Chapter 5

20 2 0
                                    

Future Teacher Alana

“Don’t expect people to hear your unspoken words, and don’t expect them to understand you when you finally learned to speak.”

Sinalubong ako ni Dani ng isang mahigpit na yakap nang bumalik kaming dalawa ni Steve sa grupo.

“I knew it! Ikaw talaga ang ace ng mga babae sa batch na’to.” Proud niya pang sabi habang nakatingin sa ibang grupo. Nakita kong umismid ang mga babae doon dahil sa sinabi niya.

“Tama na nga ‘yan.” Saway ko sa kanya.

Mula sa likuran ay sumulpot naman si Kuya. He was wearing a proud grin. Kaagad siyang nakipag-high-five sa akin. “Ang galing niyo!” he exclaimed.

Tinanguan ko lang siya bago kinuha ang bottle of water na kanina niya pa hawak-hawak. Nakipagbulahan pa siya eh hindi pa nga niya naaabot itong tubig sa akin. Tutunggain ko na sana iyon nang bigla niya itong inagaw. Punyemas!

“Hindi para sa’yo iyan.” Saway niya sa akin.

Sa bilis ng pangyayari, nagulat na lang ako nang maglakad siya palayo at ibinigay kay Steve ang tubig. Napanganga ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Talaga bang ipagpapalit niya ako doon sa kaibigan niya? Ano’ng klaseng kuya siya? Nagmamaktol na umupo ako sa damuhan. I never felt so betrayed in my whole life. Ngayon lang. Nang dahil lang sa ginawa niya. Kahit inaagawan niya ako dati ng laruan, hindi naman ako nagrereklamo. Kahit mas pinapakinggan niya ang crush niya kaysa sa akin, hindi ako nangungulit. Ngayon pa niya ‘to ginawa kung kailan may achievement akong nagawa. Kahit kailan talaga, pahamak siya.

Hindi akong makapaniwala na naiiyak ako ngayon kung hindi lang may isang bote ng tubig ang tumapat sa mukha ko. Tiningala ko ang nag-abot niyon at nakita si Steve na nakatingin sa malayo.

“Ano namang ginagawa mo?” inis na tanong ko sa kanya. Pero hindi naman siya nagsalita at pilit lang inaabot ang bote. Nang hindi ko iyon tinanggap ay siya na mismo ang naglagay niyon sa kamay ko at saka umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa matanaw ko si kuya na nag-thumbs up sa akin. Nakakasakit ang pakulo niya, alam niya ba?

The teachers gave us ten minutes break before resuming the game. By that time, nawala na ang inis na nararamdaman ko lalo pa at hindi naman alam ni kuya na nainis ako sa ginawa niya. I couldn’t tell him. Siguro kasi takot ako na balewalain lang niya ang feelings ko. O ‘di naman kaya ay pagtawanan lang niya ako lalo, na baka isipin niya na masyado akong mababaw.

Napabuntong-hininga ako. That thought sucks! Ang tanging paraan daw para maintindihan ka ng mga tao ay ang sabihin sa kanila ang tunay mong saloobin. Pero dahil takot tayo sa magiging reaksyon nila, pinipigilan natin ang mga sarili natin. Yes, the thought sucks but what can I do?

Nanood ako ng sumunod na game. Ang limang lalaki ang naglaro para sa team namin. The next game was way challenging kumpara sa nilaro namin kanina. There are five stations and each team has to build something for each station. Nagsimula uling maging maingay ang paligid. I didn’t expect that a recollection activity could be this fun. Sabi ng ilang mga pinsan ko, isang araw lang ang naging recollection activity nila which only includes short seminar, film showing and recollection. Masuwerte raw kami at naisipan ng mga guro namin na gawing mala-camping ang recollection activity namin as to which I agree.

“Go Rico! Go Steve! Go Andrew! Go everyone! Go, go, go!”

My girl teammates cheered for our team. Kahit na medyo napapangiwi at napapamura sila minsan dahil may mga pagkakataong nahuhuli ang grupo namin, they still shouted in support for the boys. Ako naman, kahit hindi sumisigaw ay mataman ding pinapanood ang mga ka-grupo ko, silently hoping for them not to get confused during difficult tasks, not to stumble down as they ran towards the next station and not to act carelessly when they finally find out that they are so behind and they are actually running out of effort and time.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Future Teacher AlanaWhere stories live. Discover now