•|CHAPTER 5|•

52 32 46
                                    


"Oh? Ba't ka tumawag Jensen? Pauwi na'ko kaya stay put ka lang jan..."

Nag aabang na lang ako ng masasakyan, kaunti nalang ang dumadaang Jeep peste! Pa'no na ako! Nagmukha tuloy akong broken hearted dito kainis! kasi nga ako lang mag isa dito sa waiting shed
Busy akong naghahanap ng kendi ng marinig ko ang hagulgol ni Jen sa kabilang linya kaya tarantang taranta kong naibaba ang bag ko

"K-kasi ate s-si mam-a kasi..."

"H-hoy! Bakit ka ba umiiyak ha?! Anong si mama ayusin mo salita mo!"

Dali dali akong umalis sa waiting shed at kahit namamahalan sa pamasahe sa Van ay nag antay na'ko hanggang sa may matanaw akong paparating

"No choice ka self" bakit naman kasi wala si Althe kaya wala akong kasabay ngayon...kainis yung baklang 'yon ihahatid niya daw sa airport yung kalandian nya na mas pinili pa kaysa trabaho

"Ano na Jensen!" Iritang irita ako dahil iyak siya ng iyak mas nadaragdagan tuloy ang kaba sa dibdib ko
Pinara ko na at huminto naman sa mismong harapan ko akmang bubuksan ko na ang pintuan ng Van nang may mga lalaking animo'y mga wrestler na lumabas mula rito akala ko pasahero lang din ngunit nagsimula ng mangatal ang labi ko dahil sa nerbyos at takot ng simulan nilang hawakan ako sa aking mga braso

"T-teka lang mga k-uya bit-awan nyo 'ko!"

"Jensen?! Hello?!" Kahit kinakaladkad na ako mga ungas na'to nagawa ko pang itapat sa tenga ko ang telepono ko dahil gustong gusto kong malaman ang dahilan ng paghikbi ng kapatid ko

"A-ate nabaril si mama...."

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat tila nawalan ako ng lakas upang lumaban sa mga humahawak sa 'kin...para akong nalumpo...hindi para akong namatay sa binitiwan niyang salita....

Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha ko dahil sa nalaman ko mula sa bibig ng kapatid ko bukod do'n lumukob din sa'kin ang matinding takot dahil sa pagpipilit nilang maipasok ako sa loob ng sasakyan

"Walanghiya kayo! Bitiw ano ba! G*go ka 'wag mo'ko hawakan sa dibdib bastos mo p*ta!!" Inis kong ginilid ang katawan ko

Sinubukan kong manlaban ngunit isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang natanggap ko ramdam ko ang sakit ng gilagid ko dahil sa laki ng kamay ng g*gong sumalpal sa'kin

"Tumahimik ka babae at baka hindi kita matantya at dito ko pasabugin iyang bungo mo!!"

"Ang ganda pre mukang alagang alaga oh ang kinis hmmm"

"Tigilan mo 'yan Brandon at may silbi pa iyan kay Boss"

Nakita kong may kinuha ang isa sa kanila sa panyong pula at pilit na iningudngod sa pagmumukha ko namalayan ko nalang ang matinding pagod...gusto kong matulog...ipinikit ko na ang mga mata ko at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko

"M-mama....."

-------------------------------------------

:*

Visible Fingerprints(On-going)Where stories live. Discover now