Chapter 23: Stolen Kiss

4.6K 484 13
                                    

BELLE’S POV

May kasabihan nga na ang magnanakaw ay dumarating sa oras na hindi mo inaasahan, sa oras na hindi ka handa. And this thief right here just stole a kiss from me. I was unprepared. I didn’t expect this to happen. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay ‘di ko na sana siya prinovoke.

I used to be the one freezing people by my glares. Pero sa pagkakataong ito, ako ang pinagyelo ng lalakeng hindi tinatablan ng aking cold stare. Ang buong katawan ko’y nanlamig bigla at nakaramdam ako ng panghihina sa ‘king mga tuhod. Kung hindi ako hinahapit ng mga braso ni V para dumikit sa kaniya ay malamang kanina pa ‘ko nag-slide pabagsak sa sahig.

Nakadilat ako at literally na naging rosas ang kulay ng buong paligid. His lips tastes so sweet like cherry. Kung hindi ako nagkakamali ay ‘yon ang flavor ng lollipop na sinusubo niya kanina. Idagdag mo pa dito ang lambot ng kaniyang mga labi which is in contrast with the firmness of his kiss.

Come to think of it? I, a man-hater, has been kissed and the worst is I liked it. That’s a taint in my reputation! Pinatong ko ang aking isang kamay sa kaniyang dibdib at marahas siyang tinulak palayo sa ‘kin. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Kung pinagtitinginan nila ‘ko dahil sa admiration ay okay lang sa ‘kin. Kaso, pinagtitinginan nila ‘ko dahil sa ginawa ng lalakeng ‘to! This is so embarrassing! At ang pinakaayoko pa naman sa lahat ay ‘yong napapahiya!

“What are you saying again, honey?” nanunuyang tanong ni V sa ‘kin habang nakahawak pa rin sa braso ko. “Nasarapan ka yata sa halik ko. It took you ten seconds before you pushed me.”

“I wasn’t given enough time to react!” pagtatanggol ko sa aking sarili. “You took me by storm!”

“Subukan mo lang ituloy ang sasabihin mo o ipagkalat ang maling balitang ‘yan,” wika niya sa anyong pagbabanta. “At higit pa sa halik ang matitikman mo mula sa ‘kin.”

Pagkatapos noon ay binitiwan niya ‘ko, tumalikod at tumuloy sa kaniyang paglalakad. Natilihan ako sa aking kinatatayuan. Sinubukan ko siyang sigawan. Pero, hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko at inaamin kong natatakot akong gawin niya ang banta niya sa ‘kin. I used to have the last say in everything and I hate the fact that I don’t even know how to react in this situation. At kinamumuhian ko siya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Instead, even though I may look stupid, I screamed in frustration that echoed in the whole hallway.

-=o0o=-

Nasa university cafeteria kaming tatlo nina Lenox at Shanti at pinapanood ang naka-time lapse na Vine video ng kissing scene namin ni V sa hallway kanina. It was even entitled as “V snogging B”. Trending na rin online ang #BelleTaire. Nagawan pa talaga nila kami agad ng pangalan ng love team, ah! Malaman ko lang talaga kung sino ang nag-record at nagpakalat ng video na ‘yon ay hindi lang cold stare ang aabutin niya sa ‘kin kung ‘di ipapasok ko talaga siya sa loob ng freezer hanggang sa magyelo siya!

The news of what happened between me and Gabby spread like wildfire in the whole university. Thanks to technology! I was even notified at the different social websites that I have an account on. As if hindi ako ang main character doon. I’m so irritated! Paano kung makita ‘to ng parents ko? Ilang sandali lang ay nag-ring ang cell phone ko. I slid the screen to answer and pressed loudspeaker.

“Hello?”

“Is this really you in the video, Fleur?” My Dad, who preferred calling me by my first name, was asking me angrily on the other line.

“Y-yes, Dad,” nauutal-utal kong tugon.

“And who’s this boy k-k-kissing you?!” Halos hindi niya masabi-sabi ang saltiang kissing.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Where stories live. Discover now