MSC #Part1

20 3 0
                                    

***

Kanina pa ako naghihintay dito sa loob ng kwarto ko. Halos ikotin ko na lahat ng sulok dahil sa katagalan dumating ni Nova.

I sighed and decided to sit in front of the mirror. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Ano bang nagustuhan sa akin ni Nova? Wala namang espesyal sa'kin. But, wait... Ang ganda ko pala. Napa-iling na lang ako sa naisip, nagbubuhat na naman ako ng sariling bangko. Sinimulan ko na lang tumulala sa harapan ng salamin.


"Elo! Andyan na si Nova! Bilisan mo bumaba!" Nagulat ako sa biglaang pag-tawag sa akin ni mama. Paano ba naman, sobrang lakas sumigaw. Akala mo naka-lunok ng mic noong bata pa sya.


I rolled my eyes and fixed my pants and oversized shirt. Binilisan ko na bumaba dahil baka magalit na naman si mama. Sasakit ang tenga namin ni Nova 'pag nangyari yo'n. Nang makababa, nakita ko agad si Nova. Hiyang hiya ang mukha at namumula pa ang tenga. Asarin ko nga.


"Bakit ka namumula? Hiya ka kay mama, be?" I laughed.

Mas lalo pang namula ang mukha nya sa sinabi ko. Yumuko sya para itago ang hiya 'saka lumapit sa akin.  He held my hand and put his mouth close to my ears. "Saan tayo mag-uusap, love?" He said.

I pushed his face away because I felt a tingling sensation in my whole body. Gosh, Elodie! Patay na patay kay Nova?!


"Doon sa park na paborito natin." Nauna na akong lumabas ng bahay. Baka makita nya pang namumula ako.

"Wait lang. Paalam muna tayo kay tita." He insisted.

"Ikaw na tinatamad ako."

"Sige, wait lang." Tumakbo sya papasok ng bahay.

Narinig ko pa nga ang pagsabi nya na "Tita, alis po muna kami ni Elo. Ibabalik ko pa rin syang buo... Opo.....Secret lang natin 'yan, tita... Sige po.. Una na kami.."


Naramdaman kong tumakbo ulit sya palabas at agad na pumwesto sa tabi ko.

Nagpanggap akong hindi narinig ang mga sinabi nya kay mama. Pero.. curious na rin ako sa mga binanggit nya kanina. Secret? Don't tell me.... Kabit nya si mama?! Anak ng--- Baka itakwil ko sila parehas kung mangyayari 'yon.


"Dala mo kotse mo?" I asked. Ang init kase. Summer na summer na. Sumabay pa 'tong suot ko. Sana pala nag-shorts na lang ako para presko.


"Hindi."

Huminto ako sa paglalakad kaya natigilan din sya.

"Teka, magpapalit ako. Ang init ng pantalon sa balat. Hintayin mo muna ako. Speed lang ako mag-palit." Nagmamadali kong sinabi at tumalikod na para pumasok ulit sa bahay. Naramdaman ko rin na sumunod sya.


"Bakit ka mag-papalit?" Tanong niya habang sinasabayan na ako mag-lakad.


"Mainit. Shorts na lang susuotin ko." Tinignan ko sya at nakita kong dahan-dahang kumunot ang noo nya.


"Huwag ka nang umangal. Hindi mo ako pwedeng kontrolin sa suot ko. Alam ko 'yang nasa isip mo." I smirked.

"Hindi naman kita pipigilan. Nirerespeto ko naman kung anong gusto mong isuot. Kaya ko naman makipag-suntukan."

Ako naman ang napa-simangot.

"Corny mo. Sure ka?"

He nodded.

"Hindi na nga ako mag-papalit. Mapapa-away ka pa."

"Sure?"

I nodded.

He smiled, "Tara na, date na tayo, Love."

"Tara...love." I smiled. It made him shocked.

He stared at me for several seconds before his lips touched mine.



***

Multo Sa ChatWhere stories live. Discover now