DOCE

14 4 2
                                    

"Lo siento pero tu hija debe ser expulsada" I'm sorry but your daughter must be expelled.

Iyan lamang ang mga salitang namutawi sa aking isipan ng marinig ang usapan ng aking mga magulang at ng punong-guro ng eskwelahang ito.

Tahimik lang akong nakamasid sa paligid sa labas ng opisina ng punong-guro. Nakasulyap sa akin ang iilang estudyante na dumaraan sa malawak na pasilyo. Masama ang mga tingin na tila sinasabing tama ang naging hatol sa akin. Ang mapalayas sa eskwelahang ito.

Ika-limang paaralan na ito na aking pinasukan. At heto na naman at mapapaalis dahil sa panibagong dahilan. Sa bawat paaralan na aking mapupuntahan di maiwasan ang mga kababalaghan at biglaang patayan.

Laging nasasagi sa aking isipan na ako ang pinakadahilan. Tila dahil sa akin ay may nakakabit na siyang nagiging dahilan ng lahat ng mga nagaganap sa mga paaralan na aking pinasukan.

Tumatak sa akin ang binanggit ng isang guro. Nang makita niya ang isang patayan na naganap sa aming silid. Iniisip niyang ako ang dahilan kaya nabanggit niya ang mga salitang ito na habang buhay kong itatatak sa aking isip.

"Sal de nuestra escuela! Priya el Hechizado." Leave our school! Priya the Hexed.

Dalawang taon na ang nakakaraan  ng mangyari ang patayan na iyon. Ngunit hanggang ngayon nakaukit pa iyon sa isip ko. Lalo na ang linya ng guro na 'yon.

2 years ago...

Hinatid ako ng driver namin dahil parehong abala sila Mamá sa trabaho. Ayos lang din naman sa akin hindi naman ako sanay na lagi nila akong hinahatid at sinusundo.

Pumasok na ako sa gate at umakyat na patungo sa classroom namin. Ngunit nagulat ako dahil may mga nagsisigawan sa loob.

"Qué le hiciste a mi novia?!" What did you do to my girlfriend?!

Ang transferee pala na kaklase ko, si Kalen . Kaharap niya ang isa pa naming kaklase na tinaguriang playboy ng school na'to, si Addi.

"No hice nada. Cállate, por favor. Eres molesto!" I didn't do anything. Be quiet, please?! You're annoying! Pasigaw din na sagot ni Addi.

"Entonces, ¿por qué está llorando así? Como si hicieras algo horrible con ella?!" Then why is she crying like that?! Like you did something so horrible at her?!

Akala ko naman kung ano ang pinag-aawayan nila. Napakababaw pwede naman nilang pag-usapan ng silang dalawa na lang. Nakakabulabog pa dito sa mga nasa loob.

"Podrías por favor cerrar tu puta boca?! I can't even remember your girlfriend's name!" Will you please shut your fuvking mouth?! Singhal muli ni Addi.

Hindi niya talaga maalala yan sa dami ba naman ng babae niyan. Swerte na lang kung maalala ka niya.

"Jódete!" Fuck you! Agad na sinugod ni Kalen si Addi. Sinapak niya ito sa mukha. Gumanti din si Addi. Makailang ulit silang nagpalitan ng suntok. Ngunit hindi matamaan ni Kalen si Addi.

Dumadami na din ang nanonood sa gulo na nangyayari sa classroom namin. Naglapitan na din ang iba galing sa ibang classroom sa floor lang din na ito.

Pagtingin ko ulit sa dalawa, nakahiga sa sahig si Kalen at patuloy na sinusuntok sa mukha ni Addi.

Napasinghap na lang ako ng puro ilag na lang ang ginagawa ni Kalen. Ngunit napatigil ako ng makita ang dugo na nagmumula sa sentido at ilong ni Kalen.

Naalala ko na ako pala ang presidente sa room namin. Tumakbo ako papunta sa kanilang dakawa dahil nasa may gitna sila at ako naman ay nasa mismong pintuan. Agad kong itinulak si Addi. Napaupo siya sa ginawa ko. Itinayo ko naman ang duguan na si Kalen.

"Suficientes ustedes dos! Pueden golpearse mutuamente fuera de este aula! Y tú Addi, ¿vas a matarlo?" Enough you two! You can punch each other outside this classroom! And you Addi, are you going to kill him?

Sinigawan ko silang dalawa. Ang mga usisero naman sa loob at labas ng silid ay nakatanaw sa amin. Tiningnan ko sila ng masama. "Qué demonios están mirando? Vuelve a tus jodidas habitaciones !" What the hell are you all looking at?! Go back to your fucking rooms! Agad silang nagsialisan.

Ang dalawang katabi ko ay nagpapalitan ng masamang titig. Parehong humahangos dahil sa ginawa nila.

"Care to explain to me? I'm still the president and I do have the right to know what you two are fighting about."

Ayaw pa sana nila magsalita ng sinigawan ko sila muli.

"He did something to my girlfriend. She's not answering when I'm asking her. That's why I'm asking him. Then, here he is saying he doesn't know my girlfriend." Sagot ni Kalen. Dinuduro pa nito si Addi.

"I just said that I don't remember her name. Then, you start punching me asshole."

"Because you're such a playboy fucker!"

"Stop you two! Are you going to fight again?!" Naiinis na saad ko.

Napupuno na ako sa dalawang ito. Kung tutuusin ay hindi na dapat ako makisali pa sa away nilang dalawa. Pero dahil nandito sila sa room kailangan naming pag-usapan ito dahil maya maya lang ay nandito na ang teacher namin.

Mukhang hindi pa nga tapos ang away nilang dalawa. Pagod na din ako sa kasasaway sa kanila.

"Kill yourselves then!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at lalabas na sana muli ng makarinig ako ng sigawan mula sa mga kaklase ko na nasa loob ng silid.

"Aaaaaaaah!"

"Oh my god!"

"PRIYAAA"

"Kalen!"

"Addi!"

Kasabay nito ay ang pagbagsak ng katawan sa likuran ko.

Hinarap ko ito. Nakita ko ang mukha ni Kalen na punong-puno ng galit. Nagawi ang mata ko sa kamay niya na may hawak na kutsilyo. Duguan ang mga kamay niya.

Tiningnan ko naman ang katawan ni Addi na wala ng buhay. Umaagos ng napakaraming dugo mula sa leeg niya. Bumaha na din ng dugo sa kinatatayuan namin kanina.

Pigil ang hininga ko ng titigan ko ang mukha ni Addi. Aksidente kong natuon ang mga mata ko sa nakabukas niyang mga mata. Napatakip ako ng bibig. Biglang dumating ang teacher namin.

"Oh my god! Priya what happened?!" Sigaw niya at lumapit sa akin. Inalog-alog niya ako ngunit wala siyang nakuha na sagot mula sa akin. Agad nilang ipinatawag ang mga magulang namin.

Dalawa kaming pinaalis ni Kalen sa eskwelahan na yun. Wala na akong balita sa kaniya. Ang dahilan pala niya kaya pinatay niya si Addi ay dahil pinagsamantalahan nito ang girlfriend niya.

***

Magmula ang pangyayari na yun sunod sunod na din ang mga namamatay sa pinupuntahan kong
ng eskwelahan.

Iniisip ko kung isinumpa ba ako. Pero hindi naman ako naniniwala doon. Kaya maaring imposible ang bagay na yun.



Priya El HechizadoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ