CHAPTER 31: Playground

26 8 2
                                    

"Playground"
__________________

ARBIE'S POV

Naging mabilis ang mga araw, weekend nanaman ngayon ata araw din na pagpunta namin sa orphanage ngayon. Matagal-tagal na din kaming hindi nakakapunta ni Mika sa orphanage dahil sa trainings at practices namin para sa sportsfest.

'Na-miss ko ding makipag-laro sa mga bata!'

"Ready na ka ba anak?" Rinig kong tanong ni mama.

"Opo ma! Pababa na po ako!" Sigaw ko.

Sinuklay ko lang ng kaunti ang buhok ko saka sinuot na ang sapatos. Pagkababa ko ay mabilis akong sumakay sa sasakyan. Ang sabi ni papa ay duon nalang daw kami magkikita-kita sa orphanage.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong pa ni papa bago tuluyang tahakin ang daan.

Mag-isa ako ngayon dito sa passengers seat. Isinalpak ko ang earphones ko saka shinuffle ang songs ko sa cellphone.

Nakikita kong nag-uusapa sila mama at papa pero naging tahimik nalang ako saka napatingin sa bintana.

'Bakit kaya?'

Nuong araw na hindi ako pinansin ni Aeron, yun din ang huling araw na nakita ko siya. Ang sabi naman nila ay pumasok naman si Aeron sa mga sumunod na araw.

'Bakit parang bigla siyang nakalimot?'

May amnesia ba siya? Haha. Ayoko talagang isipin yun pero binubulabog talaga ang isip ko.

Naging tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa orphanage. Nanduon na nga sina tita Ellaine, busy sa pag-aayos.

"Siss!" Hiyaw ulit nila mama at tita Ellaine nang magkita ito. Gaya ng sinabi ko ay matagal-tagal na rin kaming hindi nakaka-bisita rito.

Agad din naman akong pinuntahan ni Mika nang makita niya ako. "Bess! It's a happy lucky Saturday!" Hiyaw niya nanaman. Favorite line niya yun eh.

"Goodmorning." Bati ko nalang.

"Tara na sa loob besh. Nag-aantay na ang mga bata, grabe super miss ka na din daw nila."

Napatango lang ako. Pumasok nga kami sa loob, pero dinaanan muna namin sina tita Ellaine at tito Mike para magmano.

Pagkapasok namin ay agad akong dinalubong ng mga bata. "Ate Arbieeeeeeeeeee!" Hiyaw pa nila saka ako niyakap.

"Teka teka sandale. Nasasakal na si ate." Aniya ko dahilan para medyo lumayo sila. "Na-miss niyo ba kami ni ate Mika?" Tanong ko sa kanila.

"Opo!" Sagot nila lahat.

"Bakit po ba kayo hindi nakakapunta dito nun ate?" Tanong ni Titoy.

"Busy kasi kami sa school." Sagot ko.

"Turuan mo ulit ako mag-drawing ate Arbie!" Masaya namang ani Tinay, kambal siya ni Titoy.

Napangiti ako saka tinanguan siya. "Oo maman, tuturuan ko kayo." Sagot ko.

"Ate Mika, turuan mo din ako mag-multiply at divide ah!" Ani naman ni Titoy.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now