Kabanata 9

163 10 2
                                    

Fate is what transfers YOU from what you ARE to what you WANNA BE.

Nagising ako sa isang malambot na kama. Malaki ang kwarto na ito kumpara sa kwarto namin. May aircon din kaya pala nilalamig ako.

May nakahanda naring pagkain sa lamesa malapit sakin.

Siguro wala naman itong lason.

Kinain ko ito dahil narin sa gutom. Dahil hindi pa ako nagtatanghalian at naghahapunan.

# Simot sarap.

Ngunit naalala kong ngayon ang birthday ni Biboy at nakaratay pa ito sa Ospital.

"Sinong kumidnap sakin? Bat nila ako dinala dito? Wala naman akong naaalala na nakaway ko? ".

Iginala ko ang mata.

Mabuti nalang at nasa bulsa ko parin yong Cellphone ko at makakahingi pako ng tulong.

Binuksan ko ang cellphone ko.

Naninikip ang dibdib ko sa mensaheng natanggap ko. Parang agos sa ilog ang luha dahil hindi ko ito mapigilan. Kung panaginip ito please!!! Gusto ko ng gumising .

I wish if it is just a nightmare.
PLEASE WAKE ME UP.

From: Unknown

This is Carshop Company:

We texted you because your father got into an accident. and his body is missing for now. But we will do our best to find his body. Thankyou.

Napayakap nalang ako sa tuhod ko.

"Bat ngayon pa? Bat ngayon? "Ito yong araw sana na mabubuo kaming tatlo, ito yong araw na sana mapapalitan yong mga araw na hindi naging maganda, yon pala may mas lala pa.

"Bakit!!!" sigaw ko.

"Si Biboy kamusta na kaya?" tanong ko sa sarili ko.

Gusto ko ng makatakas dito.

Mga hayop sila!!!...

Bwct! Naka lock yong pinto. Ano ngang aasahan ko nakabukas tsskk..

Kinalampag ko ang pinto. Na frufrustated na ako ang gusto ko lang ay makatakas dito para mapuntahan si Biboy.

Kung kinidnap nila ako para gawing pokpok. Hindi ko sila masisisi dahil maganda nga ako period!.

Napagod na ako kakasigaw ng bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang isang babae na sa pagkakaalam ko'y katulong ito. May dala itong medecine kit diko alam kung para saan ito. Ng tignan ko  ang aking  kamay dumudugo na pala ito. Kakahampas ko sa pinto.

Hindi ako nito tinignan at inilapag lang ang mga gamot para sa sugat ko.

Ngunit tinapunan ako nito ng tingin at ngumisi ito, kinilabutan ako.

" Totoo nga, parang carbon copy. Salamat sayo." sabi nito at umalis na.

"Naka drugs bayon?"

Ginamit ko muna yong mga sugat ko.

May nakaipit din na papel na nakasulat ay:

"Welcome Hadassah Villamor"

"Huh? Hindi ako si Hadassah mga tanga. Baka nagkamali kayo ng kinidnap mga ulol. Pakawalan niyo nako kung habol ninyo sakin ay pera Sorry kayo. Wala ako non mahirap lang kami Please pakawalan niyo nako. Kailangan ako ng kapatid ko ngayon." pagmamakaawa ko.

Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Walang pumapasok sa isip ko. Ang gusto ko lang ay makatakas ako, dahil kailangan na kailangan ako ng kapatid ko.

Mag tatanghalian narin. Base sa orasan na nakasabit sa kwarto. Dinalhan nila ulit ako ng pagkain.

"Bilisan mong kumain, dahil malalaman muna kung bakit ka andito " Sabi nito saba'y ngisi at umalis ulit.

I will do my best para makatas ako dito. I swear.

My brother needs me a lot.

Masama ba akong tao? Hindi ko alam kong may nagawa ba akong masama sa nakaraang buhay ko kaya ganito na lamang ang kamalasan sa buhay ko. Bullshit!!!

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon