at sinusubukan ata niyang patulugin ito.
"Patulog na sana kaso bumunganga ka eh," Jay shook his head.
"Akin na, kaya ko na. Salamat." Ngiti ko. Binaba ko muna ang mga gamit ko bago ko kinuha ang anak ko sa braso niya.
"Mainit pa rin siya pero time-to-time ko chinecheck ang temperature niya. Bumaba na ngayon." Sagot ni Jay.
"Naghapunan ka na?" Tanong niya habang palapit sa kitchen.
"Hmm." I nod. "Kumain ako sa labas bago ako umuwi. Nagutom din kasi ako kakahanap ng malilipatan namin ni Faris." Dagdag ko.
"Pwede ka namang hindi umalis." Sagot ni Jay.
"Nako, nakakahiya na no. Wala ka ng katahimikan." I chuckled a bit.
"Pwede naman kasing ako na lang," Sagot niya.
"Anong ikaw na lang?" My brows met.
"Pag pinakasalan mo na 'ko, hindi na natin kailangan maghati ng bayad dito sa apartment." Sagot niya.
"Jay," I awkwardly smile. "Kaya nga naghahanap na 'ko ng malilipatan dahil nahihiya na 'ko sayo. Hindi ko rin kayang... pakasalan ka." Sagot ko.
"Si Caeleb pa rin ba?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya, kay Faris na lang ako tumingin.
"Obvious ba? Mahirap iwanan ang alaala ng naudlot na pagiibigan." Sagot ko. "Matutulog na kami ni Faris, maaga pa 'ko bukas."
Pumasok na 'ko sa kwarto namin ni Faris. Hiniga ko siya sa kama at pinatulog muna bago ako mag half-bath. Nang nakatulog na siya, naligo na 'ko dahil plano kong simulan ang blueprint ng third floor ng bahay ni Caeleb.
I'm happy because he's already successful now. Buti na lang, hindi ko siya hinabol nuon, kung hindi, hindi siguro ganito ang buhay niya ngayon. Ayos na 'kong ganito kami ni Faris, nakakapagtrabaho naman ako at nakagraduate ako on-time.
The next day, I woke up at 6 am. Sobrang sakit ng ulo ko dahil halos dalawang oras lang ang tulog ko. Tulog pa rin si Faris nang magising ako, kaya naman dumeretso na 'kong maligo.
I decided to wear a maroon polo shirt tucked-in a black jeans and partnered with a white shoes. I fixed my hair into bun and did my morning skin care routine. After, I spray some perfume before getting my blueprint bag and my tote bag.
"Baby, mommy needs to go. See you later." Bulong ko kay Faris bago siya halikan sa ulo.
BINABASA MO ANG
I'm Coming Back, Manila
RomanceFRIENDS SERIES #2 Caeleb knows his boundaries and priorities. He was very clear life goals. No lovelife, Diploma first. Basically his mindset was love can ruin your dreams but he's into sexual doings where he met Amanda. ☆ daotantawan, 2020.