CHAPTER 11

820 48 1
                                    

NEIL

"Good job for those who got a perfect scores on this quiz." The teacher said happily while fixing the papers on her hands.

Pumalakpak kaming lahat dahil halos lahat kami nakakuha ng perfect score, except sa mga dalawang classmate namin sa likod na hindi pumasok ng isang linggo.

"That's all." She smiled again. "Good bye." She waved at us before walking out.

"Yes!" Mark jumped happily.

"Buti na lang at nagreview tayo." Tumingin sa akin si Gail at tinapik niya ang aking balikat. "Thanks to you, Neil."

Tumawa ako. Kagabi kasi ayaw nila kaya buti at pinilit ko sila. Nagstay kami sa dorm ko para magreview. Umupo ako sa upuan ko at hinarap ko silang nakaupo sa sahig.

Napakamot si Gail sa kanyang ulo. "Pagod na ako." Reklamo niya at humiga sa sahig.

Umirap lang ako. "Bahala kayo diyan."

Hinila ni Kurt ang kamay ni Gail para bumangon ito. "Hindi pa nga tayo nagsisimula pagod ka na agad." Tumawa ito.

Nagsimula na kaming magreview nang 8 o'clock at natapos kami around 10. Kaya ngayon may naperfect namin yung quiz namin.

"Mauna na kayo sa cafeteria." Utos ko sa mga kaibigan ko habang inaayos ang mga gamit ko.

Napalingon sa akin si Gail. "Bakit?" Tanong niya.

"May ibabalik lang ako sa library." Sagot ko at tumayo na.

"Samahan ka na namin." Kurt insisted.

Umiling ako. "Hindi na, mabilis lang naman ito." I give them an assuring smile. "Saka baka mawalan tayo ng table sa cafeteria kapag sumama pa kayo."

"Right!" Mark clapped his hands.

Ngumiti ako saglit sa kanila, kinuha ko na ang bag ko at naglakad ako papuntang library. Nakakasalubong ko yung mga estudyante na lumalabas sa mga classrooms nila. Masaya lang akong ngumingiti.

Pumunta ako sa counter kung saan nandoon ang matandang babae na librarian. Inilapag ko yung libro tapos yung ID ko sa harapan niya. Hindi lang siya nagsalita at tinignan ito bago niya ibinalik. Lumabas na ako at nagulat ako nang may biglang bumangga sa akin, kaya nahulog ang mga librong hawak nito.Mabilis akong yumuko at dali-daling pinulot ang mga librong nahulog.

"Ang dami naman ng librong ito, are you sure na kaya mong kargahin lahat ito?" Tanong ko at itinaas ang aking ulo. Isa siyang lalake na naka eyeglass, parang ngayon ko lang siya nakita.

"Thank you, Neil." He said in a shy tone and pushed the bridge of his eyeglasses.

I just smiled at him. Binuhat ko ang librong pinulot ko at tinulungan siya sa pagbubuhat papasok ulit.

Matapos yun ay dumiretso na ako sa cafeteria, hinanap ko kung nasaan ang mga kaibigan ko. Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko sila sa table malapit sa counter.

Naglakad ako patungo doon at pasimpleng umupo sa tabi ni Mark habang abala sila sa pag-uusap. Nagulat ako ng bigla silang tumahimik.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon