The Burden Beast -C17

101 3 0
                                    

(Chapter 17)

'PIGILAN'

Lutang pa ako ng hilahin ni Eren ang kamay ko patayo. Masyadong nililipad ang isip ko na maging ang paglalakad ay mukhang hindi ko magawa ng tama.

Sunod sunod akong napalunok ng dalhin ako ni Eren sa stage sa gitna kung saan mangyayari ang sayawan. Agad kaming pinagtinginan ng mga taong nandoon.

Nakaramdam ako ng hiya ng mapansing sa amin nakatutok ang atensyon ng lahat. Bukod kasi sa wala pang tugtog ay wala pa ding tao ang nandoon sa unahan. Kami palang ang nandoon at hindi ko maiwasang pamulhan sa katotohanang iyon.

"W-Wala pang s-sayawan." kabado kong bulong kay Eren. Nang tingalain ko sya ay gusto kong lumubog sa kinatatayuan ng madatnan kung paano nya ako pakatitigan. Bahagyang umawang ang labi ko bago nagbaba ng tingin sa kanyang dibdib.

"Gusto mong sumayaw diba?"ang lalim ng boses nya ay kasing lamig ng pang gabing hangin.

"Uhm... k-kaso tayo palang ang nandito..."i bit my lower lip."N-Nakakahiya."

"Nahihiya kang kasama ako?"nagtatanong ang kanyang tono. Isang beses kaming nagkatinginan bago ko muling ibinalik ang mga mata sa kanyang dibdib.

"H-hindi naman sa ganoon..."

"Then what?"

"Uhm... p-pinagtitinginan kasi tayo..."nameke ako ng ngiti."N-nakakahiya..."

"Stop bothering yourself with their presence."malutong na ingles nyang sabi."Wala kang dapat ikahiya sa sarili mo."

Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang ngiti. Hindi ko alam pero kusa iyong nagpapakita sa tuwing matatapatan ko ang kanyang mata.

Maya maya ay napawi ang ngiting iyon ng marahan nyang inabot ang kamay ko saka maingat na inilagay sa kanyang balikat.

"WOOHH!"nagsimulang maghiyawan ang mga taong nandoon.

"Relax."halakhak nya ng maramdaman ang panginginig ng kamay ko."Can i place my hands around your waist?"

"H-huh?"

Ngisi lang ang isinagot nya sa akin bago ko naramdaman ang paglapat ng kamay nya sa beywang ko. Nagtindigan lahat ng balahibo ko ng maramdaman iyon. Pakiramdam ko kahit na may telang namamagitan sa kamay nya at sa balat ko ay parang direkta akong nakuryente sa ginawa nya.

Maya maya ay nagsimulang tumunog ang pamilyar na kanta. Mabagal at nakaliliyong kanta.

"Hmm..."naramdaman ko ang paghila ni Eren sa akin palapit. His eyes scanned the whole place. Hindi ko sya magawang tignan ng diretso dahil pakiramdam ko isa iyong malaking kasalanan.

Ang gwapo nya.

Marahan syang gumalaw sa paraang pareho kaming hindi mahihirapan. May mga oras na nagpapatianod ako sa kanya. Pero hindi ko maiwasang purihin kung gaano nya pinananatili ang  pag iingat sa bawat galaw nya upang hindi ako mapwersa. Maging ang paghawak nya sa beywang ko ay nagsusumigaw ng pag iingat.

Naglapitan ang iba pang mga pares upang daluhan kami sa pagsasayaw.

"Hindi ako marunong sumayaw." natatawa kong bulong. Inosente syang nagbaba ng tingin sakin bago ngumiti.

Hindi ko na naialis sa kanya ang tingin ng makita iyon. Ang ganda ng ngiti nya.

"Ako din."bulong nya pabalik. Sabay kaming natawa dahil dun. Sinubukan kong balingan ang direksyon ng upuan namin kanina. Wala na doon yung babaeng kausap nya pero nanatiling nakaupo si Macoy habang nakatanaw sa amin.

The Burden BeastWhere stories live. Discover now