Dear Killer

782 4 1
                                    

Dear Killer(Book 1)
P.S. I Love You(Book 2)
Author:Yengkoy

Dear Killer,

Una sa lahat,gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter.Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA, nanginginig ang mga kamay ko sa TAKOT at kinikilig ako sa NERBYOS!Dahil sa wakas! Sumulat kana din sa akin!kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.

Syangapala,salamat sa Patay na Daga na pinadala mo sa akin, katulad ng patay na daga,patay na patay din ako sayo!Wag ka mag-aalala paglalamayan namin siya mamayang gabi.

Pero sana Red ko,pag nagpadala ka ulit ng love letter,lagyan mo naman ng heart ang YOU'RE DEAD!para kiligin naman ako. 
Palitan mo rin ang I HATE YOU sa I LOVE YOU.

Wag ka rin masyado maglambing sa akin,baka mabasa ng parents ko ang I'LL KILL YOU na sinulat mo,strict pa naman sila.Daan ka lang sa bahay,Ok?Dala ka na rin ng kandila,para pagkatapos mo akong patayin,ipagtirik mo na rin ako para Romantic!

May nakalimutan pa ba ako?Oh! at saka I love you Red ko,mag date na lang tayo sa impyerno.

Lubos na nagmamahal,
Tippy.

(Ang love story na pamatay sa kilig.)

Best Wattpad StoriesWhere stories live. Discover now