00-57

716 16 0
                                    

"Emergency room???" kabadong tanong ko dun sa nurse na napagtanungan ko, ganun nalang yung panginginig ng katawan ko maging ng kalamnan ko.

"Yes po ma'am, sinugod po sila kanina around 3 pm."

"S-Sila po?" saad kong ulit pero hindi ko na nagawang mag intay pa sa magiging sagot nya, kusang tinakbo ng mga paa ko yung katahimikan ng hallway kahit pa na halos mapaupo ako dahil sa sobrang pang hihina.

Tanaw ko na mula dito yung pintuan ng E.R maging yung mga taong nakaupo sa gilid nun na hindi ko alam kung sino. Kahit pa na sobrang nanginginig pinilit kong takbuhin yun, pansamantala akong napakapit nung maramdaman kong tila nalumpo yung tuhod ko. Agad akong tumayo saka muling nag lakad, ramdam ko yung pangingilid ng luha ko kahit pa na hindi ko pa alam kung ano yung nangyare. Tila bumagal ang lahat, pati yung pag takbo ko palapit ng E.R, tila may kung anong humihila nun paalis ng hospital.

"Althea?" gulat kong tanong nung makita kong may hawak sya'ng wheelchair, pero mas nagulat ako nung iangat ng babae yung ulo nya dahilan para makita ko kung sino yung nasa wheelchair.

"S-Sab?" hindi makapaniwalang tanong ko, nakatulala lang ako sa kaniya dahil na rin sa ang dami nya'ng gasgas sa mukha maging sa katawan, meron ding bandage yung kanang braso nya.

"Mag kakilala kayo?" tanong ni Althea kay Sab saka muling tumingin sa'kin, tila may kung anong kabang bumalot sa katawan ko nung mag tama yung tingin namin ni Sab, pero wala pa rin sya'ng pinag bago, gaya ng nakagawian sya pa rin yung unang umiiwas sa tuwing magkakatitigan kami.

"S-Sya yung kinukwento ko sayo nuon." saad ni Sab kay Althea saka ibinaling sa malayo ang tingin nya, hindi na sya muling tumingin sa'kin.
Hindi nya na ba ako ginustong makita ulit?

"A-Anong nangyare? Nasaan si Kate?" pag aalala ko dahil hindi ko nakikita maging ang driver nina Kate, narinig kong umubo ng bahagya si Sab kaya muli akong tumingin sa kanya, kita ko yung pangingilid ng luha sa mga mata nya na nag palakas ng kabog ng dibdib ko.

"I-I'm sorry... A-Aksidente yung nangyare Tania." mahinang saad nya, kung hindi siguro tahimik dito hindi ko sya maririnig dahil sa sobrang hina ng boses nya.

"Anong nangyare?" muling tanong ko dahil kinakain na ako ng kaba, dinig ko na maging ang pag tibok ng puso ko dahil sa takot.

"A-Ano kase eh... N-Nakatulog ako habang nasa byahe-"

"Nag drive ka?" nagtatakang saad ko na pakiramdam ko ay may halong galit, hindi ko pa kase sya nakitang nag maneho mula nung maging magkaibigan kami.

"H-Hindi, hindi ako nag drive Tania. Kasama ko yung driver namin, sinundo nya ako sa airport. Kaya lang... nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe namin... Nagising ako dahil sa lakas ng mga busina, dun ko lang nalaman na out of control na pala yung sasakyan namin... N-Na stroke kase si manong habang nag dadrive eh... Hindi ko sya maalis sa drivers seat dahil nga sa naninigas na sya... Tania..." saad nya kasunod ng pag abot ng mga kamay ko, ramdam ko yung panlalamig nya maging yung panginginig nya, hindi ko namalayan na nag umpisa na palang umagos yung luha ko.

"T-Tania... Pinilit ko namang ilihis yung manibela eeh... Kaya lang hindi ko magalaw yung break dahil nandun yung paa ni manong... H-Hindi naman namin sinasadyang bumangga... Maniwala ka Tania... Hindi ko talaga alam na kotse pala nina Kate yung nabangga namin... Maniwala ka T-Tania..." saad nya sa pagitan ng mga hagulgol nya, halos yakapin na nya ako, tila naman may kung anong buto ang natanggal sa mga paa ko kaya napaupo akong bigla sa sahig.

"T-Tania... I'm sorry... Sorry.... Hindi naman namin sinasadya eh... Aksidente yung nangyare maniwala ka..." saad nya sa pagitan ng mga hikbi nya, napatakip nalang ako sa bibig ko, umaasang matatago nun yung mga naglalakasang hikbi ko.

"I-I'm sorry... Sorry..."

"Tania, anak." sabay kaming napalingon nung marinig ko ang pangalan ko, pinilit kong tumayo pero ganun na lang talaga ang panghihina nun dahil napaupo lang akong ulit. Mabuti nalang nga at nahawakan akong kaagad ng mama ni Kate.

"What happen? Where's my daughter?" saad ng Papa ni Kate na ikinagulat ko, ngayon ko lang kase narinig na mag salita yung Papa nya kaya ganun nalang yung takot ko, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, maging yung panlalamig nun.

"I said where's my daughter!?" saad nya nang may kataasan ang boses, hindi ko tuloy naiwasang mapatalon ng bahagya dahil sa gulat. Nakita ko namang pinakalma sya ni tita saka muling ibinalik sa'kin ang atensyon nya.

"Tania, anong nangyayare? Nasan si Kate?" muling saad sa'kin ni tita, napahigpit nalang ako ng hawak sa mga braso ni tita dahil naramdamn kong nag uunahan na yung mga luha ko, napailing nalang ako dahil hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
Sisimulan sa paraang hindi sila magagalit.

"G-Galing po ako ng school tita... Tinawagan lang din po ako... N-Naaksidente daw po yung sasakyan nila... Hindi ko pa po alam ang kalagayan ni Kate... K-Kadarating ko lang din po halos." saad ko habang nakayuko, hindi ko magawang tignan yung magulang ng taong mahal ko dahil sa sobrang hiya. Sa'kin sya binilin, ako yung dahilan bakit nya piniling manirahan dito sa pinas.
Ano nalang yung sasabihin nila ngayong nadisgrasya si Kate sa poder ko..

"Asan yung naka bangga?" saad ni tita na pakiramdam ko ay may halong galit kaya ganun nalang din yung kaba ko. Hindi ko magawang lumingon kina Sab dahil na rin sa ayaw kong masisisi sila... Kahit pa na alam ko sa sarili kong may kasalanan sila kahit paano.

"A-Aksidente po-"

"Ma'am... Kami po yung nakabangga-"

"Tito-!" alalang saad ko nung makita kong inambahan nya si Sab, kamuntik ko pang tumama sa kanto ng pader dahil sa biglang tulak nya sa'kin. Nakita ko namang inawat din sya'ng kaagad ni tita, kita ko sa mata nina Sab at Althea yung takot, lalo lqng tuloy akong nakaramdam ng pang hihina.

"A-Aksidente po yung nangyare... Na stroke po kase yung driver namin habang nag mamaneho... H-Hindi naman po namin sinasadya... P-Pasensya na-" lahat kami napatingin nung mag bukas yung pintuan ng E.R, tila naman may mga dagang nagtatakbuhan sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kaba ko, tila mawawalan ako ng hininga.

"May I ask for miss Kate's parent?"

"Kami po, kamusta po-" hindi ko na narinig pa yung mga sumunod, tanging pag lapat ng katawan ko sa sahig nalang yung naramdamn ko.

------------

Forbidden [ Completed ] Where stories live. Discover now