Chapter 26: War Of Hormones

4.3K 466 19
                                    

KIEV'S POV

My blood is boiling. Nakikita ko kung paano niya hawakan si Lenox. That is not the proper way to hold a girl. Lalo na nang kinaladkad niya ito pababa ng Great Stairway. I can see his tight grip on her hands. Parang hindi na makakadaloy ang dugo doon sa higpit ng kaniyang hawak. And when he forced himself to her against Lenox's will, that's when the odds defeated my logic. As in naramdaman kong umusok ang ilong at tenga ko. I'm ready as a bull and I'll kill this matador.

"You good-for-nothing dumbass!" Isang diretsong suntok sa kaniyang panga ang aking pinakawalan nang makarating ako sa tabi nila na hindi niya nararamdaman dahil abala siya sa pangha-harass kay Lenox. Bumagsak si Sean sa lupa and writhed in pain. Sinamantala ko ang sitwasyon. Hinablot ko si Lenox na umiiyak at dinala sa 'king likuran. Nang naka-recover na si Sean ay tumayo na siya hawak ang kaniyang panga.

"You son of a bitch!" mura niya sa 'kin. "I'll kill you for that!" Susugurin na sana 'ko ni Sean. Pero, humarang si Lenox na tumigil na sa pagluha.

"Stop!" pigil niya kay Sean. "Do you think that I'll let you go like that? Kung hindi ka sinaktan ni Kiev ay ako ang gagawa no'n sa 'yo. Consider that my punch. The debt is already paid!" Pagkatapos ay tumalikod si Lenox sa kaniya. "Let's go, Kiev."

Bago pa kami makalayo ay hinablot ni Sean ang kamay ni Lenox. Mabuti na lamang at nahawakan ko ang isa niya pang kamay. "Aaarrrghhh!" sigaw ni Lenox sa sakit na nararanasan niya dahil sa dalawang taong humihila sa kaniya. "Bitiwan mo 'ko, Sean! Ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Bakit hindi mo sabihin 'yan sa kasama mo?!" sarcastic na wika ni Sean. "Bakit ako ang pinabibitiw mo?! E ako ang fiancé mo!" Hinigit ni Sean ang hatak niya sa kamay ni Lenox. Hinatak ko rin ito. Sumigaw sa sakit si Lenox.

"Hindi na nga kita mahal, Sean! Naiintindihan mo ba?! Bakit ba hindi mo matanggap 'yon?!" wika ni Lenox.

"At sino na ang mahal mo?!" nanggagalaiting tanong ni Sean. "'Yang lalakeng 'yan?!"

Sana nga, Sean, hiling ko sa isip ko. Sana...

"Oo! Siya nga! May magagawa ka ba?!" Namilog ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Lenox samantalang naningkit naman ang mga mata ni Sean.

Wait. Totoo ba ang mga narinig ko? tanong ko sa sarili ko. Nasagot kaagad ang panalangin ko!

Tumigil sa paghila si Sean pero hindi niya pa rin binibitiwan ang paghawak sa kamay ni Lenox. "So, all this time, it's true. Tama ang hinala ko sa 'nyong dalawa noon pa man. Ikaw ang naunang nanloko, Lenox. Hindi ako!"

"Damn you, Sean!" mura ni Lenox. "Walang namamagitan sa 'min ni Kiev! I... I just learned to love him these passing days. Hindi katulad mo na nakuha mo pa 'kong lokohin pagkatapos ng ilang taon!" Patuloy lang sila sa pagbabangayan tungkol sa 'kin na parang wala ako doon. Hindi ba naisip ni Lenox na hawak ko ang kamay niya ngayon?

"Damn you, too, Lenox! Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa 'yo ang nangyari?! You can even ask Aunt Lupe para makumpirma mong umuwi akong may lagnat nang araw na 'yon!" paliwanag ni Sean.

"'Di na!" tanggi nito. "Natural, pagtatakpan ka no'n! Yaya mo 'yon, e! Pwede ba?! Bitiwan mo na 'ko?!" Hinatak ni Lenox ang kamay niya mula kay Sean. Bigla naman siyang binitiwan ni Sean na naging dahilan para mapaatras siya. Mabuti na lang at nasalo ko siya dahil kung hindi ay babagsak siya sa lupa.

"I hate you, Sean!" bwisit na sigaw ni Lenox dito.

"From now on, you don't belong to the Golden 10," sambit ni Sean na punung-puno ng pagkamuhi. "I don't want to see your face anymore."

"As if, Sean! As if!" sigaw ni Lenox. "Sa 'yo na 'yong VIP Table mo! Sa 'yo na 'yong Rotten 10 mo! Sa 'yo na 'tong buong school na 'to! But, it won't be easy for you to remove me from this school! I know the rules, Sean. I know it! If you have influence and money, I have it, too. If you want war, I'll give you war!"

Magnamour University [Magnanimously Completed]Where stories live. Discover now