20 Eleanor

32 5 0
                                    


I locked my car and leaned on the hood to wait for Gabriel. The long-ass lunch with my friends finally ended. Mas pipiliin pa nilang ma-late sa susunod na subject kaysa pakawalan kaming dalawa. It was an endless bickering with Karyl which was really tiring.

Umayos ako nang upo nang makita ko na ang kotse n'ya na papasok sa parking lot. There was a space next to mine so he smoothly parked his car there. Lumapit ako sa kanya nang matapos n'yang pindutin ang keyfob para i-lock ang sasakyan n'ya.

Kahapon lang ay tinutulak at inaaway ko pa s'ya dito pero ngayon ay tahimik lang kaming dalawa. A firework exploded inside my chest when he reached for my hand. Walang salita kaming nagsimula sa paglalakad hanggang sa nasa maliit na kumpol na kami ng mga taong naghihintay sa elevator.

"Do you wanna take the next one?" mahinang tanong n'ya sa akin. Ang kamay n'yang nakahawak sa akin kanina ay lumipat sa siko ko para siguro alalayan ako. Kapag nagpatuloy s'ya sa ganitong pagtrato sa akin ay tiyak na hahanap-hanapin ko 'to.

"It's fine." ngiti ko sa kanya. Hindi naman marami ang sasakay. Isa pa ay kating-kati na akong kausapin s'ya.

It felt like my system was having a short circuit when his gentle hand crawled on my waist. He guided me inside the elevator and made sure that I wasn't towered by anyone. He was behind me so a little portion of my back was pressed against him. His fingers were almost on my stomach.

I couldn't help but ask, what made him take possession of me? He boldly announced to my friends that we started dating yesterday. Tapos ngayon ay pinaninindigan talaga n'ya.

Of course, I was delighted. Napaisip lang talaga ako. O baka naman hindi lang ako sanay na ganito s'ya sa akin?

Mostly, after a day of spending together— may it be full of arguments or silence, he would keep his distance at the end of the day. Pakiramdam ko ngayon ay masyado akong pinagpapala.

Noong makalabas kami sa elevator ay doon pa lang n'ya ako binitawan. Nakasunod lang s'ya sa likod ko hanggang sa makarating kami at mabuksan ko na ang pinto. We removed our shoes and he neatly placed them next to each other. Pagkatapos ay sabay kaming umakyat papunta sa receiving area.

"Magpapalit lang ako ng damit, ah?" pagpapaalam ko.

I picked up the remote control on the couch and turned on the television. Sunod na sinindi ko ang ventilation dahil medyo mainit. Nang maupo na s'ya ay iniwan ko muna s'ya saglit.

I changed into a pair of gray sweatpants and a light yellow racerback sando. Mukha kasing makakatulog nanaman ako nito. I also put my hair in a messy bun because I didn't like it sticking on my back.

Nang lumabas ako sa kwarto ay nadatnan ko pa rin s'ya sa pwesto n'ya habang ang mga mata ay nasa telebisyon. Saglit kong inilibot ang paningin ko sa bahay. It looked clean because I was a minimalist. Puro puti at gray lang ang kulay ng bahay ko.

Dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng dalawang solo size ice cream sa fridge. One was vanilla and one was strawberry flavor.

His eyes were on me when I walked to him. Inilapag ko ang dala sa maliit na mesa sa harapan ng couch at naupo na sa tabi n'ya.

I folded my legs on the couch and faced him. Ni kahit isang segundo ay hindi n'ya inalis ang paningin sa akin. "Shall we ta--"

My phone rang somewhere. Sabay pa naming nilingon ang bag kong nasa single sofa dahil doon nagmula ang ingay. I stood up and searched the phone in my bag. Naupo akong muli sa couch bago ko tingnan kung sino ang tumatawag.

I thought it was my brother but it was Miles.

"It's Miles." I muttered and looked at Gabriel. Hindi naman nagbago ang seryoso n'yang mukha. Gusto ko sanang itanong kung p'wede ko bang sagutin pero namatay na ang tawag bago pa ako makapagsalita.

Eleanor MendrezOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz