The Burden Beast -C8

131 2 0
                                    

(Chapter 8)

'MARUNONG'

Ni hindi ko man lang namalayan na magaapat na linggo na pala ang ungas na iyon dito. Mabilis na dumaan ang araw. Hes acting nice anyway. Minsan may topak pero natutuwa naman ako dahil nakikita ko ang pagbabago sa kanya.

Hindi na sya ganoon kaarte sa pagkain. Kung anong ihain ko sa hapag kinakain nya. Ganoon din sa pagtatrabaho. Katunayan ay ipinagpatuloy nya ang pagtulong sa papa ni Macoy para magkaroon ng sariling pera.

One time natanong ko sa kanya kung bakit pa sya nagtatrabaho gayong may pera naman sya.

"Pwede ka namang huwag nang magtrabaho kay Mang Marion. May pera ka naman diba?"tanong ko noong minsan ay sabay kaming naghapunan.

Bahagya syang sumimsim ng tubig bago muling ginalaw ang pinggan. Gusto kong matawa dahil sa lakas nyang kumain. Tila ilang araw mong hindi pinakain dahil sa laki ng mga subo nito. Malamang ay napagod sa maghapong pag iitak ng kahoy.

Ang lakas pang magsabi ng hindi ako masarap magluto? E, halos ultimo tutong maaubos na nya?

"Hindi ako may ari ng bangko." sarkasmo nyang sagot habang abala sa kinakain."Nauubos din ang pera ko."

"B-bakit? M-magkano nalang ngayon? Bakit hindi ka humingi sa parents mo?"

Panandalian syang natigilan sa paggalaw ng kubyertos. Natulala lang sya saglit sa pinggan bago nagpatuloy. Hindi nya ako binalingan pero ramdam kong gusto nyang ipaalam na lumalampas na ako sa linya ng mga bagay na puwede kong pasukin sa buhay nya.

"I cant just do that..."malamig nyang sabi."Thats why i need to work... to aim money."

Napabuntong hininga nalang ako bago inabala ang sarili sa pagkain.

I never asked him about his reasons. Hindi ko din sya tinanong kung hanggang kailan sya mananatili dito. Pero kung sakali mang magdesisyon syang umalis ay hindi ko sya pwedeng pigilan.

Days have passed. Malapit na ang piyesta sa publasyon kaya naging abala na din ang lahat. Ang iba ay nagsimula nang magsabit ng mga palamuti sa labas ng bahay.

Wala naman kaming balak na magdisenyo pa dahil paniguradong gagastos kami kapag nagkataon.

"Mari!, Anong handa nyo sa biyernes?"tanong ni Manang Selia noong minsan ay mapagawi sya samin.

"Hindi ko pa po alam."nameke ako ng ngiti."Baka magdala din po ng pagkain dito si aunti."

"Iyong asawa mo? Diba mayaman iyon?"kyuryoso nyang tanong."Paniguradong masasarap ang ihahanda nyo."

"B-bahala na po siguro..."kagat labi kong sagot bago nag iwas ng tingin.

Kinabukasan ay nagpunta si Aunti Laudine sa bahay. May dala syang bibingka na sya pa mismo ang gumawa. Matagal na din noong huling nakadalaw dito si aunti. Naiintindihan ko naman iyon dahil may sarili din syang pamilya.

"Asan ang asawa mo, Maristela?"hinanap agad ni aunti si Eren ng makapasok sa bahay.

"Na kila Mang Marion po, nag iitak ng kahoy."sagot ko. Agad kong dinaluhan ang dala nyang bibingka saka iyon inamoy amoy.

"Hay naku ka talaga! Aba't bat hindi mo puntahan at pauwin na?"sermon nito dahilan para matigilan ako. Nakapameywang na ito ngayon sa harapan ko."Sus, Mari. Pagod ang asawa mo! Hatiran mo ng meryenda!."

"Pauwi na din naman po iyon."
ngumuso ako bago nagbaba ng tingin. Umakma akong titikman ang kakanin ng bigla akong pigilan ni aunti.

"Hoy! Dalhin mo yan doon at ipatikim mo kako sa asawa mo!"bulyaw nito."Naku ka talagang babae ka... pag ikaw hiniwalayan nun!"

The Burden BeastWhere stories live. Discover now