Falling 7

47 4 0
                                    

Audina

A familiar scent caught my senses, I woke up in a gray and black room, the glass window were covered with a gray curtain, a picture on the wall caught my attention, there was a little girl and there's a cute little boy too, they look so happy under the rain.

Napasinghap ako nang biglang lumabas si Riguel galing sa bathroom, and dang! Naka-half naked lang ang loko. I covered my eyes at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko na nakalapit na siya sa likod ko,

"You lived in a fashion industry tapos magtatakip ka ng mga mata mo? Noong naghubad ka nga sa har--"

I cut him off, pero mali ang desisyon kong humarap sa kanya dahil sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko, I can't breathe.

I scan his face, his dark brown eyes were shining, his nose is proud, his delectable lips, at pati na ang jawline nya ay hindi ko pinalampas. Hindi ko akalain na sasabihin iyon ng isip ko,

Oh my sweet Jesus, forgive me for admiring his looks.

"B-bakit ba ang lapit mo sa akin?"nagmamatapang kong saway sa kanya.

He just smirked at me at lumayo na sya sa akin, thanks for doing that dahil nakahinga ako ng maluwag. Lumabas na ako ng kwarto nya, doon ko lang napansin na sobrang bilis ng tibok ng puso ko, it's not normal.

Hindi ko na lang iyon pinansin, marami akong gagawin ngayon kailangan ko pang tawagan uli si Alexa.

Trevor

Riguel, Ludwig and I were here in my dad's rancho. Naisipan kasi nilang magkarerahan, at last nanalo nanaman sa karera si Questra, ang kabayo ni Riguel.

"Sabi ko sa iyo Lud na hindi ka mananalo dyan kay Rig, nagsasayang ka lang ng pera"natatawang sabi ko kay Lud.

May pustahan kasing naganap kaya naaliw akong panoorin ang dalawa.

Napangiwi naman si Lud sa sinabi ko sa kanya,

"By the way, nakita ko si Thalia dito nung nakaraang araw, tinatanong nya sa akin kung saan ka daw nakatira" sabi ko at humarap kay Rig.

"Subukan mo lang sabihin kung saan ang bahay ko ay ipapatadyak kita kay Questra, I swear" matalim na tingin sakin ni Rig.

"Chill, hindi ko naman sinabi e. Baliw talaga iyon sa iyo no? " ayaw na ayaw niya talagang inaasar siya kay Thalia,

Tumawa na lang ako sa reaksiyon ng dalawa.

"By the way, sabi sa akin ni Audina may photoshoot daw siya bukas sa may resort, gusto nyo pumunta?" Pag-iiba ng topic ni Lud.

"Oo ba, makikita ko nanaman ang crush ko"asar ko kay Rig.

Ewan ko lang ha, pero parang nag-iiba itong si Rig kapag kasama si Audina e, lumalove-life.

"Shut up Trevor, huwag ka na lang sumama" seryosong sabi ni Rig

"Chill, parang crush lang e, wag ka na magselos, ikaw naman love ko e" asar ko ulit kay Rig.

"Mandiri ka nga Trev"sabat ni Lud at Rig

Kaya ang sarap mang-asar e, tawa lang ako ng tawa sa reaksiyon nila.

Audina

Pinadala na sa akin ni Alexa ang mga clothing line na ginawa ko pa from Paris.

Excited na talaga akong magphotoshoot bukas. Its my first time na maglabas ng tropical theme clothing line puro kasi pang-winter ang mga design ko noon nang nasa Paris ako. 

Wala si Tita Carly ng isang linggo dahil may problema sa shop nya sa Manila, at kabilin-bilinan nya na isama ko raw sa Riguel sa lakad ko bukas. Hindi na ako nagreklamo, masyadong maganda ang mood ko para magreklamo pa.

8:40 pm pa lang pero nasa higaan na ako at may naka-lagay na collagen mask sa mukha ko. I even use a serum para maging maganda ang skin ko para bukas.

*knock* *knock*

Naalimpungatan ako sa narinig kong katok sa pintuan ko, tamad akong tumayo para tingnan yon,

Pagkabukas ko ng pinto ay nairita ako bigla ng makita ko si Riguel na nakahilig sa pintuan ko.

Pagdapo ng tingin nya sa akin ay nagulat siya,

"I thought you were someone, bakit ka kasi naka ganyan? Mukha kang espasol na multo" sabay tawa,

"Pwede ba? Bakit mo ba pinapakialaman ang paglalagay ko ng collagen mask? Kung naiingit ka, gaya ka"inis kong sagot sa kanya

"Alas dyis pa lang ah, bakit ang aga mo atang matulog?" Tanong nito

"Ano bang pake mo? Bukas na ang photoshoot ko kaya wag ka ng umepal sa tulog ko" sambit ko sa kanya,

"Sige na, matulog ka na, I just want to say thank you sa pagbabantay sa akin kagabi" he smiled at me.

"Ginawa ko yun para quits na tayo, goodnight" I said

He just chuckled.

"Goodnight, Audina" he said in straight forward.

Pagkasarado ko ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko, my heart beats so fast. Did he just say name?

Holy mother of the earth, nagkakagusto na ba ako kay Riguel? Iniling ko ang ulo ko, hindi pwede iyon, ayaw niya sa akin at ayaw ko rin sa kanya. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Itutulog ko na lang to, bukas siguro ay mawawala rin ang mga thoughts ko, bumalik na ako sa pagtulog. I need some beauty rest para na rin bukas.




Riguel Santillan : Fall For Me (COMPLETE)Where stories live. Discover now