•|CHAPTER 4|•

77 52 80
                                    


"Ma'am? Ma'am?!" Nagulat nalang ako ng hampasin ako ng pagkalakas lakas ng sales man

"Ayy! Naku sorry ma'am kanina pa po kasi kayo nakatayo jan akala ko naistroke na kayo hehehe" ansakit ng hampas nya ah! Gantihan kita jan eh

"Ang bigat naman ng kamay mo koya!...pero sensya na din may nakita kasi akong masamang damo eh"

Isa isa ko ng pinulot ang mga pinamili ko kaya lang masyadong marami akong nabili, nahulog pa ang wallet ko kaya tinulungan na ako nung lalaki sa pagbubuhat

Shete!

Tumingin tingin ako sa paligid nagbabaka sakaling wala na 'kong makikitang Travis Franco

"Thank you kuya huh! Oh eto tip"

"Salamat ma'am! Ingat po kayo" umalis na siya kaya pumara na ako ng masasakyan

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa pagod sumakit ang likod ko kainis! Biglang sumagi sa isip ko yung lalaking 'yon... malapit lang siya at malamang may posibilidad na magkita ulit kami pero ayoko mangyari 'yon dahil natatakot ako sa posibleng mangyari

Ako ang unang bumitiw sa relasyon naming dalawa dahil may nalaman ako sa kanya, kahit na mahal ko ang lalaking 'yon pilit ko siyang iniwasan noon hanggang sa hindi ko na talaga siya nakita...alam niya ang sikreto ko kaya lumayo ako sa kanya

Kasapi si Travis sa di nakikilalang sindikato at parte ang pamilya niya ng kakaibang laboratoryong tago na tanging sa bahay lang nila matatagpuan nalaman ko iyon ng minsang niyaya ako ni Travis na duon na lang maghapunan, ang pakay ko lang sana ay magpalit ng nabasa kong jeans kaso di sinasadyang mapasandal ako noon sa may pader ng kamuntikan na akong matumba pero napansin ko ang bakas ng kamay niya duon kaya ng malaman ko ang lihim nila realization hit me...na sa maling tao pa pala ako napunta...maling mali na nakilala ko pa siya dahil kung magtatagal pa kami ay baka hindi ko kayanin ang possibleng mangyari sa buhay namin nina mama at Jensen

"Jestine nasan na daw yung kontra ng High Claire Builds kailangan na 'yon pirmahan ni Mr. Henry today" binalingan ko si Zen at kinuha na 'yong hinihingi niya

"Thank you Jes" tumango lang ako sa kanya

Iniintay ko nalang bumukas itong elevator para makuwi na habang nag iintay inunat unat ko yung likod ko

"Uuwi kana?" Nagitla ako ng may magsalita

"Uhh..Oo" si Akil pala pansin kong ang seryoso nya

"Good luck"

"Huh?" umalis na siya pagkatapos niyang sabihin 'yon...Helloo! Nadaanan ba ng hangin yung utak niya?! Uuwi na ako kaya para saan yung 'GoodLuck' keme niya tsk tsk nagtataka man pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon

-------------------------------------------

:*

Visible Fingerprints(On-going)Where stories live. Discover now