CHAPTER 38

349 16 0
                                    

Neil

Pagkabangon ko parang nahilo ako ng konti, mukhang masama ata ang aking pakiramdam dahil sa naulanan ako kagabi. Umupo ako sa gilid ng kama ko at dumiretso sa banyo ko para maghilamos, kung kelan magbabago na ang lahat, nagkaganito pa ako? Ano na bang kamalasan ang lumalapit saakin?

Nagluto ako ng noodles at kulang nalang ipasok ko yung ulo ko sa kaserola, dahil sa inaamoy ko yung mainit na usok na nanggagaling sa kumukulong tubig, parang gumagaan kasi yung pakiramdam ko kapag nakakasinghot ako ng mainit na usok. Sa huli hindi din naman ako nakakain ng maayos, kahit anong pilit kong kainan ito, tinatangihan ito ng lalamunan ko at pilit na inilalabas ng bunganga ko.

Bumalik ako sa pagkakahiga at binalot ang sarili ko ng kumot, hindi naman ako makatulog dahil kahit anong gusto kong matulog hindi ko magawa. I spend 3 hours lying down under my blanket, wala naman akong magawang iba dito sa dorm.

Nagpalit ako ng mga suot kong damit at tyaka na lumabas, pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Mark na nakatayo dito sa harap ng dorm ko. Nakataas ang kamay nito na parang nagdadalawang isip pa ata kung kakatok. Tila nagulat siya at tumayo ng maayos nang makita ako.

"Baki---"

"You look pale." May umaapaw na pag aalala sa kaniyang mga mata. The thing that I should not see on them, kasi hindi nila kailangang mag alala para saakin.

Pumasok lahat sa isip ko yung ginawa niyang pagsuntok saakin, as his close friend syempre masakit parin saakin yun. Tumikhim ako to clear my mind, "I'm fine." maikli kong sagot.

"Kamusta kana?" Napatawa ako sa kaloob looban ko. Matapos nang mga nagawa nila saakin, kamusta daw ako?

"I'm fin---"

"Lalabas ka ba?" Singit na tanong nito.

"Oo punta lang ako sa malapit na internet cafe." Sagot ko at tyaka lumabas na, wala akong pakealam kung may sasabihin pa siya basta mabilis nalang akong naglakad, hindi ako natatakot, they throw me away and all I have to do now is get out of there hair.

Madali naman akong kausap eh kapag ayaw na saakin, I no more choice but to choose to stay away for them. Mariin akong napapikit at napahawak sa handrail nang maramdamang sumasakit ang ulo ko.

Huminga ako ng malalim at tyaka na nagpatuloy sa pagbaba gamit ang hagdan, pumunta ako sa isang malapit na internet cafe, nagorder ako ng isang green hot tea. Ipinagpatuloy ko ang pagaaral ko, dahil wala namang mas maimportante pa dito, tyaka malapit na ring matapos ang taon kaya I need to study harder.

"Such a studious kid." Napataas ang tingin ko sa nagsalita, and it was that guy. Why can't I remember his name. "Sabi ko na nga magkikita din tayo ulit.

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong maalalang sinabi niyang magkikita kaming muli. "Excuse me?" Tanong ko.

"I'm Vince, incase you don't remember me." He give his hand for shake hand, kaya dali dali kong tinanggap ito. Napatingin ito sa kamay ko. "Your hand is so hot." He said.

"Your hand is so cold too." Nahihiyang sagot ko. Natawa kaming dalawa sa isa't isa.

"Pwede ba makitable?" Tanong nito. Tumango nalang ako bilang sagot, there's nothing wrong na makitable siya, alam ko naman kasi na gusto niya nang makakausap, kaya ibibigay ko nalang ito kahit wala ako sa mood para makipagusap.

"I saw you last night." Natigil ako sa pagbabasa at kunot noong napatingin sa kanya. "I saw you crying on the rain. Is everything alright?" Tanong nito.

"Yes everything's fine right now, kahapon lang nagkaroon lang ako ng problema kaya ayun." Walang alangang sagot ko, tumango agad ito bilang sagot.

Kinuha ko ang tasa ng tsaa at dahan dahang sumimsim dito.

Just Friends [Boys Love]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang