/71/ Song for Neko

116 5 3
                                    

~♡~♥~♡~

"Through droughts and famine, natural disasters. 

My 'neko' has been around for me"

~♡~♥~♡~

April 14, 2020

11:37 PM

KEN: 

Hi Neko! Sorry kung hindi ako nakatawag kanina. Sobrang busy kasi. Maikli lang din ang break time namin kanina.

Alam mo na malapit na kasi ang concert. Pero nag-record ako ng song. I hope you'll listen to it bukas paggigising mo.

Natatandaan mo pa ba 'yung araw na nagkita tayo at binalik mo sa akin itong singsing ko?

That day, naramdaman kong ikaw ang gusto ko. Hindi pa man kita nakikita o nakakasama bago ka naging writer namin pero lagi kong binabasa messages mo.

Dahil sa halos araw-araw na pagsi-send mo ng message sa akin, pakiramdam ko ang lapit mo lang sa akin.

Kahit na minsan nahihirapan kami sa mga activities namin. Napapagod minsan o nagkakaroon kami ng problema. Alam mo bang parang naging happy pill ko ang messages mo.

Hanggang sa araw-araw ko nang hinihintay na mag-message ka. Nalungkot ako nung ilang beses na wala akong narereceive na message na.

May mga times na umabot pa ng ilang buwan bago ka nag-message ulit. That time, gustong gusto na kitang makita.

Pero hindi ko alam kung paano. At nung una kitang nakita sa elevator. Sinabi ko sa sarili kong baka ikaw na 'yon.

Malakas ang kutob kong ikaw 'yon. Kaya sobrang nalungkot ako nung sinabi mong imposible na ikaw yon.

Pero nung araw na sinauli mo sa akin ang singsing ko, gusto kong sabihin na gusto kitang mas makilala pa. Pero nahihiya ako.

At saka baka ma-weirduhan ka. Kasi iyon pa lang ang pinaka-formal na pagkikita natin.

But that day, I had this urge to get you!

And make you my girl. Kaya ginawa ko lahat para sa akin lang ang atensyon mo.

I'm glad that I finally got you now!

I missed you, Jasmin! 

SB19 FANFICTION: STAR FROM AFAR [KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon