Chapter 8: Sister

24 5 40
                                    

Chapter 8: Sister

Xyver's POV

   Nakahawak ako sa kamay niya at tinitigan lang siya simula kanina

Flashback...

   "Are you really ok?" paninigurado ko dahil kita ko ang pamumutla niya

   "I'm fine" she said while catching her breath

   "No, somethings wrong with you--Charlene!" biglang bumagsak ang katawan niya sakin na agad kong sinalo

   "Fvck" i cuss at binuhat siya papunta sa kotse

End of Flashback...

   "Angela" tawag niya habang nakapikit parin

   "Gising na Alene" sabi ko habang nakahawak pa din sa kamay niya

   "Xyver, Charlene" tawag sa 'min ni Kylie at nilapitan kami

   "Kamusta si Charlene?" tanong ni Randall

   "Ayos na siya, kailangan lang ng pahinga" sagot ko kaya lumapit si Kylie kay Charlene at hinawakan ang kamay niya

   "Ano ba ang nangyare?"  tanong niya

   "Over fatigue sabi ng doctor, sobrang pagod niya at nakaramdam ng extreme emotions. Hindi ko pa din alam kung anong ginawa niya this past few days" paliwanag ko

   "Unang beses ba 'to?" umupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama ni Charlene

   "This is not the first time" malungkot na sabi ni Kylie

Kylie's POV

   "This is not the first time" malungkot na sabi ko

   "Last na nangyari 'to nung biglang umalis si Kenzo, bigla siyang nahirapang huminga dahil sa extreme na pagkalungkot. She suffered because of him" dugtong ko

Flashback...

   "Char, tama na muna yan. Magpahinga ka muna" pigil ko sa kaniya dahil hindi siya huminto sa pagpi-pintura simula kaninang umaga

   Hindi niya ko pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa niya

   Nilibot ko ang buong kwarto niya, malinis ito at puno ng paintings. Puro malungkot ang pinaparating ng mga paintings na ginagawa niya simula kanina

   Nasasaktan ako dahil sa inaasta niya, nasasaktan ako tuwing alam kong nasasaktan siya

   Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya

   "Char alam kong masakit, pero magpahinga ka na muna" unti unting tumulo ang luha ko

   "Hindi pwede Kylie, kailangan kong magpaka-busy para hindi siya maalala" sabi niya at tumayo

   Pinagmasdan niya ang painting niya, isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa isang lalaking naglalakad palayo

   "Maaalala mo pa din siya kung ganyan yung mga pini-pintura mo" sabi ko sa kaniya dahilan para tignan niya ko ng malamig

365 Days (Complete)Where stories live. Discover now