Chapter 11

7 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas mula no'ng umalis si Tom. Ang sabi ni Ms. Torres, dadalo pa naman si Tom sa periodical tests dahil school pa rin naman nila ang naghahandle sa kanya. Nung mga araw na lumipas, nagkakasabay sila ni Iggy pauwi at kung minsan ay nasa opisina nila ni Lin tumutulong. Wala namang pinagbago sa kanila, nagbabangayan at minsan ay pinapahabol ni Iggy si Pim sa kanya. Naiinis naman si Pim dahil hindi siya makaganti kay Iggy.
" Ang daya mo. "
" Ha? I wasn't even running yet!"
Nagpout naman si Pim dahil sa inis. Tatawanan naman siya ni Iggy.

" Are they together?", tanong ni Kitty kay Lin.
" I wish they are, look how often he makes her laugh."
" She always gets the good guys. Tsk tsk tsk ", komento naman ni Shell.
" That's because Pim deserves it. Teka, STOP! M-Y-O- Business, okay?"
"Fine.", sabay namang sagot ni Kitty at ni Shell bago umalis. Napapangiti naman si Lin habang pinagmamasdan sila ni Iggy na nag gugunting ng letters.
************
Naglalakad na sila Iggy at Pim pauwi. Napansin ni Iggy na natahimik si Pim at parang ang lalim ng iniisip.
" Wala akong life vest"
" Huh?"
" You're thinking a thousand feet deep Pim. Tell me what's wrong?"
" Huh? Wala."
" Can we take a little detour?"
Maya maya lang ay nasa direksyon na sila ng boardwalk. Mas kaunti ang tao ngayon kumpara nung huling beses silang pumunta rito.
" Are you thinking of him?"
" Huh?"
" Tom? You're thinking of him."
Hindi alam ni Pim ang isasagot kay Iggy.
" I know Pim. Hindi mo naman matatago. You might not notice but I do. You laugh with me but then you zone out in the middle. And when you do, parang hindi kita maabot. You have that 'I miss something' face. "
Tahimik lang si Pim, nakikinig kay Iggy dahil hindi niya alam kung bakit parang guilty siya sa sinabi ni Iggy.
" Do you miss him?"
" I don't know. Pero minsan para siyang multo na bumibisita sa isip ko. Minsan, parang lahat ng taong nakikita ko, hawig niya."
Napasmirk naman si Iggy.
" Why don't you just admit that you miss him?"
" Bakit ka ba kasi nagtatanong?"
" Because you're punishing yourself Pim."
Natigil sila sa paglalakad. Tiningnan ni Pim si Iggy at nakatingin lang din si Iggy kay Pim. Neutral lang ang mukha ni Iggy.
" Hindi mo rin ba pinapahirapan sarili mo?"
Hindi nakasagot agad si Iggy. Alam ni Pim na kapag matatahimik siya bigla sa usapan ay trinatranslate muna ni Iggy ang tagalog sa isip niya.
" I don't see it like that. I'm a different case."
" I thought you like me tapos pinag-uusapan natin si Tom."
" Ha-- ha Pim. First, I do like you and I mean it. But I am not a guy to selfishly ask you to throw your true happiness."
Napatingala lang si Pim sa kanya.
" Don't stare at me like that."
Tinulak lang ni Iggy ng mahina si Pim papunta sa bench at naupo sila.
" When I kissed you that night. I already knew it wasn't me."
"Huh?"
" Tssh--- not to brag but I've been a little extra in relationships back then. I can tell if a girl likes me or not, when I kiss them."
Tahimik lang si Pim.
" Your kiss is reserved. It's warm but not welcoming, not for me. Nasa isip ko, maybe, you're looking for someone else's warmth and I'm just conveniently there."
" I'm sorry, Iggy."
" You shouldn't be.--- like I said, there is no two same competition. No matter how much I tried to run for  you, if I'm destined to lose, I'll lose."
" You'll get your gold soon. Just, just----  not on this competition. You're a great guy, Iggy, you deserve more."
Ngumiti si Iggy. Hinimas niya ang buhok ni Pim.
" Should I cry? You just rejected me and I just gave you up."
" Ha-ha-ha funny?"
Tumawa lang si Iggy.
" Thanks Iggy. Salamat kasi you're there, naming my expressions, tapos naging bus buddy ko pa and for being a friend."
" At first, I have a motive in doing so but knowing you more, it's worth it. Now lady. Talk to yourself all night and find out what you really want."
Tumango si Pim. Umuwi na rin sila pagkatapos nun.
*********
Buong gabing inisip ni Pim ang mga sinabi ni Iggy. Kinakausap niya ang sarili.
'What is it that I want?'
' Should I call him? text? WhatsApp?--- aisshhh'
' Paano kung hindi na siya magpakita?---'
' Piiiiimmmm?'
Parang masasabunutan na niya ang sarili at nagpagulong gulong na siya sa kama hangga't nasobrahan at nahulog siya. Nauntog niya ang sarili sa side table at muntik na siyang mapa-swear ng may nahulog ng malakas sa ulo niya.
" What the~~"
Natigil siya sa pink na box na nahulog. Pinulot niya ang pink na notebook kung saan nagsulat si Tom. Naisipan ni Pim na isulat sa susunod na pahina ang mga gusto niyang sabihin. Kumuha siya ng ballpen at nagsimula ng magsulat sa mesa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
{Isang araw bago ang Periodical Exam}

"Uggh, nasabi ko na ba na I hate WHOEVER it is who invented exams?"
" Yes Lin. Every exams."
" Aaaaggg, you know Pim, I think this year's finals is the most difficult. Why are they doing this to graduating students. Hummppff"
" Sabi ni mama, it will get even more difficult on the way. Let's just do our best."
" Basta for me, I'm totally fine with everything as long as Dana ranks lower than me."
Napa iling nalang si Pim sa kaibigan.
" Do we have the same schedule tomorrow?"
" Ah, mukhang hindi Lin eh. Afternoon ako bukas kasi  odd number ako sa students list."
" Tsk, bakit kasi this year pa sila nagchange ng method of organizing students. Last year alphabetical lang yun e. If I only knew kung sino talaga yung nagproduce ng cheat codes last year, I'd break their bones."
" Magreview na lang tayo."

Ramdam sa mga estudyante ang pressure para bukas. Kailangan kasi umangat ng mga nasa bottom rank sa grade level nila kung gusto nilang makapasok ang GPA nila sa kolehiyo.
**********
{EXAMINATION DAY}

Proctor: "I am not repeating this again so listen all of you. 'NO CHEATING', anyone who is caught will be punished as well as everyone involved in the process. Remember, your future is at stake here. Okay, START."
Isa isa ng nagsibukasan ang mga booklet na naglalaman ng unang set ng exam. Nakayuko at walang ingay na maririnig sa silid. Lahat naghahabol sa oras, lahat seryosong iniisip ang tamang sagot. Set after set, parehong tensyon ang nadarama ng mga kumukuha ng exam. Hanggang tumunog ang buzzer, tanda ng pagtatapos ng test sa araw na iyon.
{Buzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz}

✓(Text message from Lin: 'Pim? How was it?')
Naglalakad na si Pim pauwi nung hapong iyon. May lollipop pa siya sa bibig nang magtype ng reply kay Lin.
✓(Mahirap, lalo na ang Calculus )
✓(IKR. Think they want us to fail)
✓(Transfer tayo school if that happens. They won't get their money then.)
✓( They're the best school Pim. You silly :-D)
✓( yeah, guess so, gotta go. See you)
Nagsend ng wink emoticon si Lin at binalik na ni Pim ang phone sa bulsa. Sumakay na rin siya ng bus pagkatapos. Kinuha niya ang headphones at susuotin sana pero bigla siyang nahirapan dahil nakaclip pala siya. Tinanggal niya ang clip.
'Nagtake kaya siya ng exam ngayon?', tanong niya sa sarili. Ang dalawampung minutong biyahe niya pauwi ay napuno ng pag-iisip sa nagbigay ng hair clips niya at ang pagnanais na malaman kung ano ang ginagawa nito.
*************
Nagkukumpulan na ang mga estudyante sa nakalinyang information boards sa skwelahan. Nakapaskil na kasi dito ang rankings ng mga estudyante per grade level. Papunta palang si Pim para malaman ang rank niya at nang malapit na siya ay narinig niya ang matinis na boses ni Lin na tumitiling ' yes! yes! yes!', may umaalis na rin kaya naka insert na si Pim sa kinaroroonan ni Lin.
" Pim! Look Dana is lower than me (bwahahaha)."
Pagtingin ni Pim, naungusan nga ni Lin si Dana ng two points. Nakita naman niya sa may 25th spot ang pangalan niya at nakahinga siya ng maluwag. Nakita niya rin si Iggy na nasa 49th place, 'hindi na rin masama', naisip niya. Si Lin nasa 28th place, natigil naman siya ng makita ang pangalan ni Tom. Hindi namalayan ni Pim na napangiti na siya.
' Nasa 46th place.'

Nag PE class sila ng araw ring yun at nagwawarm-up na nang magsalita ang instructor.
" This will be our last activity for this sem. Before I'll let you run the field, I just want to congratulate those who did a great job in increasing their ranks."
Nagpalakpakan naman silang lahat.
" I hope you made the best out of your senior year. I hope you learned something from what high school offered you, from the best time to the worst you had, from happiest to the loneliest time. Look at your classmates, go on."

Nagkatinginan naman silang lahat. Si Lin na nakatingin kay Dana, si Dana na nakatingin kay Wes, sa classmate nila na nakabraces lahat ng ngipin pero todo makangiti, sa hunk boys ng room na linggo-linggong laman ng gym at panay baon ng protein shakes, sa smartest kid ng room na minsan lang nakakausap, sa clown ng room, sa pinakamayamang kid na maraming suot na alahas, sa classmate nilang concert geek na halos lahat dinadaluhan, sa baby face nilang boy next door at marami pa. Silang lahat naging important characters ng isa't isang storya. Napangiti si Pim at mararamdaman nila sa isa't isa ang emosyon na dulot ng ilang taong pagsasama. Biglang naisip ni Pim si Tom.
" Now for your last activity, I want you to run as far as you can in this field. Fill you lungs with the air from this school and remember the times you spent well together. On your mark, GO!"
***************

Nagmamahal, TomWhere stories live. Discover now