Chapter Twenty Eight

424 21 0
                                    

“Ako na ang uuwi sa Dallum. Dallas, stay with her, tapusin niyo ang potion. Give me the silver metal, ako na ang magpapatingin kay Marcus,” I commanded.

He immediately handed me the silver metal na nakabalot pa rin sa puting tela. Agad akong bumaba, I used my vampire speed to grab my car keys na naiwan sa table ng salas nila. Sumalubong sa’kin ang malakas na hangin pagkalabas ko, iba ang pakiramdam ko sa mga nangyayari ngayon. I need to go home as fast as I can, I need to save Kaiden.

Agad ko pinaharurot ang sasakyan ko, rinig ko ang bilis ng aking pagmamaneho. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makitang walang naging problema sa Dallum. Pumasok muli sa isip ko si Kaiden, I will save him no matter what, after I figured out kung sino pa ang nakahawak sa silver metal na ito.

It’s my fault, after all. I didn't listen to his explanations, I didn’t gave him enough time to explain, nadala ako sa galit ko without thinking about the possible outcome of my decisions. I immediately accused their race.

“Alexis, hija. Humahangos ka, anong nagyari?” Nagtatakang tanong ni auntie Amanda pagkapasok ko sa bulwagan. Agad hinanap ng mga mata ko si Marcus.

“Si Marcus po?” Agad kong tanong nang hindi ko siya makita.

“Nasa clinic niya, bakit?” She asked, bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagkagulo at pagtataka dahil sa pagmamadali ko.

I smiled at her, kailangan ko munang kumalma, dahil buong Montavilla ang magkakagulo kapag nakitaan nila akong may pinoproblema. At isa pa, kailangan ko maging maingat dahil hindi pa rin ako sigurado sa mga tauhan dito sa palasyo.

“Wala po, auntie. May itatanong lang po about my condition,” I lied.

“I’ll go to his clinic,” humalik ako sa pisngi niya bago ako umalis. Lakad takbo ang ginawa ko, nang ako nalang mag isa sa hallway ay ginamit ko na ang bilis ko bilang isang bampira.

I slammed the door of his clinic nang makaakyat ako, kasalukuyan siyang nag ta-type sa desktop niya nang ako'y makarating. Saglit niya lang ako tinapunan ng tingin.

“Magandang hapon, mahal na prinsesa. Mukhang may importante kang ipapagawa,”

“Do you have the fingerprints of every officers here in Dallum? Including me and my aunties,” I asked. Agad bumalik ang tingin niya sa’kin, sinarado ko ang pinto at umupo sa harapan ng glass table niya.

“Meron, mahal na prinsesa. Maaari ko bang malaman kung bakit mo natanong?”

Pinakita ko sa kanya ang dala dala kong silver metal na nakabalot pa rin sa puting tela. His jaw dropped when he saw a blood on it, nakita niya rin ang litrato nila ama’t ina. Agad niyang nakuha ang ibig kong sabihin, he stood up and guide me to his laboratory.

“Mabilis lang ba ang proseso?” I asked after I handed him the silver metal. Pinagsuot niya kami ng gloves para hindi masama ang fingerprint namin doon.

“It will only take a few minutes, depende kung matatagalan ako sa paghahanap ng kapares ng fingerprint na makukuha natin mula dito,” he responded.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang pinapanood lang siya.

“I can also check the blood, para masigurado natin kung sa Hari’t Reyna nga iyon.” He suggested.

“Yes, please.” I replied. May punto siya, hindi pwedeng mag conclude agad ako without knowing kung kila ama’t ina nga iyon.

“Does everyone knows about this?” He asked while starting the process of checking the blood on it. Natuyong dugo na iyon sa sobrang tagal na panahon na ang nakalipas, may pinatak lang siyang kung ano kaya muling lumapot iyon.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Where stories live. Discover now