CHAPTER 22 : Rain Pour

36 8 2
                                    

"Rain Pour"
____________________

AERON'S POV

"Dad, kami talaga ang isasama sa pamamalengke?" Tanong ni Aethan.

"Yes. Gusto kong maranasan ninyo mamalengke kaya kayo talaga ang inassign ko." Nakangiting sagot ni dad.

"We can do it bro." Natatawa ring sabi ko kay Aethan habang tinatapik pa ang balikat niya.

"Here." Abot samin ni dad ng parang basket pero gawa sa parang dried leaves.

"What's this?" Sabay naming tanong ni Aethan.

"You don't know that? Halos maperfect niyo lahat ng quizzes niyo but you guys don't know what is this?" He took a deep breath. "This is bayong. Dyan ninyo ilalagay ang ang mga pinamili niyo."

'Bayong pala.'

"Mr. Martinez, ready na po ang lahat." Agad na bungad ni Ma'am Lily.

"Okay good let's go now. I'll just drive you there." Sabi pa ni dad.

Agad naman kaming sumakay sa sasakyan at nagsimula ng tahakin ang daan.

"I forgot my earphones" Mahinang daing ni Aethan.

"Why? Kailangan pa ba yun sa pamamalengke?" I asked him sarcastically.

"Nah. I just want to hear some music." Sabi niya.

"Wait meron ako." Agad kung inilapit ang bunganga ko sa tenga niya at kumanta. "Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin--"

Agad niya namang inilayo ang ulo ko. "I thought you're serious." Natatawang aniya.

"Why? Hindi mo pa na-appreciate ang mala-angel voice ko?" Proud na sabi ko.

"Kuya sabi ko earphones ang kailangan ko hindi bagyo?" Pang-aasar niya pa.

"So you mean to say babagyo pag kumanta ako?" Sighal ko.

"Exactly!" Sarkastikong sabi niya habang natatawa parin.

"Sa bagay babagyo talaga dahil sa sobrang ganda ng boses ko, maiiyak ang kalangitan." Proud ko nanamang sabe.

"Nice joke" sabi niya parin habang natatawa.

'Maganda naman ang boses ko ah. Ako lang talaga ang nakaka-appreciate'

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa palengke. Hapon na pero ang dami paring tao dito. Pagkababa namin sa sasakyan ay naamoy ko na agad ang umaalingasaw na amoy, ewan ko ba kung amoy ng isda, karne dahil parang halo-halo ang amoy na hindi ko maintindihan.

"Dad? Are you sure you want us to do this?" Sabay naming tanong ni Aethan kay dad.

Mukang pareho kami ng naiisip dalawa.

"Ofcourse! Gusto kong maranasan niyo ang ganito. If Almira is here, I know she's so happy seeing you like this." Natutuwa pang aniya.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now