CHAPTER 29: Missing someone?

34 11 1
                                    

"Missing Someone?"
_______________________

ANTHONY'S POV

"Simple but gwapo" Sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng CR ko. Sa ngayon ay kakatapos ko lang mag-shower.

Pagkatapos kong magbihis ay dumeretso ako sa kwarto ni Pia.

"What now?" Tanong niya nang makapasok ako. "Sawang-sawa nakong makita ang mukha mo, my newsfeed is all about you."

Agad akong napairap. "Hindi ka pa ba nasanay? May kapatid kang ganito ka-gwapo kaya mag-expect ka nang makikita moko palagi sa social media."

May ginagawa siya sa study table niya, kaya ako nalang ang lumapit. "Here." Aniya ko sabay lapag ng pera sa table niya.

Agad niyang kinuha yun at tinignan. "3k? Pero dalawang subjects lang naman ang huli mong pinagawa sakin." Sabi niya.

Agad akong napangisi. "Ayaw mo nun? Sinobrahan ko talaga dahil baka ito na ang huling beses na magpapagawa ako sayo ng homeworks ko."

Sarkastiko naman siyang natawa. "Really? Yan naman yata ang hindi ko papaniwalaan kuya. Masyado mo namang kina-career ang new look mo na pati lifestyle mo babaguhin mo na rin. That's impossible." Pagsusungit niya.

"I'm serious. From now on, ako na ang gagawa ng sarili kong homeworks."

Nagkibit-balikat ito."Okay. You said it, you do it." Aniya saka muling ibinaling ang tingin sa ginagawa. "Sana matagal mo nang naisip yan." Dagdag niya pa habang umiiling-iling.

'Kung magsalita itong batang to ay parang mas matanda talaga sakin.'

"Inlove ka yata kaya ka ganyan." Mahina niyang sabi pero narinig ko parin.

"What?" Singhal ko. "H-h-hindi ako inlove okay?" Utal na sabi ko.

Muli siyang napatingin sakin. "Then why you're being like that?" Mas lalong naging mataray ang tingin niya sakin. "You know what kuya, kilala kita." Tiniro niya ang kabuuan ko. "That thing from your head to toe is not your style at hinding-hindi mababago yun, unless you're doing it to impress someone."

Parang naging yelo ang katawan ko dahil sa sunod-sunod na pananalita ng kapatid ko,wala talagang preno ang kadaldalan niya at may kasabay pang kasungitan.

"O-o-ofcourse not... Hindi ba pwedeng maging simple?" Aniya ko.

"Pwede ka namang maging simple, pero hindi yung pilit. Eh, mas matagal ka pang mag-prepare kaninang umaga eh, kesa sa normal days na pagpasok mo sa school."

"Mas matagal talaga dahil kailangan ko pang hanapin yung mga simple things ko." Tinuro ko ang buhok ko. "And my hair, kahit ganto to ofcourse kailangan ko paring magmukhang gwapo." Sagot ko.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now