PROLÓGO

46 8 2
                                    

"Lo siento pero tu hija debe ser expulsada" I'm sorry but your daughter must be expelled.

Iyan lamang ang mga salitang namutawi sa aking isipan ng marinig ang usapan ng aking mga magulang at ng punong-guro ng eskwelahang ito.

Tahimik lang akong nakamasid sa paligid sa labas ng opisina ng punong-guro. Nakasulyap sa akin ang iilang estudyante na dumaraan sa malawak na pasilyo. Masama ang mga tingin na tila sinasabing tama ang naging hatol sa akin. Ang mapalayas sa eskwelahang ito.

Ika-limang paaralan na ito na aking pinasukan. At heto na naman at mapapaalis dahil sa panibagong dahilan. Sa bawat paaralan na aking mapupuntahan di maiwasan ang mga kababalaghan at biglaang patayan.

Laging nasasagi sa aking isipan na ako ang pinakadahilan. Tila dahil sa akin ay may nakakabit na siyang nagiging dahilan ng lahat ng mga nagaganap sa mga paaralan na aking pinasukan.

Tumatak sa akin ang binanggit ng isang guro. Nang makita niya ang isang patayan na naganap sa aming silid. Iniisip niyang ako ang dahilan kaya nabanggit niya ang mga salitang ito na habang buhay kong itatatak sa aking isip.

"Sal de nuestra escuela! Priya el Hechizado." Leave our school! Priya the Hexed.

Priya El HechizadoWhere stories live. Discover now