23

51 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE



"I heard you got hospitalized. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Liam nang pumasok na ako sa lecture room. It has been three days since I got hospitalized at kahit hindi pa ako masyadong magaling ay kailangan ko ng umattend ng klase. 


"Okay na." Hindi ko tiningnan si Liam. As much as possible, I want to ignore him para na rin iwas ng issue. 


"Sorry about what happened the other night." Dagdag pa niya.


"The lecturer's here. Mamaya na." Itinuon ko ang pansin sa gurong pumasok. Nakinig ako sa mga bagong discussions dahil marami pa akong dapat tapusin. Kahit nakatuon ang pansin ko sa harapan ay ramdam ko pa rin ang titig ni Liam sa'kin. 


Ako na lang ang mismong iiwas para hindi na magkagulo. Naging maayos na ang samahan namin ni Elijah at ayaw ko nang maulit pa ang nangyari. I don't like seeing him hurt because of me at parang hindi ko kakayanin pang maulit 'yun. 


"Gab, do we have a problem?" Hinawakan ni Liam ang siko ko at iniharap ako sa kanya. Hinawi ko ang kamay niya at seryoso ko siyang tiningnan. 


"Wala. I just- ayokong ma-issue ulit. I can't help you anymore. I'm sorry." Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tumalikod at naglakad paalis. 


Weeks had passed, EJ and I have been so busy pero hindi namin nakakalimutan tumawag o mag-text. He's leaving for England next week at unti-unti akong nanlumo habang papalapit ang araw na 'yun. Ang tanging iniisip ko nalang ay para ito sa kinabukasan niya. I really want to make this work. 


"Love!" Kumaway si EJ sa'kin at lumapad ang ngisi ko habang tumatakbo papunta sa kanya. We planned to have a date today at nandito siya ngayon sa bahay namin, sinusundo ako. 


"Hi." Sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan niya ang buhok ko. 


Binuksan niya ang shotgun seat at pumasok ako doon. Sinuot ko ang seatbelt habang umiikot siya papunta sa driver's seat. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan si EJ. I'm going to miss him so much.


He held my hand before driving away from our house. Pumunta kami sa isang mall at doon na rin kami kumain ng lunch. Naglaro kami sa World of Fun pagkatapos naming maglunch. He even went with me habang namimili ako ng mga damit. 


"Love, is this okay?" Sinukat ko ang peach satin dress and it hugged my body perfectly. Kumunot ang noo niya at umiling. Umirap ako bago pumasok ulit at nagsukat ng iba. 


"How about this?" Naka-maroon halter top ako at white high-waisted shorts. Umiling pa rin siya. I tried on about 4 outifts already ngunit palagi lang siyang umiiling. I'm now frustrated!


"Can you atleast tell me kung bakit hindi bagay sa'kin? Puro ka lang iling dyan, eh!" Nagsalubong ang kilay ko. Hinila niya ako sa sofa ng store at ipinatong niya ako sa hita niya. Nakanguso pa rin ako habang tinititigan ko siya. 

Last SummerWhere stories live. Discover now