YOUR HIGHNESS - NINE

10 2 0
                                    

JIHYO'S P.O.V

"Tumahan ka na, Ate!" nameywang sa harap ko si Sanha kaya napatingin ako sa kanya. "Kanina ka pa umiiyak dyan!"

Pinunasan ko ang pisngi ko dahil kanina pa nga tumutulo ang luha sa mata ko.

"Kasalanan 'to ni Kuya eh!" sabi ni Sanha pero hindi ako kumibo dahil natulala na naman ako. Naalala ko na naman ang nangyari kanina nung umamin ako sa kanya.

***

"I like you!" sabi ko kaya natigilan sya bago tumingin sakin.

"W-What did you just say?" gulat na gulat na pahayag nya. Bumuntong hininga ako bago humarap sa kanya.

"I like you, Seungcheollie! I like you so much!" pag amin ko.

Ilang minuto syang tumingin sakin bago tumayo at tumalikod. Kinakabahan ako na ma reject ako pero eto na ko. Wala nang atrasan 'to. Kung ano man ang magiging sagot nya ngayon ay tatanggapin ko nang maluwag sa puso ko.

"S-Seungcheol." kinakabahang tawag ko sa pangalan nya. Bigla syang humarap at seryosong tumingin sakin.

Tumingin pa sya sa relo nya."Tapos na ang 5 minutes mo. Pwede na ba ko umalis?" tanong nya.

"H-Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hinihintay ako ng mga kaibigan ko. Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ko." tatalikuran nya na sana ako pero mabilis kong hinawakan ang braso nya.

Hindi nya ba narinig 'yung sinabi ko?

"Gusto kita, Seungcheol. GUSTO KITA!" sigaw ko sa kanya kaya humarap sya at kunot-noong tumingin sakin.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jihyo? Sinasabi mo saking gusto mo ko pero hindi mo inisip kung anong mararamdaman ng boyfriend mo na binalikan mo." inis na pahayag nya. "Kung sa tingin mo laro lang ang salitang kanina mo pa binabanggit pwes nagkakamali ka. Marami kang masasaktan." patuloy nya pa bago tabigin ang kamay ko na nakahawak sa braso nya.

YOUR HIGHNESSWhere stories live. Discover now