Ten

119 20 33
                                    

JOE


As I looked at the leaf I was holding in my palm, I didn't realize that I was now stepping back outside.

When I came out of the room I immediately looked around. I wanted to see that person. But unfortunately, hindi ko na siya naabutan pa't nakita.

Malakas ang loob kong nandito siya dahil malamang sa malamang kay Elli nanggaling ang dahong iyon, siya at ako lang naman ang nakakaalam sa kung anong mayroon sa dahong iyon.

Nagpatuloy ako sa paglakad at tumingin tingin sa mangilan-ngilang estudyanteng dumadaan sa'king harapan. Aish! Where can I find you!

"Oh Shit!"

Napamura sa gulat ang dalawang lalaking humarang ngayon sa'king harapan.

I glanced at them for a moment and was about to continue running again when they blocked me again.

"What?" iritableng tanong ko sa kanila.

"Ang sungit naman ni Bebe Joe ko, chill ka lang. Okay?" ani South at ngumiti.

"What is it that you want?" I asked them again.

"Ouch. Wala na talagang may pake sa'tin, South." pag-iinarte pa ni Ronan.

I rolled my eyes on them. "Seriously? Ano ba."

"Eh kasi may nabalitaan akong chismis! Mamalasin daw ang nakakunot-noo ngayon!" tatawa-tawang biro ni South at inapiran naman siya ni Ronan.

South quickly took my right hand and put a brown bracelet on me. "O' ayan, lucky charm. Tingnan mo lang iyan at maaaninag mo ang kagwapuhang magbibigay ng lakas sa'yo." pagmamayabang pa niya.

Napangiwi na lang ako at inalis muli ang bracelet na suot ko. Mas lalo akong nairita ng mapansin ko ang pagpipigil nila ng tawa. Wala na naman ba silang magawa ngayon at ako na naman ang ginugulo nila?

"Wala akong oras makisakay sa trip ninyo ngayon. Mabuti pa bumalik na kayo sa school at pumasok sa klase... Teka---" I stopped talking when I notice the two of them looking at my back. "Anong---" before I could turned around bumungad na sa'kin ang nakakarinding  pagsigaw nina Quinn at Hedi ng, "Surprise!!!"

My eyes widened as my mouth form an O in shock while looking all these people in front of me, shouting my name in the crowd of people.

"Ano 'to?" ang na sabi ko na lang habang sinugod ako sa yakap nina Quinn at Hedi.

"Sabi ko naman sa'yong pinagawa kita ng banner 'diba? Kala mo nagloloko ako 'no." ani South at magkahawak na winagayway nila ni North ang may kalakihang banner na nakasulat pa ang 'Go Fight Win' word dito.

"Sisirin mo nang sisirin ang pinakalaliman ng dagat at kunin ang mahiwagang perlas---" Napanganga kaming lahat ng mabilis na nakatikim ng malakas na hampas si South mula kay Ms. Revilla na nasa likuran nito katabi si Mr. Fuentes.

"Nag-iiba ang pinapatungkol mo, Mr. Sy. Kung ikaw kaya ang ipasisid ko sa mga lamang dagat?" wika ni Ms. Revilla sabay tingin sa akin. "Best of luck, Ms. Murillo." ang sabi pa niya sabay lapit sa'kin at tinapik ang balikat ko. "Thank you, Ma'am."

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Mr. Fuentes, ngumiti ako sa kanya. "Hello po, Sir!"

"Hello rin. Goodluck sa laban mamaya." tugon ni Sir at ngumiti.

I nodded. "Opo! Gagalingan ko po!" ang sabi ko ulit sa kanya.

Napa-akbay naman si North sa'kin. "Aba naman syempre, dapat manalo kayong dalawa ni Denver para may libre 'diba, Sir?" aniya at nakangiting kinindatan ako.

Meet me at the Caroline StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon