Falling 12

39 3 0
                                    

Audina

Chadwick Frayn is my fil-am bestfriend in France. Noong una akong mapadpad sa Paris ay siya ang unang naging kaibigan ko roon. Tandang-tanda ko pa nung nag-aaply pa lang ako sa company sa Paris ay siya ang unang nakausap ko, I think 21 pa lang ako non.

He help me to find a place para may matirahan ako habang nasa Paris pa lang ako. He help me to have more opportunities. Magaling siya sa lahat ng bagay lalo na 'pag dating sa fashion kahit na lalaki siya, at tinuturing nya akong kapatid. Malambing 'yong taong yun at maliban kay mom na nasa Paris ay siya na lang din ang meron ako. Hindi naman na sa akin na-contact si dad, at wala na rin akong pake kung nasaan siya ngayon.

Minsan nga nang ipakilala ko siya kay mom ay tuwang-tuwa sya kay Chad. Tuwing dadalaw kami kay mom ay may gift laging dala si Chad para kay mom.

And last night, he called me.

Flashback

Phone Call

Chad: "Hey, kamusta ka na dyyan sa Pilipinas?"

"I'm okay, ikaw ang dapat kong kamustahin, ikaw ang palaging busy e"

Chad: "Tatawagan ba kita kung busy ako? *he laugh* at may surprise ako sa'yo"

"Ano naman iyon?"

Chad: "Suprise nga e, bakit ko naman yon sasabihin? Kapag sinabi ko, edi hindi na yon surprise" natatawa nitong sabi

"Oo na, mag-ingat ka dyan ha? Pakibisita na lang si Mom kapag hindi ka busy, wala kasi ako dyan at miss ko na rin siya"

Chad: "Yeah, I'll visit her tomorrow. Mag-ingat ka din dyan, I'll call you tomorrow pagkabisita ko kay Tita Daph, I love you"

"Thank you, Chad. I love you too"

End Call

At tungkol doon sa I love you normal na para sa amin yon. Ganon lang talaga katamis si Chad, kahit nga sa ibang babae kaya mapagkakamalan mo talaga siyang maraming girlfriend.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Ludwig,

"Hey, Ludwig"tawag ko sa kanya

"Oh hi Audina, nandyan ka pala"bati nya sa akin habang may hawak na bandiritas,

"Nakita mo si Riguel?"tanong ko

Umiling siya,

"Nasa Airport siya ngayon, susunduin nya si Raphiel"he replied.

Napakunot naman ang noo ko,

Pumunta ako sa kusina at naabutan ko doon si Tita Carly na naka-apron.

"Hi hija! Pwede mo bang pakibalatan itong patatas para sakin?" Sabi nya sabay bigay sakin ng mga lulutuing patatas

"Ahm tita, sabi sakin ni Ludwig ay darating po dito si Raphiel" sabi ko habang nagbabalat ng patatas

"Yes hija, parating na ata sila"sabi niya habang hinahalo ang caldereta na niluluto nya,

Tinulungan ko si tita sa kitchen, hindi ako ganon kagaling magluto pero marunong naman ako kahit papaano.

Habang nagluluto ay nagkwekwento pa si tita tungkol kay Raphiel.

Sakto pagdating nila ay tapos na rin kami magluto ni tita, sila Trevor at Ludwig naman ang nag-ayos ng banner. Ewan ko kung naging maganda ang ginawa nila, pareho kasi kami ni tita na may ginagawa sa kitchen.

Kinuha ni tita Carly ang kamay ko at hinila ako papuntang sala.Naabutan namin doon si Raphiel.

Raphiel is six feet tall, matangkad siya at mas well-built ang katawan, hindi nalalayo kay Riguel pero mas matangkad ng konti si Raphiel. The way he look is intimidating. Mas kamukha niya si Tito Rafael at mas define ang features nya siguro dahil mas nakakatanda siya kay Riguel.

"Hi there! Namiss kita hijo" sabi ni tita sabay bitaw ng kamay ko at niyakap si Raphiel.

"Oh by the way this is Audina, anak ni Tita Daphney mo, she's on vacation kaya dito muna siya tumutuloy, right honey?" Sabi niya sabay harap sa akin.

Tumango lang ako.

Tumingin naman sakin si Riguel,

"Mom, hiramin ko lang si Audina ah?"ani Riguel

He hold my wrist then pull me, tumigil kami sa garden

"Hey ang dami mong harina sa mukha"natatawang sabi nya

Hinawakan ko naman ang mukha ko, tama nga siya ang dami ko ngang harina sa mukha, siguro noong nagbabake kami ay nalagyan ko yung mukha ko ng di sadya.

"Hinila mo talaga ako dito para lang sabihin yon?"mataray na sabi ko

"Nope, I want to give you this" he said sabay kuha sa bulsa nya ng isang velvet box,

It's a necklace, a beautiful pastel pink rose pendant necklace.

"Wow, it's beautiful" I said.

"Nakita ko yan kanina noong papunta ako sa airport, dumaan muna ako sa mall tapos nakita ko yan, nagandahan ako kaya binili ko, sa'yo na yan di ko naman kailangan" chill nyang sabi

Pero nasa kwintas pa rin ang atensyon ko.

"Thank you!" Napayakap ako sa kanya

"Hey, nahinga ka pa ba?"napabitaw ako sa yakap ko sa kanya

Pero hinigit nya ang kamay ko at niyakap ulit,

"Five more minutes, please" he calmly said.

Oh ghad, ang bilis ng tibok ng puso ko. Can I stay for more than five minutes?






Riguel Santillan : Fall For Me (COMPLETE)Where stories live. Discover now