MSC #Part2

39 5 4
                                    

***


"BUWAKANANG INA KA!" Pinalo ko sya sa braso. Bwisit eh! Nambibigla. Pwede naman nya akong sabihan bago ako halikan! Papayag naman eh. Charot.

"Aray ko naman!" Bigla syang bumunghalit ng tawa. "Nabigla din naman ako. Ikaw kase!"

"Bakit ako?!"

"Pinapakilig mo ako!"

Kumunot ang noo ko at hindi naintindihan ang sinabi niya. "Huh? Sabog kaba?" Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah!

"Isang taon na tayo sa relasyon natin, love. Ngayon mo lang ako tinawag sa endearment ko sayo. Ang slow mo naman."

I rolled my eyes. "Ano naman?"

"Wala, kinikilig lang ako. Masama?" He smirked.

"Walang masama. Ang masama, kanina pa tayo nandito. Ayaw mo ba umalis?"

Na-realize nya siguro ang sinabi ko at biglang napa-awang ang bibig nya. Sabog ba talaga 'to? O baka parehas kami?

"Teka lang, Love." Tumalikod sya at dinukot ang phone nya mula sa bulsa nya atsaka pumindot nang pumindot do'n.

"May babae ka ba?" Lumapit ako. "Ano yan ha?" Kulang na lang ay ingudngod ko ang ulo sa phone nya dahil panay ang iwas nya sa'kin. Tumalon-talon pa ako dahil tinaas nya pa ang kamay nya para 'di ko maabot ang phone. Porke' six footer 'tong hayop na 'to! Binubully ang mga maliliit na kagaya ko!

"Kumalma ka. Tara na, punta na tayo sa park." He smiled and instantly.... My anger faded away.

LUMINGON-LINGON ako sa paligid nang mapansin na parang kami lang ang tao dito sa park. Nasa pathway pa lang kami papunta sa mismong sentro ng park.

Kaya nagtataka ako ng sobra kase sa panahong ganto maraming naglalakad at tumatambay sa mga gilid ng pathway dahil maraming bulaklak dito. Madalas silang nagpapakuha ng litrato dahil para sa kanila "instragammable" o "feed goals" gawing background ang mga bulaklak.

"Bakit parang ang konti lang ng tao dito, love?"

I saw him smile a bit.

"Bakit ka nangingiti? May nakakatuwa ba sa tanong ko?"

He smiled again.

"Nakakapanibago kase. Tinatawag mo akong 'love'. Kinikilig lang ako tuwing sinasabi mo 'yan sa'kin."

Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya. I didn't expect na gano'n pala ang nararamdaman niya. Kaya pala bigla akong hinalikan kanina. Now I know...lagi ko na syang tatawaging gano'n. Malay mo diba, pakasalan na ako. Charot.

"Love. Love. Love. Love."

"Tigilan mo ako, Elo. Hahalikan kita ditto 'pag nagpatuloy ka sa ginagawa mo."

"Edi halikan mo."

"Ayoko. May spy dito." Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya. Sobrang hina. Parang ayaw iparinig sa'kin. Nako. Iispin ko na talaga na may ibang babae 'to bukod sa mama at ate niya. Subukan niya lang. Puputulin ko 'yang pinagmamalaki niya.

"Bilisan mo na ngang mag-lakad. Baka kung ano pang mangyare sa'tin dito." Dugtong niya pa bago hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang sentro ng park.

Napa-awang ang bibig ko sa nakita. Ang park ay nababalutan ng purple na disenyo. Napupuno ng mga bulaklak at iba pang maarteng disenyo na hindi ko malaman kung ano.

"Si Hershey gumawa nito?" I laughed.

"Paano mo nalaman?" Napatawa na rin sya.

"Ang aarte ng design. Hindi ko na nga alam kung anong tawag sa mga bagay na 'yan."

"Tignan mo naman yang nasa gitna. Pinagbubuhat yan ni kuya Clover." Tinuro nya ang sentro. May nakalagay na 'Happy First Anniversary' na pinapalibutan ng mga makikinang na ilaw at mga bulaklak.

"Tignan mo lahat ng nasa paligid natin. Si kuya Reese nag-ambag dyan." He laughed again.

"So, ikaw lang ang walang ambag?"

"Meron kaya. Sa performance... Si Nova ang bahala."

We laughed together. It's like we're the happiest person in the world and its axis.

"Tara. Punta tayo do'n sa sentro.'

We stood there and looked into each other's eyes. I can see his love. Pure love. Happiness crept inside of us. I have so many words to tell him how much I love him but all I can say is, "I love you."  while tears flow out of my eyes.

He laughed, "Huwag kang umiyak, magda-drama pa ako eh."

"Happy First Anniversary, love." I smiled, not minding what he had said earlier.

"Happy First Anniversary, my love, princess, my best friend but also my number one basher," We laughed, "Hindi ko kayang mag-drama at mag-long message sayo kase ikaw lang ang una at alam kong huli na magiging girlfriend ko. Wala na akong masasabi basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo. Marami na tayong pinagdaanan kaya," May inilabas syang maliit na kahon mula sa bulsa nya at binuksan ito.

It's..a..freaking...ring.

RING! MEN!

Nag-tuloy-tuloy ang pag-labas ng luha ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa aking harap.

"Bonak. Hindi pa ako magpo-propose, promise ring lang 'to."

Sorry. Assumera lang ako. Hindi pa napag-bigyan. Bwisit. Sinuot nya ang ring sa kanang kamay ko. Akala ko magpo-propose na sya pero happy pa din ako. Sa sobrang saya nga ay naluluha na rin ako.

"Ay. Mag-ye-yes pa naman sana ako."

Napa-awang ang bibig niya, "Joke lang pala, engangement ring na 'yan."

We laughed again.

"Seryoso, love. Promise ring lang 'yan. I promise na ikaw lang ang mamahalin ko habang nabubuhay pa ako sa mundong ibabaw at ipinapangako ko na hindi ako papayag na maghihiwalay tayo. Kung may aaway sa'yo... tawagin mo lang ako tapos abangin natin sa gate, tapos iwan na kita do'n kase takot ako eh." He laughed.

"Bwisit. Kailan ka ba magiging sweet?"

"Ngayon." Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha nya sa akin. I closed my eyes para dama, beh! Una niyang hinalikan ang noo ko. Sumunod ang tip ng nose ko, ang pisngi ko and lastly.... my lips.

We kissed for several seconds until we heard a man shouting.

"YUCKKK! GET A ROOM, GUYS!"

"Hayaan mo nga sila! Kita mong nag-eenjoy eh." Piningot ni Hershey ang tenga ni kuya Clover.

"Kelan kaya ako magkaka-jowa?" Si kuya Clover.

"Kapag hindi ka na chismoso sa lovelife ng iba! Tara na nga!" Hinila na ni Hershey palabas si kuya Clover habang nag-babangayan pa rin sila kung sino unang magkaka-jowa.

Natawa na lang kami at nagka-tinginan. Ilalapit nya na ulit sana ang mukha niya nang may sumigaw ulit.

"Magpakasal muna kayo, oy!"

Nova slowly smiled.


"After 7 years na!"




***

Multo Sa ChatWo Geschichten leben. Entdecke jetzt