•|CHAPTER 6|•

11 8 1
                                    


Ang sakit isiping heto ako at nakatali sa kadenang bakal  matigas na pader ang tangi kong kaharap. Gusto kong maiyak sa sitwasiyon ko ngayon pero—

anong magiging silbi ng pag-iyak ko?

Nasaan ba ako?!

Bahay? Mansiyon? HQ? Bodega? Ahhh basta may pinto! Tsk

Wala talaga akong ni katiting na ideya kung bakit ako nandito?! Makita ko lang yan boss na sinasabi nung mga kidnapper at makakalbo ko iyong depungal na 'yan!
Oo nga pala! Si mama! Si Jensen! Huhuhu

Halo-halong emosiyon na ang namamayani sa akin

Hindi ko na alam....

Hindi na talaga....

Unti-unting umusbong sa akin ang kakaibang kaba ng gumalaw ang sedura ng pintuan

Hayp! Malalagot ka sa akin!

"Aba! Aba! Akala ko magkakaroon na kami ng sleeping beauty dito ha.ha.ha!"

Ano 'to ses? May bantay pala ako? sana kasi hindi kadena para madaling kalasin! Tss

Sige lumapit ka...

Kaunti na lang...

Bumwelo ako at malakas na sinipa ang pagmumukha niya

"Lintek kang babae ka!"

Ha! Flexible yata ako noh!

Taas noo akong tumingin sa kaniya kahit na medyo katapon tapon yung pagmumukha niya

"Sino boss mo kalbo?! Iharap mo sakin 'yang boss mo! Iharap mo dito F*ck!" Dinaig ko pa ang batang hindi nakapunta sa Jollibee dahil sa pagwawala ko dito

"Peste! Eh malakas ka pa sumipa sa animal! At huwag mo 'kong matawag tawag na kalbo babae! Mag intay ka at malapit na dumating si Boss! At malapit ka na rin niyang magamit!"

Ngising aso ang isinukli niya sa 'kin pero wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ako manlalaban pero sisiguraduhin kong makakalabas ako dito

Ilang oras pa ba?! Asan na yung pesteng boss na 'yan?!

"Yes boss—No problem boss—"

Kinakalas na yung kadena YES!Ayos chance ko na para–

"Huwag mo na ituloy kung ano man 'yang tumatakbo jan sa utak mo babae. Nakikita mo 'to?"

Itinuro niya naman yung baril sa tagiliran niya
Tsk!

"Tayo! Huwag kana magpakaladkad may paa ka naman!

Saji! Tulungan mo'ko dito wag ka puro kain!"

Padabog akong tumayo at nagpatianod. Medyo nangalay pa ako dahil sa posisyon ko kanina

Itim na kapaligiran ang bumungad sa akin sa labas ng silid

Kahit upuan wala? Seriously?

Sa gilid ay naaninag ko pa na may nakatayo

"Boss"

"LEAVE"

Tumango lang yung kalbo at umalis na. Pansin ko din na balot na balot yung boss kuno aba! Nakagloves pa!
Tsk mukhang alam ko na kung sino ang nagplano nito.....

TRAVIS FRANCO WALKER

"Wala ka bang magawa sa buhay mo Walker?! Bakit mo pa dinamay sina mama ha!"

Galit ako dahil sa madumi niyang paglalaro hindi talaga titigil ang isang ito!

"Actually......

Hindi talaga nabaril ang mama mo Jestine. Palabas ko lang 'yon pero sa susunod malay natin...

Kung gugustuhin ko ako mismo papatay sa kaniya bakit pa ako magtitira? Isasama ko na rin yung isang babae"

I HATE HIS SMILE

SHIT

"Gamitin mo na ako pero huwag na huwag mong idadamay kahit isa sa kanila" seryosong saad ko

Minsan na niya akong ginamit anong akala niya, ako pa rin yung dating Jestine na alaga niya? Handa akong magpagamit sa kalokohan niya para mapahalagahan ang mga mahal ko pero hindi ako magpapauto sa mga katarantaduhan niya

"Oh sure! basta handa ka sa gusto kong ipagawa sa 'yo wala tayong magiging problema"

Lihim akong napangiti

"DEAL"

-------------------------------------------

:*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Visible Fingerprints(On-going)Where stories live. Discover now