April 05, 2020
5:47PM
JASMINE:
Bakit nandito ka? Akala ko nahuli ka ng company?
KEN:
Yeah! Tumakas ulit ako! He he! ^__^
JASMINE:
What?
Ken?!
Bumalik ka na sa company. Kapag may makakita sa'yo rito baka makasira sa career n'yo.
KEN:
Babalik din ako. Gusto lang kitang makita saglit.
JASMINE:
Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon pa lang kayo nakikilala sa music industry. Paano kung masira agad ang mga pangarap n'yo nang dahil sa akin?
KEN:
I can't think of anything or anyone else but you, Jasmine.
JASMINE:
Ken, please, forget about me. Focus on yourself and on your dreams. Pahalagahan mo ang grupo mo dahil sila ang makakasama mo nang mas matagal pa.
Huwag mong aksayahin ang oras mo sa tulad kong walang kasiguraduhan ang buhay. Hindi ko alam kung hanggang kelang na lang ako. Ni hindi ko alam kung makikita ko pa kayong makilala ng buong mundo. Please, let's stop this. Ayoko na rin makita ka rito.
KEN:
Hindi kita kayang iwan, Jasmine. Bakit naman kasi kung kailan kita nakilala, saka ka naman mawawala agad?
I am falling for you Jasmine. Mabilis man pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Gusto pa kitang ligawan. Gusto pa kita maging girlfriend. Pero bakit ganito?
Sabihin mo, nararamdaman mo rin 'tong nararamdaman ko, di ba?
JASMINE:
Ken, stop... Please.
Ken Calling...
Ken's call ended 16mins 16sec
KEN:I will never give up on you, Jasmine. Manliligaw pa rin ako kahit na kaunting oras na lang ang natitira. Please, hayaan mo akong gawin lahat ng 'to.
You said your days are numbered, so please give yourself a chance to be happy.
Sabi mo ayaw mo ng regrets kung sakaling mawala ka, so please, give yourself a chance for love.
Read 6:40 PM
Babalik ulit ako.
Read 6:41 PM
~♥~
LET'S CONGRATULATE SB19 FOR LANDING RANK NO. 3 ON BILLBOARD SOCIAL 50 AND RANK 7 ON BILLBOARD EMERGING ARTIST!!!
Let's keep on supporting them!
YOU ARE READING
SB19 FANFICTION: STAR FROM AFAR [KEN]
FanfictionHe is a member of SB19. And she's an A'Tin. Wanting to let him know that he is her inspiration, she sends him messages every single day. The unexpected happens when he replied to her. ~♥~ Jade is not fond of P-pop. But everything changed when...