Chapter 1 - Panimula

789 10 0
                                    

Chapter 1  Panimula

Isang buwan na lang ang hinihintay ito ako nag iisip kung makakasabay pa ba sa pag aaral lalo na kung online class hindi naman ako lumaki at pinanganak na mayaman para mabili ang mga gadget na dapat kailangan tanging isang mobile phone lang ang meron ako nabili lang sa mumurahing halaga at 2nd hand kung tawagin.

August 24 ang pasukan paano ako makakapag aral ng ganito kahit sabihin na nating may modular learning para sa mga walang maayos na internet connection ngunit iba parin kung matutu ka at may magtuturo ng maayos hindi  yung parang nag self study ka. Bakit pa kasi nagkaroon ng pandemya na ganito lahat tuloy ng kapos palad lalo pa maghihirap kung patuloy na magiging ganito.

Pinag aral nga ako sa magandang paaralan hindi sa pampublikong paaralan kundi sa  pribadong paaralan. Oo kahit minsan wala kaming makain nagawa parin ng magulang ko paaralin ako sa magandang paaralan kahit gumastos ng malaki. Noon gusto ko lang sa simpleng paaralan ayos na ako basta makapag tapos lang ngunit magulang ko na ang may gusto nito kahit tanggihan ko pa ito, Ayaw nila dahil pangarap nilang makapag aral ako sa eskwelahan na pinapangarap ng aking ama noon pa.

Minsan iniisip ko bakit hindi na lang lahat ng tao ay pantay pantay naiingit ako sa mga kaklase ko noon dahil sila anak mayaman wala silang problema kundi kain, at matulog lang sakanila pero ako malaking malaki ang problema ko. sa problemang iyun nadoble pa. Saan ako o kami maghahanap ng pang tuition ko para sa pasukan hindi sapat ang kinikita ng aking ama sa pag tratrabaho bilang construction worker ngunit kahit ganyan ang trabaho ni papa hindi ko kinakahiya dahil marangal iyun sa trabaho niyang ito kulang pa sa amin ang kinikita nya si mama nagsisideline lamang bilang labandera. Saaming magkakapatid ako na lang ang nag aaral lahat sila ay tumigil na.

Muli napasulyap ako sa kalangitan.

'Bakit kay lupit ng tadhana sa amin, bakit ngayon pa kami dumanas ng ganito. kailan ba titigil ang pandemyang ito upang lahat ay wala ng maapektuhan.' anang isip ko

"Anak ano nanaman ang iniisip mo" Napatingin ako sa aking ama at umupo ito sa tabi ko

" Pa bakit sa magandang paaralan nyo pa ako pinag aral? Alam nyo naman po na mahirap tayo. bakit doon pa" Sumulyap lang sa akin ang aking ama

"Anak walang mahirap walang mayaman kung kakayanin ko dun ka makapag tapos dahil ang gusto ko ikaw ang mag tutupad ng pangarap ko noon." sabi nito

"Kaya ang gusto ko makapag tapos ka lang dun masaya na ako kahit walang medalya basta makita ko ang pinaghirapan ko sa pagpapaaral sayo" dugtong pa ng aking ama.

"Pa, hindi ko naman kailangan ang magandang paaralan para matupad ang pangarap mo noon para sayo kung ako pa mas gugustohin ko pa ang simpleng paaralan makapag tapos lang at maibigay sa inyo ang deplomang ninanais ko. "

"Anak hindi mo ako naiintindihan 1st year college lang ako at diko pa natapos iyun ang mama mo elementary lang ang natapos ayaw ko na magaya kayo sa amin. Alam mo ba sabi ko sa sarili ko hindi ko itutulad ang mga anak ko sakin. kung kinakailangan ko sila pag aralin sa magandang eskwelahan gumastos man ako ng malaki gagawin ko huwag lang kayo maliitin ng iba. dahil ang gusto ko hangaan kayo."

Sa mga sandaling iyun parang unti-unti  ko ng nauunawaan ang lahat kung bakit.

"Pa Malapit na  mag pasukan, hindi parin po ako nakakabayad sa tuition fee ko kahit downpayment lang po," Sandali ako sumulyap kay papa

"Pa kung hindi nyo na po kakayanin pwede naman na po ako lumipat dun sa hindi gagastos ng malaki. At pwede rin pong sa susunod narin ako mag aral dahil alam ko pong mahihirapan kayo."

Dad immediately looked at me I don't know why, he suddenly hugged me tightly and the words he uttered strengthened me to continue my studies

"Anak kung yan ang gusto mo hindi ako papayag ikaw na lang ang inaasahan ko mga kapatid mo tumigil na sila sa pag aaral. dahil ayaw ko pag dating ng panahon nasa baba kayo ang gusto ko nasa taas kayong magkakapatid. huwag mo alalahanin ang bayaran sa sunod na linggo babayaran ng mama mo yun gagawa ako ng paraan anak."

"Pa, pangako mag tatapos ako sa accounting na gusto ko at tutuparin ko ang pangarap mo sa akin na maging abogado papa." Naiiyak kong pahayag sa aking ama hindi ko mawari kung bakit. Ganito nga siguro ang mga magulang gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak kahit na nahihirapan na sila. Nag paalam sa akin si papa na matutulog na kaya ako na lang mag isa na lang dito sa tapat ng bahay namin. muli sumulyap ako sa kalangitan ipinikit ang aking mga mata. At nagiisip kung paano ako makakatulong sa aking ama at ina.

Alam kong nahihirapan at napapagod na sila kahit hindi nila sabihin ngunit ramdam ko iyun, ramdam at nakikita ko sa kanilang mga mata ngunit kinakaya nila para sa amim. kung pwede nga lang mag trabaho na ako at ako na ang mag paparal sa sarili ko para di na sila nahihirapan ngunit malabo atang mangyari iyon. sino ang tatanggap sakin eh payat ako. ayaw kong pagtawanan lang at laitin na payatot ako dahil simula pagkabata ko puro masasakit na salita na ang natatanggap ko mula sa iba. wala akong magagawa ito na ang katawan na binigay sakin at meron ako. Alam ko dadating ang panahon hahangaan ako ng lahat.


Online Class (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon