Falling 4

55 5 2
                                    

Audina

I can't open my eyes, my headache strikes. Sinubulan kong maupo kahit na sobrang sakit ng ulo ko.  Pinilit kong buksan ang mga mata ko, napansin kong hindi ko ito kama at kwarto. Tiningnan ko ang oras sa wall clock malapit sa bintana and its 9:47 in the morning. Inalis ko ang comforter na nakalagay sa akin. Doon ko lang napansin na naka-oversized t-shirt na ako,

Bago pa ako makapag-react ng sobrang OA ay may pumasok na lalaki na nakasalamin. He's wearing a jacket and a sweatpants.

"I'm Ludwig Zamora, Riguel's friend,pinapaggising ka nya sakin. Nandito  ka sa bahay ko at ang damit mo ay pinalabhan ko sa maid ko, at siya rin ang nagbihis sayo, suot mo ngayon yung damit ni Riguel. Kaya kung okay ka na, bumaba ka na lang" mahabang paliwanag nya, at umalis na agad.

Tiningnan ko muna ng mabuti kung nakaalis na siya,

So, I'm wearing Riguel's shirt, huh? Nakakainis talaga ang lalaki yon, kung hindi nya ako pinapunta sa party ay sana hindi sumasakit ang ulo ko ngayon, argh!

I decided to go downstrairs at hanapin ang ugok na iyon.

Naabutan ko sila Riguel, Trevor at Ludwig sa dining room na kumakain ng breakfast, nasa bungad pa lang ako ay kumukulo na ang dugo ko kay Riguel..

"You freaking bastard! Bakit mo ba ako dinadala kung saan-saan?!" Sigaw ko sa kanya

"This is my friend's house, at hindi kita dinadala kung saan-saan, at for your information naglasing ka ng sobra, sa sobrang lasing mo kagabi ay di na kita ma-iuwi sa bahay, sinukahan mo pa ang sarili mo, and you even tried to jump out from the window! Pasalamat ka pa nga at pinahiram kita ng shirt ko" sumbat nya sa akin

I rolled my eyes, "Kung hindi mo ko dinala sa party ni Trevor ay sana hindi ako nagkahang-over!" sagot ko.

"At kung ang damit mo ang prinoproblema mo.."dagdag ko sabay hubad ng t-shirt nya at inihagis sa kanya, i don't care kung makita nila akong naka-underwear lang. "Iyan na, THANK YOU!"sarcastic kong sabi emphasizing the word 'Thank you'.

Lumabas na ako ng dining room, pagkatalikod ko ay narinig ko pa syang nagmura,

Bahala siya sa buhay nya, naiinis na ako.

Naramdaman kong sumusunod siya sakin kaya mas binilisan ko pa yung paglakad ko, mabuti na lang hindi mahirap hanapin yung pinto palabas,

Bubuksan ko sana yung pinto palabas ay napahinto ako ng lagyan nya ako ng jacket na itinali nya sa bewang ko sabay buhat ulit ng parang sako, trademark nya ba talagang buhatin ako ng ganto?

Ibinaba nya ako sa may labas ang kotse nya at pinapasok ako sa loob, ngayon ko lang din napansin na naka half-naked siya, he has well-built body, moreno kaya bagay na bagay sa kanya ang katawan nya. But I don't care at all, naiinis pa rin ako sa kanya.

Pagpasok nya sa kotse ay agad nya akong hinarap,

"Why did you take off your clothes in front of my friends, those fuckers are fucking men, nag-iisip ka ba, Audina?" Bulyaw nya,

"Bakit? Ano ba ang pake mo? E sa nirereklamuhan mo ako ng shirt mo e, kaya binigay ko. At ano ang pinuputok ng butchi mo ha? I'm still wearing my underwear" sagot ko.

"You're crazy, Woman"he murmured.

He drive as fast as he could, sinuot ko yung jacket na itinali nya sa waist ko, I felt the cold breeze from the open window car. Nakauwi na kami, buti na lang hindi ko nakasalubong si Tita Carly dahil alam kong tatanungin ako ng sunod-sunod.

Hindi na ko na binalak pang mag-breakfast, naligo na agad ako at nagbihis. Uminom na rin ako ng advil para hindi na sumakit ang ulo ko.

-------------------------------------------------------------
Ludwig

Lumabas ng dining room si Audina, actually kanina pa namin siya pinag-uusapan.

She take off her shirt nang lumabas at nagulat kaming lahat, I admit that she's hot, burning hot. Pero agad kaming sinamaan ng tingin ni Riguel,

"Don't you dare to look at her body fuckers, I'll gonna rip off your eye balls lalo na ikaw Trev, pahiram ako ng jacket mo Ludwig" he said in serious tone.

Tumawa lang si Trevor, binigay ko naman yung jacket ko, minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganyan si Riguel, I've never seen his possessive side, ngayon lang.

Napailing na lang ako, paano ko ba naging kaibigan ang mga 'to? Trevor is a playboy, and Riguel is more like a serious guy na nakahanap ng katapat.

Itinuloy ko na lang ang breakfast ko.

"Alam mo, Lud, mukhang makakalove-life na si Riguel, nakakainggit" sabi ni Trevor sabay tawa ng malakas

"Bakit ka naman maiingit e, kada week ay may bago kang nabobola, kapag narinig ka ni Riguel ay siguradong mura ang abot mo sa kanya" sagot ko pero tinawanan nya lang ako.

"At pupwede ba? Si Riguel lang ang pinapasok ko sa bahay ko, bakit ka ba andito? Nakikikain ka lang e"dagdag ko

"Grabe naman 'to, hindi mo ba ako namimiss ha, Ludwig?"tanong nya

"Mandiri ka nga minsan, Trev"sagot ko

Tumawa lang siya ng tumawa, umiling na lang ako sa kalokohan ni Trev.


Riguel Santillan : Fall For Me (COMPLETE)Where stories live. Discover now