CHICHARON

26 2 0
                                    

*Published: 08/17/20

Valentine's day na naman at maglalabasan na naman ang mga pulang kulay sa paligid puro hugis puso at mga mag kasintahang PDA ang matatanaw mo sa kalsada. Heto ako at nakaitim ang damit. Feeling bitter lang si ate niyo.

Kumalam ang aking tiyan kaya naisipan kong mag hanap ng makakainan. Ginala ko ang aking paningin at natagpuan ang isang tindahan.

Galing kasi ako sa grocery at balak kong mag stock ng pagkain sa apartment ko. I wasn't even informed that it should be by pair when you stroll around the market.

Dumeretso ako sa tapat ng tindahang 'yon at hindi na nag atubili pang bumili ng isang chicharon. Twenty pesos lang ang pera ko at mura naman ang chicharon kaya keri na. Napasimangot ako nang makita ang nag yayakapang mag bebe. Wala kayong respeto sa mga tulad kong single.

Pagkatapos ay agad akong naghintay ng masasakyan. Unfortunately, itim na usok lang ang nalanghap ko. Napakagandang araw naman talaga, 'di ba? Pawis na pawis at amoy araw na rin ako.

Well, despite the hard situation I have been. My eyes caught this familiar guy with I think six feet tall, standing firm with his backpack carrying on his shoulder.

Kumurap kurap ako nang mabatid kong nakatingin siya sa direksyon ko. Sumulyap ako sa likod ko at wala namang tao.

Oh my gosh! Sa akin ba siya nakatingin?

"Calm down, Alexandra. Dalagang Pilipina ka," bulong ko sa aking sarili at matamis na ngumiti sa kanya.

The next thing I knew is walking towards me. Yes, you read it right. Bahagya kong kinalma ang sarili ko at napakagat ng labi. Amoy agad ang kanyang pabango kaya 'di ko maiwasang langhapin nito. Fresh, huh?

I fix my hair and comb it with my hands. "May kailangan ka po ba?"

Pabebe akong ngumiti at tumitig sa kanyang mata. Marahan ko siyang tinignan. Agad napawi ang matamis na ngiti sa aking labi nang marinig ko ang kailangan niya.

"Ay, teh! Pwede bang pabili ng isang chicharon?"

#

Written: 02/16/20

One-Shot CompilationWhere stories live. Discover now