Chapter 2

23 2 0
                                    

Future Teacher Alana

"No one is allowed to say that I missed the destination just because I took a whole different route."

HINDI ako mapalagay sa kinauupuan ko dito sa loob ng classroom namin. Nasa labas ang mga kaklase ko at hindi ko alam kung anong ginagawa nila doon. I was very sure that I won't be going to college, but what happened? Ipinasok ko ang sarili ko sa gulo. Sinabi nang ayaw ko nang mag-aral eh.

"Ibigay mo nalang sa iba kung talagang ayaw mo. Hindi iyang sisimangot ka diyan. Nagmumukha kang sawi alam mo ba?" I gawked at Rico who just entered the room. Umupo siya agad sa tabi ko. Kailan pa siya naging pakialamero? Tsaka ba't niya ba ako kinakausap?

"Huwag mo nga akong tingnan na parang gusto mo akong patayin. Iyong scholarship, kung ayaw mo nun, ibigay mo nalang sa iba."

I turned my face away from him and sighed. Masama ba akong tao kung mas gusto kong hindi mag-aral? Kapag sinabi ko sa lahat ang desisyon ko, hindi nila ako maiintindihan dahil wala akong dahilan kung bakit ayaw ko nang mag-aral. Tatanungin nila ako kung bakit at kapag nagbigay ako ng malabong sagot, babalewalain nila ang dahilan ko. Kapag sinabi ko ang totoo kung nararamdaman, pipilitin nilang ipaintindi sa akin na naguguluhan lang ako. Kukumbinsihin ako ng marami. Sasabihin nila sa akin na sayang ang pagkakataon lalo pa at matalino ako. Huhusgahan ako ng iba dahil iisipin nila na hindi gawain ng mga matatalinong tao ang magpabaya sa pag-aaral. Ngunit sino ang tunay na nakakaalam ng mangyayari sa buhay natin? Wala 'diba? Kaya sino makakapag-sabi na ang pag-aaral ng kolehiyo ang magbibigay sa akin ng tagumpay? Sino ang makakapag-sabi na ang pagtahak sa daan na taliwas sa gusto ng marami ang magbibigay sa akin ng kamalasan? Wala hindi ba?

"Kanino ko naman ibibigay ang scholarship?" tanong ko kay Rico. When I looked at him, he looked worried at the same time hopeful. Sa tagal naming naging magkaklase, ngayon ko lang siya nakakausap ng ganito. Kunsabagay, siya lang rin ang nakakausap ko ng ganito.

Girls from my room often talk about boys and their crushes. One may gush over her unrequited love. Others care more for their make-up than their grades. I never had someone whom I can converse with about life, future, and my unending curiosity of tomorrow. I was an ordinary student. Kung hindi lang ako matalino at minsan pasaway, siguro madalas lang rin akong makalimutan ng mga kaklase ko. Sabi ng ilan, hindi raw maku-kompleto ang high school life ko kapag hindi ako nagka-boyfriend, kapag hindi ko nasubukang tumalon sa likod ng gate, kapag hindi ako nakipag-inuman sa barkada. But I think that was a wrong way of thinking. I mean, may mga paraan ako upang ma-enjoy ang high school life ko. Nakikipagsagutan ako sa kaklase kong walang ibang ginawa kundi manlait ng kapwa. Pinapasok ko ang guidance office sa kahit anong klaseng dahilan; inireklamo ako ng teacher dahil sinabi kong mali ang sagot niya sa isang boardwork namin, nakipagsabunutan ako kay Rico, at tumatambay ako sa taas ng tangke ng tubig kahit bawal. Nagbabasa rin ako ng libro sa luma naming library na nakalimutan na 'atang dalawin maging ng aming butihing librarian, at umuupo sa canteen kahit wala akong binibili.

Now, can I say that hindi kompleto ang high school life nila dahil hindi nila naranasan ang mga ginawa ko? You see? No one is allowed to say that I missed the destination just because I took a whole different route.

"Sa akin. Ibigay mo sa akin." Tuluyang nakuha ni Rico ang buong atensyon ko. I thought he was joking but when I saw his face, it tells different.

"Pero town councilor ang tatay mo 'di ba? Kung ibibigay ko ang scholarship sa iba, hindi na iyon sa'yo. Kaya ka namang pag-aralin ng pamilya mo." Sabi ko. May kaya ang pamilya niya kaya huwag na muna siya humingi ng scholarship. Tsaka na kapag hindi na nanalo ang balasubas niyang tatay sa susunod na eleksyon.

He leaned back against his chair at walang pasabing ipinatong ang paa niya sa ibabaw na isa pang upuan. Nakasuot ulit siya ng tsinelas. "Ba't ka ba naka-tsinelas?" tanong ko.

Future Teacher AlanaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin