00-44

692 23 0
                                    

"Mga anong oras pa po kaya sila dadating?" saad ko kay ate na sinamahan akong mag intay ngayon sa sala, mag aalas-onse na kasi hindi pa rin bumabalik si Kate. Sabi ni ate, ang narinig daw nya may appointment si Kate sa Daddy nung Ysabelle, grabe naman katagal yun... Hindi na ako mapakali kakatingin ng oras, may dapat din pa kase akong reviewin dahil may recitation kami sa first subject ko bukas.

"Ma'am, hindi po ba ninyo dala ang uniform at gamit nyo?" saad sa'kin ni ate saka ako inabutan ng malamig na gatas.

"Hindi po eeh... Ang usapan po kase namin ni Kate uuwe kami bago mag gabi. Para dun na kami matutulog." saad ko saka muling napatingin sa orasan, maya't maya din ang silip ko sa cellphone ko baka kasi nagtext oh tumawag sya.

"Tinawagan mo na po ba?"

"Opo, pero hindi nya sinasagot eh. Naka silent pong siguro yun..." malungkot kong saad, muli naman akong napatingin sa relo ko. 10:40 na... Antagal pa naman ng byahe, nasa dalawang oras din kahit na mag short cut lang kami.

"Antayin nalang po natin saglit ma'am, gusto po ninyo eh mahiga na po muna kayo, gigisingin ko na lang po kayo."

"Wag na po, sasakit lang ang ulo ko nun." saad ko, saka ulit sya sinubukang tawagan, napa kunot nuo nalang ako dahil unattended na yun.

"Unattended? Nag riring lang sya kanina aah. Bakit kaya..." saad ko saka napahigpit ng hawak sa cellphone ko. "Ayos lang po kaya sila? Wala po ba kayong contact dun sa Ysabelle?" pag aalala ko, bakit kaya hindi man lang sya nag text? Para naman sana aware ako, hindi na nga sya nag paalam eeh...

"Ma'am, wag po kayong masyadong mag aalala. Ayos lng po yun sila." saad ni ate saka nya ako nginitian, lalo tuloy akong nalungkot. Kung ano ano na kasing pumapasok sa isip ko, kahit anong mangyare ex pa rin nya si Ysabelle...

"Manang mauuna nalang po siguro ako, pwede naman po sigurong mag pahatid ako kay kuya diba?" saad ko saka akmang tumayo, hindi kasi talaga pwede ee, anong oras na. Isa pa, magrereview pa ako para bukas, tapos alas syete pa.

"Pupwede naman po siguro, kaya lang paano po kung mag kasalisi kayo ni ma'am Kate?"

"Ayos lang yun, sya nga po eh hindi nag paalam sa'kin."

"Ma'am..." hindi nalang ako sumagot, sinubukan kong tawagan sya ulit kaya lang hindi ko na talaga sya macontact.

"N-Ngayon na po ba ma'am?"

"Opo ate, baka po kase hindi na'ko makatulog ng maayos kailangan ko pa pong mag review para bukas."

"S-Saglit po, sasabihan ko na si kuya, gising pa naman po siguro yun." saad nya saka nagmadaling tumayo.

"Salamat po." saad ko saka napayuko, nag umpisa nalang akong mag lakad paakyat ng kwarto. Pag pasok ko dun, nag umpisa na namang mag unahan yung mga luha ko, may kung anong mabigat sa dibdib ko.

Parang tanga si Kate, sana sinabi nya'ng aalis alis din pala sya pagdating namin dito para sana hindi na'ko sumama, nasayang pa yung mga araw ko. Ganun din naman, naiiwan lang din akong mag isa. Buti pa nung na nasa Thailand sya, nilalaanan nya ako ng oras. Iniligpit ko na lahat ng gamit ko, iniwan ko yung hindi naman sa'kin dahil mamaya hindi pala sya susunod dun, nung masiguro kong wala na'kong naiwan. Isinara ko na yung maleta saka inabot yung cellphone ko, hindi nalang ako nag palit ng panlakad tutal eh nasa loob lang naman ako ng sasakyan. Pagbaba ko nakita ko naman si ate na nasa tapat ng hagdanan.

"Ate pasabi nalang po sa kanya ha, kung gusto po nya'ng sumunod sa amin, sumunod nalang sya." saad ko kay ate saka ako tuluyang nag lakad, kinuha naman nya sa'kin yung maleta saka ako sinamahang palabas, nakita ko namang may kausap na isa pang lalaki yung driver nina Kate, hindi sya pamilyar sa'kin.

"Ayan na po pala yung kotse ni ma'am Sabel ee." saad ni ate kaya napatingin nalang din ako sa direksyong tinutukoy nya. Hindi tinted yung sasakyan, pero wala naman akong nakikitang tao sa driver's seat.

"Yan po ba yun?"

"Opo, ayan na po yung driver ni ma'am Sabel ee." saad ni ate habang tinuturo yung lalaking kausap ng driver nina Kate.

"Uh. Sya po ba yun? Nung pumunta ka po ba kay kuya kanina wala pa sya?" tanong ko, nag umpisa naman na akong kabahan kahit na hindi ko alam kung para saan.

"Hindi ko po alam ma'am, sa telepono ko lang po kase tinawagan si kuya." saad nya, tumango nalang ako saka nag umpisang maglakad papunta run sa kotseng tinutukoy nya habang si ate naman ay nakita kong inihatid na sa kotse yung maleta ko.

Konting hakbang nalang ang layo ko nung mag dalawang isip pa akong tumuloy kaya napabuntong hininga nalang ako saka muling nag lakad, nung tuluyan na'kong napalapit napahinto nalang ako nung tuluyan kong maaninag yung loob ng kotse.

------------

Forbidden [ Completed ] Where stories live. Discover now