Chapter 2: Kids

99 5 14
                                    

Chapter 2: Kids

Kylie's POV

   Nagising ako dahil sa tunog ng cp ko

   "Sino ba 'to? Ang aga aga naman" bulong ko sa sarili at tinignan kung sino ang nagtext

   From: Unknown Number

     Hello Kylie! Good morning! *smiley face*

   Wala naman akong pinagbigyan ng number ko bukod kay Charlene kaya nakakapagtaka

   To: Unknown Number

     Uhm...sino ka?

   It took him just a second to reply

   From: Unknown Number

     It's me, ang gwapong si Anton

   Napairap naman ako at napahawak sa ulo

   Kala ko naman kasi kung sino

   Inayos ko na ang higaan ko at kumain

   "Charlene?" tawag ko pagkarating sa bahay nila Charlene

   "Uy Kylie pasok ka, nandun si Charlene sa sala" bungad ni tita Meira

   Napaka-bait ni tita kay Charlene at sa kahit sinong kaibigan niya. Nakakainggit nga. Sana ganun nalang din si mommy sakin

   "Thank you po tita" sabi ko at pumunta na sa sala

   Bigla akong napako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang kasama ni Charlene sa sala

   "Kylie milabs nandyan ka na pala" napairap ako at nagulat nang bigla niya kong inakbayan

   "Bakit hindi ka na nagreply sakin kanina?" tanong niya pero inalis ko lang ang kamay niya sa balikat ko at pumunta sa gawi nila Charlene

   "Eto na yung lense" sabi ni Xyver at inabot nga sa kaniya ang isang box

   Nakakapagtaka dahil hindi naman ganun kalaki yung lense pero nakalagay yun sa isang box na kasing-laki ng lalagyan ng camera

   Tinignan ni Charlene si Xyver na tila nagtataka kaya tumango si Xyver

   Parehas kaming nagulat ni Charlene pagbukas niya nung box

   "Bakit camera? Lense lang naman yung nasira" sabi ni Charlene

   "Para sayo yan suggestion ni Xyver" sabi ni Anton at tinignan ng mapangasar si Xyver

   "Wala lang kaming makitang lense kaya camera na yung binili namin" iwas tingin na sabi niya

   "Talaga lang ah" bulong ko

   "Ano yun milabs?" tanong ni Anton na ikinairap ko

   "Sabi ko isang tawag mo pa ng milabs sakin masisipa na kita" sabi ko kaya lumayo siya ng onti

   "Ayaw mong tawagin kitang milabs?" paawang sabi niya

   "Ayoko" madiing sabi ko

   "Ayaw mo milabs?" napairap naman ako

   "Nabigay niyo na naman kaya pwede na kayong umalis" sabi ko

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon