***
21:30 PM
Clover:
bro
Nova:
?
Clover:kayo na ni Elodie?
Nova:
oo
pano mo nalaman? chismoso ka talaga no?
Clover:
source ko: kadaldalan ni Hershey
21:34 PM
Nova:
ah
Clover:
bat antamlay mo? parang di ikaw si Nova
kilala kita bro
anong problema?
Nova:
wala lang to kuya
Clover:ang arte mo
babae ka?
dali na
anong problema mo?
Nova:
para kaseng di pa sya ready sa gantong relationship
Clover:??
Nova:
di nya ako tinatawag sa call sign ko sa kanya
di ako matawag na 'love'
Clover:
bro HAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA
natural lang yan
malay mo naco-cornihan lang sya sa tawagan nyo
Nova:
ahh kaya pala ayaw ipaalam sa mga kaibigan namin
21:45 PM
Clover:
ay pot
seryoso?!!
Nova:
mukha ba akong nagjojoke?
Clover:
malay mo naman may hinahanda syang big announcement para sa mga kaibigan nya diba? wag ka masyadong paranoid bro
Nova:
sana nga eh kaso pati sa magulang nya
Clover:
sakit nyan bro?
Nova:
sobra
pero nirerespeto ko naman sya
hindi ko sya pipilitin na gawin yung mga gusto ko
hihintayin kong magkusa lang sya
Clover:
paano kung mapagod ka kakahintay?
Nova:
papahinga lang saglit tapos maghihintay ulit
Clover:
grabe
idol na kita
diba pinakilala mo na sya kay Mama?
Nova:
oo naman
tuwang tuwa si mama kay elo
para ngang mas mahal na ni mama si elo kesa kay ate hershey
Clover:
kahit ako, ayaw ko din kay Hershey
jk
baka pabawasan ni Hershey kay Papa allowance ko
eh sa side ni Elodie?
Nova:
ang alam nila manliligaw lang ako
ayaw pa ipaalam ni elo
Clover:
eh diba gustong gusto ka ng mga magulang non?
Nova:
ewan ko ba kay elo
basta love ko sya huehue
Clover:
kadiri ka bro
ang cheesy mo
Nova:
HAHAHHAHAHAHHA bitter porke di kinrushback
Clover:
u-lolz
ss sa inyo
Nova:
tnx bro
***
![](https://img.wattpad.com/cover/228845902-288-k179852.jpg)
YOU ARE READING
Multo Sa Chat
Teen FictionNaranasan mo na bang ma-ghost ng isang tao? Hindi ko pa nararanasan. Ako kase 'yung nang-ghost. Kumbaga, ako ang nang-iiwan. Unahan mo na para hindi mas masakit. Madami namang pwedeng dahilan. Sabihan mo lang sila ng 'brb' pwede na 'yon. Kaso may la...