Chapter 1

16 1 0
                                    

Mabibigat ang mga hakbang ni Ms. Torres na pumasok sa silid ng umagang iyon. Makikita sa kanyang mukha ang pagpipigil ng galit. Ramdam ng apat napung estudyante niya ang pagbabago ng kanyang ugali sa mga sandaling iyon. Kung noon ay mas una sa kanila kung bumati, ngayon ay hindi nito pinansin ang kanilang pagbigay-galang. Nabigla ang lahat sa malakas na kalabog sa mesa nang nilagay na niya ang mga dala dito. Napaupo ang lahat ng matuwid.
"It has come to my knowledge that some of your classmates were given reprimand letters after staying late in the campus and doing something they are not suppose to do in your young age."
Nagkatinginan ang mga magkaklase sa isa't isa at ang iba naman ay nagbubulungan na parang nanghuhula kung sino ang mga tinutukoy ng galit na galit na si Ms. Torres. Matalim ang tingin ni Ms. Torres sa likod ng kanyang salamin habang tinitingnan isa-isa ang umuukopa sa silid at sandaling napatigil sa dalagitang may mahabang buhok na tuwid na tuwid ang pagkakaupo at iniiwasan ang kanyang mga mata. Maya-maya ay inutusan na niya ang mga itong itigil ang chismisan at nagbilin na ayaw na niya itong mangyari ulit lalo na sa kanyang advisory class. Nagsimula na siya sa kanyang aralin sa araw na iyon hanggang narinig na ang buzzer tanda ng pagtatapos ng kanyang subject.

Napuno ng mga nagbubulungang tao ang silid ng makaalis ang guro. Napalingon si Pim sa dulong likuran niya kung saan nakaupo si Tom na nakatingin rin sa kanya. Sumenyas ito na mag-usap silang dalawa pagkatapos ng second period. Tumango ang dalaga at umupo na ng maayos nang pumasok na ang pangalawang guro sa araw na iyon.

" Lin, sabay lang ako kay Tom sa Cafeteria.", Paalam niya sa katabi ng marinig ang buzzer. Bago pa man siya makaalis ay bumulong si Lin sa kanya.
"Tingin mo si Wes at Dana yun?", Kinabahan bigla si Pim pero tinaas lang niya ang mga balikat niya para sabihing hindi niya alam at umalis na sa silid. Hinawi niya ang ilang mahahabang buhok na tinangay ng hangin pagkalabas  niya. Nasa labas na si Tom, nakasandal sa may railing. Kalahati sa anim na talampakan niyang tindig ang naiilawan ng araw. Napangiti si Pim ng makita ang gwapo nitong mukha. Habulin ng admirers si Tom simula pa nung Grade seven ito. Matangkad kasi si Tom, athletic, matangos ang ilong, makapal na makintab ang buhok, pati kilay nito ay maganda ang hulma. Maputi rin siya at bilugan na pula ang mga labi at hulmado ang mapuputing ngipin, resulta ng paggamit ng braces ng mahabang panahon. Marami na rin itong nakarelasyon nung middle school. Nakahanay kasi sa American system ang paaralan. Grade 10 na sila nung nagtransfer si Pim kaya karamihan na ng alam niya kay Tom ay mula sa mga salaysay ng naging kaibigan na kaklase nito nuon.
"Hi!", nakangiti niyang bati kay Tom nang makalapit siya. Tumango lang ito sa kanya at hinawakan ang likod niya para pumunta sa mas tahimik na lugar. Mas mataas si Tom sa kanya kaya tumingala siya para matingnan ang mga mata nito. Bumuntong hininga si Tom.
"Have you told your mom?", Tanong nito matapos suklayin ng kamay ang buhok na parang nenenerbyus. Tumango si Pim.
"Nagalit si Mama pero mostly sa akin, kasi diba kinakampihan ka naman niya palagi." Parang nag-iisip si Tom ng marinig siya. Nagsalita na rin ito matapos matahimik saglit.
" Look Pim, uhmm--- nalaman kasi ni coach and---"
" May problema ba Tom?", Hindi maganda ang pakiramdam ni Pim sa paraan ng pakikipag usap ni Tom. Napalunok siya habang hinihintay ang sasabihin nito.
" Sabi niya na hindi maganda sa records ko ang suspension."
Nabigla si Pim sa sinabi ng binata at napaatras ng hakbang.
"What do you mean Tom? You mean that I should own the responsibility of OUR action? "
"Hindi, I mean. I mea--"
" Ganun ba ka easy sa'yo Tom? Dahil ba ako lang ang nakita ng janitor na half-naked in a dark room at nasa labas kana sa gate waiting for me kaya mo to ginagawa?"
"Pim---" pinutol na siya ni Pim dahil palingo lingo na itong humakbang paalis na pinipigilan ang luha dahil sa nangyari.

*********************
"Congratulations Ms. Sta Maria." bati ni Ms. Torres kay Pim nang magka-high score ito sa subject niya. Nakangiti ito habang inabot ang maliit niyang papremyo.
"Thank you Ms. Torres.", sabay bow ni Pim tanda ng paggalang.
" Okay class, Pim has made a great improvement the along with Dana and other four of your classmates. If you follow their examples, I am certain that no one from this class will be ranked below one hundred for this quarter. Nakakahiya na almost half of this class is at the bottom last time. You know how my nerves are reacting when they compare you to other classes."
"Congrats Pim.", Bati sa kanya ni Lin nung nagsimula ng magturo ang guro sa harap. Ngumiti lang si Pim.
" I'm proud of you. Kasi diba behind ka sa class nung nagkasakit lola mo, then you have to go take care of her. " Tumango tango lang si Pim sa kanya. Bukod sa mga Administrators, Guidance Counselor, Ms. Torres, Coach Nat at sa nanay niya, wala ng ibang nakakaalam sa suspension ni Pim ng dalawang linggo. Dahil nagmakaawa ang ina at si Pim lang ang nakita ng janitor ay hindi higit sa suspension ang parusa niya. Nag-module siya sa mga panahong iyon at isang linggong hindi pinansin ng nanay niya. Hindi na niya kinausap si Tom matapos ng usapan nilang iyon. Cancelled niya ang lahat ng tangka nitong pag contact sa kanya at nung makabalik siya sa school ay nagpalit na siya ng network para hindi na siya matawagan nito. Itinuon ni Pim ang lahat ng atensyon sa pag-aaral at nagpupursigeng makuha ulit ang tiwala ng ina.

"Nag-ace daw ulit si Tom at alam mo ba, Vany is there. Cheering with her pompoms along with her skinny team. I'm sure she's really happy knowing that Tom is single. That girl…hummppfff.", sabi ni Lin habang inuubos ang slice ng cake niya. Magkatapat sila ni Pim na naglulunch.
"Pim sorry, me and my big mouth talaga", sabi niya ng mapansin na natahimik si Pim.
"No, it's fine. Matagal na rin naman kaming wala ni Tom.", Sabay subo niya sa kinakain.
"Sayang kayo ni Tom, Pim. You've been together for a year tapos naghiwalay lang kayo dahil gusto ni coach magfocus siya sa team. Very selfish for Coach Nat talaga and very coward for Tom."
"That's just a part of it", naisip ni Pim. Pero kung masasabi niya lang kay Lin ang lahat, kung masabi niya lang na totoong duwag si Tom. Pero kahit gaano man kabigat, hindi niya sasabihin sa iba ang totoo. Mas panatag siya kung walang ibang kaluluwa ang nakakaalam, kahit pa kaibigan niya si Lin.
"Kumusta na pala ang club mo?", Pag-iiba niya ng usapan.
"Aaahh, that reminds me. Patulong naman Pim, nag-chicken pox kasi yung emcee namin. Please Pim, sa opening program lang naman e. Please na Pim!", sabi ni Lin habang mahinang niyuyogyog ang kaibigan sa braso.
"Iba nalang, di naman ako member ng School Paper. Iba na lang ligawan mo."
"Ikaw ang gusto kong ligawan. Please Pim, am I not your friend? I'll buy you a drink. Wait here!"
Umalis ito para bumili. Napangiti nalang si Pim sa kulit ni Lin. Alam din naman niya na hindi siya titigilan ni Lin. Inuubos na niya ang kinakain niya nang may umupo sa upuan ni Lin. Itinaas niya ang tingin at nagulat sa katapat.
"Can I talk to you?"
"What for?"
"Please Pim."
Bago pa man makapagsalita si Pim ay nakalapit na si Lin dala ang bottled iced tea.
"Oh, I'm sorry Tom for the intrusion. Pim?"
"No, uhmm. Aalis na rin siya Lin. Wala na kasi kaming dapat pag-usapan.", sabi ni Pim habang nakatingin kay Tom sa mata.
"Or if he want, we can go instead", dagdag niya.
Matapos marinig si Pim, bumuntong hininga nalang si Tom at matapos ngumiti kay Lin, ay umalis na rin ito.
"OMG…he just smiled at me."
"Basta ikaw gumawa ng script ha."
" Are you saying…. Yes Pim! Yes!", may pasayaw sayaw pa si Lin na agad namang inawat ni Pim.
***********

Nagmamahal, TomWhere stories live. Discover now