Chapter 6

5 0 0
                                    

" Kinakabahan ako Iggy." wika ni Pim sa katabi. Tinapik naman ni Iggy ang balikat ni Pim.
" Relax Pim, pinaghirapan natin to. "
Nakahanay na ang mga proyekto ng bawat kalahok, nasa huli ang solar mobile nila ni Pim at nasa gilid sila nito gaya ng ibang kalahok. Bago pa man buksan ang exhibit sa mga estudyante ay sasailalim muna ito sa mga hurado. Nakasuot ng Type A uniform si Pim at si Iggy. Nakapalda si Pim na may stripes na brown at dark blue, isang puting blusa ang nasa ilalim ng kanyang dark blue na vest na may official logo na patch sa may kanang dibdib at brown na necktie. Si Iggy naman ay nakadark-brown pants na may bulsa sa likod, may white na polo sa ilalim ng dark-blue vest tulad ng kay Pim na naka-tuck in. May logo patch din siya sa kanang dibdib at inayos niya ang kanyang buhok na ginamitan niya ng gel para hindi mapunta sa mukha niya ang ilang strand nito. Nakaclip naman ang isang bahagi ng buhok ni Pim. Presentable silang tingnan tulad ng ibang representatives na kalaban nila. Hindi kabilang si Mr. Fano sa mga hurado kaya palakad lakad siya sa bawat participant at sinisigurado na may laban ang bawat isa. Kumakabog ang dibdib ni Pim dahil ngayon lang napili ang proposal niya at ang mananalong proyekto ay makakapag-compete sa mas malaking patimpalak. Nung nasa tapat na nila ang mga hurado ay nagbigay na si Pim ng overview sa solar mobile. Nasa tatlong talampakan ang taas nito mula sa sahig at nasa limang talampakan naman ang  haba nito dahil gawa ito sa pambatang sasakyan na pinaglumaan ng anak ni Mr. Fano. Napagana ito ni Iggy sa pamamagitan ng remote control at manghang mangha ang mga hurado nang paikutin ito ni Iggy. Nang matapos na ang mga hurado ay binuksan na sa mga estudyante ang grand hall. Nakahinga ng maluwag si Pim, napa-apir naman si Iggy sa kanya. Marami ang nagsitinginan sa mga imbensyon, pinuri din sila ng mga faculty members. Nakikipag-usap si Iggy sa mga kaibigan nito at si Pim naman kay Lin.
"Ow Pim! This is so worth your after school hours. I love it, ang galing niyo talaga. Dali selfie!"
Puro picture si Lin sa mga nakadisplay. Nakisabay nalang si Pim kahit kinakabahan pa rin. Iniwan muna siya ni Lin sandali dahil nauhaw ito. Maya-maya lang ay may naglalakad patungo kay Pim.
"It's fine. Even elementary students can do this." komento nito habang pinagmamasdan ang gawa nila ni Pim.
"You know, Pim right? We're not introduced properly but I assume you know me by heart. Well, who doesn't right?"
Tiningnan niya si Pim mula ulo hanggang paa. Hindi kumibo si Pim at tinitigan lang din siya pabalik.
"I don't know what he sees in you.---- You look really plain to me. Watch out Pim. You let him go, you can't take him back." pagtapos ng pagtataray na yun ay umalis na ito sa harap ni Pim.

"Anong pinag-uusapan nyo ni Vany?" tanong ni Lin na kakadating lang.
"Wala, nilait lang yung project."
"Really? That brat!"
"Aysss, tama na yan. Huwag na natin patulan."

Biglang lumapit sa may podium si Mr. Fano kaya napunta sa kanya ang atensyon ng mga estudyante. Matapos masabi ang pasasalamat sa mga dumalo at pagpapakilala sa mga hurado ay i-aanunsyo na nito ang mga nanalo. Natanggap ng Grade 8 ang second runner up sa imbensyong vacuum cleaner gamit ang recycled materials, First Runner Up naman sa camera obscura ng Grade 11. Naka-cross fingers lang si Pim at nasa tabi niya naman si Iggy.
" The winner for this year's Science Fair _ _ _ goes to…"
Naramdaman ni Pim ang drum roll sa dibdib niya at parang sasabog siya sa kaba.
" Grade 12! Solar mobile by Ms. Sta Maria and Mr. Zambe!"
Napayakap si Pim kay Iggy sa tuwa. May mga camera flashes silang natatanaw sa paligid at naghiyawan ang mga taga-year level nila. Tinanggap na nila ang incentive, trophy at certificate. Lubos na kaligayahan ang naramdaman ni Pim lalo na't mapupunta sa nationals ang gawa nila.
************
"Aahh, I still can't believe it Iggy. Grabe talaga parang gusto kong sumigaw sa saya. It felt so good."
Naglalakad na sila pauwi. Dala ni Iggy ang bouquet of flowers ni Pim at yakap yakap naman ni Pim ang trophy nila.
"Mapunit na mukha mo niyan, kakangiti."
" Sa tingin mo, totoo bang ginto to? Baka pwede natin mabenta, mabigat rin kasi."
Ngumiti lang si Iggy na pinagmamasdan siya.
"You still want to scream? I know a place."
Bago pa man makasagot si Pim ay hinila na siya ni Iggy. Magkahawak kamay silang tumakbo papunta sa may malapit na boardwalk. May mga naglalakad, may streetfoods sa gilid at may mga batang naglalaro. Liwanag din sa daan ang malalaking lamp post na dilaw ang ilaw. Presko ang hangin at malakas ang hampas ng alon sa dalampasigan. Hawak pa rin ni Iggy ang kamay ni Pim pero hindi naman siya naiilang dito.
" Maraming tao dito Iggy tapos delikado kasi baka may snatcher, ma snatch pa trophy natin. Gold to no!" sabi ni Pim habang nakatingala kay Iggy.
"Don't worry, I can protect you. Para saan ba tong katawan ko."
Napatingin si Pim saglit sa malapad na dibdib ni Iggy at agad naman nilipat ang tingin sa dalampasigan. Napangiti lang si Iggy sa reaksyon ni Pim. Hawak pa rin niya ang kamay nito at kung hindi lang maiilang si Pim ay gusto niya sana i-intertwine ang mga daliri niya sa malilit na pagitan ng daliri ni Pim. Mainit ang kamay ni Pim at nagulat siya sa lambot nito kahit na mukhang maraming ginagawa si Pim sa nakaraang mga araw. Binagalan niya rin ang lakad para mapantayan ni Pim ang hakbang niya .
"Saan ba tayo pupunta?"tanong ni Pim. Tinuro lang ni Iggy ang may sa di kalayuan kung saan ay wala masyadong dumadaan at may bakanteng bench sa ilalim ng lamp post. Malapit rin ito sa railing kaya natuwa si Pim. Nang marating ang upuan ay agad namang nilagay ni Pim ang dala at lumapit sa railing.   Pinikit niya ang mga mata niya at nakangiting dinamdam ang simoy ng hangin. Pinagmasdan lang siya ni Iggy. Tinatangay ng hangin ang buhok ni Pim at parang kumikinang siya kahit nakatalikod sa ilaw. Nais ni Iggy na makuhanan ng larawan ang sandaling iyon pero hindi niya maigalaw ang kamay at nakadikit lang kay Pim ang mata niya. Gusto niya ang Pim na nakikita niya ngayon, masaya. Binuksan na ni Pim ang mga mata. Nilagay ang mga kamay sa  gilid ng baba at sumigaw.
"AAAAAAAAAAAAHHH---- ANG SAYA KOOO! NAKIKITA MO BA DAADDDD???"
Nakangiti niyang binalik ang kamay sa railings.
"Sana andito ka Dad. I know you'll be very happy to see me now." mahina niyang sabi pero sakto lang para marinig ni Iggy.Hindi mapagtanto ni Iggy kung may halong lungkot ang sinabi ni Pim pero nakangiti itong lumingon sa kanya.
"Salamat Iggy."
Umupo si Iggy sa bench at sumunod naman sa tabi niya si Pim.
"Nagpareserve ka ba dito kasi hindi ko napansin ang spot na ito dati." pabirong tanong ni Pim. Napahalakhak si Iggy.
"No, nakita ko lang rin to after may match that saturday."
Tinitigan lang siya ni Pim.
"Tsk. . . Ano kaba, I'm totally fine na hindi ka nakapunta. It's not your fault I did not win."
"Pagbinabanggit mo parang na-guiguilty ako."
Ginulo ni Iggy ang buhok niya. Inawat naman siya ni Pim.
"Forget it. It's okay, really." tumango lang si Pim.
"Are you still happy?" tanong ni Iggy.
"Huh? ---oo naman. Bakit?"
"Mas maganda ka pag masaya."
"Sa tingin mo ililibre kita sa sinabi mo?" nakatawang sabi ni Pim nakitawa naman si Iggy.
" You're the first girl I really talked to after I transferred."
" Saan ka ba nanggaling?"
" HongKong."
"Why transfer here?"
" Nagdivorce kasi parents ko and I chose to stay with my dad.", nalungkot bigla si Pim sa sinabi ni Iggy.
"There you go again."
"Huh?" tanong ni Pim.
"That look, when you feel sorry for me."
" I'm sorry kasi hindi madali ang pinagdaanan mo."
"You think my size can't handle it?" Pabiro nitong tanong.
"Chee--- pinamumukha mo na naman na maliit ako. Tss, feelings are feelings no matter your size."
Natahimik silang dalawa matapos magpalitan ng ngiti.
"Pim?"
"Hmmm?"
"What do you think of me?" Napatigil si Pim. Seryoso si Iggy ng itanong niya yun. Nagpakawala pa ng mahinang tawa si Pim bago sumagot.
"That's very random." Pero hindi tumawa si Iggy sa sinabi niya.
"Wait, seryoso ka?" Nang tumango si Iggy ay medyo nailang si Pim pero nag iisip siya ng isasagot.
" Well, you----re . . . undeniably good looking. Matangkad ka, tapos mabait, madaling kausap, and I do appreciate yung pagdala mo sa'kin dito." Napalunok si Pim dahil hinihintay niya ang reaksyon ni Iggy.
"Will you date me?"
Napalunok uit si Pim. 'Bakit ang diretso nito magsalita', sabi niya sa sarili.
************

Nagmamahal, TomWo Geschichten leben. Entdecke jetzt