Chapter - 4

69 2 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng mag online class sa dalawang buwan na yun maraming nangyari. Aaminin ko wala akong naiintindihan sa mga tinuturo kundi sa FABM subject lang kami may natutunan halos lahat ata kami ng mga classmate ko sa fabm lang may natutunan. At simula rin na pumasok ang October 5 maraming nangyari maraming ako nakikita sa social media marami akong nababalitaan na hindi maganda. Dahil sa pag aaral ngayon tinatapos nila ang kanilang buhay. Hindi ba nila naisip bago sila magpakamatay hindi ba nila naisip ang kanilang maiiwan na mahal sa buhay maraming paraan para gawin ang lahat hindi sa pagtatapos ng buhay di paraan yun para takasan. Hindi ko din naman sila masisi may kanya-kanya tayong pag-iisip iba-iba ang naiisip natin. Oo mahirap ang pag-aaral ngayon paraan ba dapat na tapusin ang ating buhay? dapat ba natin takasaan ito? Sa dalawang buwan na lumipas kinaharap ko rin ang pagod,puyat,stressed minsan gusto ko na lang umiyak pero niisang araw hindi ko pinakita kina mama na nahihirapan ako sa pag-aaral sa halip pinakita ko lang na ayos lang ako pinakita ko sa kanila na kaya ko.

Isa lang ang dahilan kung bakit lahat ng pagod ay tinatago ko kina mama dahil alam ko nandyan lang sila para sakin hindi ako pababayaan at kung ako tatanongin ayaw kong ipaalam sa kanila ma nahihirapan ako, na napapagod ako dahil alam ko isisipin pa nila yun pro-problemahin pa nila iyun na imbis na saakin lang dapat.

Sa pag- aaral kailangan mo din i-relax ang sarili mo wag mong hahayaan na kainin ka ng lungkot,pagod at hirap dahil kapag ginawa mo yun ikaw ang magiging talo isipin mo ang pangarap mo, isipin mo ang pamilya mo, Isipin mo ang buhay na meron ka kapag sinuko mo ang pag-aaral.

"Nak" Napalingon ako kay mama nung tawagin ako.

"Po ma?"

"May ginagawa ka pa ba na gawaing school mo" Umiling ako kay mama na nagsasabi wala kahit ang totoo meron pa akong gawain na hindi pa natatapos.

"Turuan mo muna ang pamangkin mo dahil bukas na pasahan na bukas ng module na iyun"

"Sige po ma maya-maya po"

Gaya ng sabi ni mama tinuroan ko nga ang pamangkin ko mamayang gabi ko na lang tatapusin ang mga gawain ko. Hindi alam nila mama na gabi-gabi ako nag pupuyat para lang sa pag-aaral Pero kahit ganun diko parin pinapabayaan ang sarili ko dahil alam ko pag ginawa ko yun dagdag alalahanin nanaman ito kapag may nararamdaman akong sakit.

A/N: Sorry Kung natatagalan ang pag-update kailangan ko din mag focus sa pag-aaral sana kayo din mag aral ng mabuti relax relax lang kayo 😊

Online Class (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon