Eleven

88 6 13
                                    

When Phoebe Joe was 16 years old.

Pasado alas-kwatro na ng hapon, oras na ng uwian ng mga estudyante. Ngunit naroon pa rin sa loob ng Principal's Room ang isang guro, kausap ang isang ina at ang dalagang babaeng tahimik na nakaupo sa silya.

"Ma'am. Hindi naman po panget ang pag-uugali ng inyong anak, I'm just worried because she's always alone and has no friends, " bigkas ng homeroom teacher sa ina. "Your child is already sixteen years old, at this age of her, she should have met many friends to bond with, but I often see her alone." patuloy pa ng guro.

Napatingin naman ang ina sa kanyang babaeng anak na nakayuko lamang ang ulo habang iwinawasiwas ang kanyang dalawang paa.

Mag-iisang oras nang nag-uusap ang dalawang matanda, mag-iisang oras na ring nanatiling nakaupo at tahimik ang dalagang babaeng hindi inaabala ang naririnig ng kanyang teinga.

Ibinalik ng ina ang tingin sa guro. "Thank you for giving concern to my daughter, I will talk to her too, ma'am." pagsagot ng ina.

Ngumiti ang guro sabay na hinawakan ang kamay ng ina, "Mabait po ang anak ninyong si Phoebe, masunurin at masipag din sa pag-aaral. Hangad ko lang talaga na maging mas masaya ang pag-aaral nito kasama ang kaibigan sa kanyang tabi." muling bigkas ng guro.

Napatango-tango ang ina habang nakangiting pinagmamasdan ang kanyang anak na babae. "Maraming salamat po, teacher."

Matapos ang pag-uusap ng guro at ina ay napagpasyahan na nilang magpaalam sa isa't-isa. Magkasama na ngayong bumababa sa hagdanan ang ina at ang dalagang babae tahimik na nakabuntot lamang sa kanyang likuran.

Napatigil ang ina sa paghakbang at tumingin sa kanyang anak. "Phoebe, can you just wait for me outside the gate? I'll just pay for your tuition." sambit ng ina ni Phoebe na si Janice.

Tanging pagtango ang isinagot ng dalaga sa kanyang ina at tahimik na sumunod sa sinambit ng kanyang ina.

Tinahak ng dalaga ang daan ng mag-isa, ngunit sa kanyang pagbaba sa hagdanan ay nakarinig ito ng mga yabag ng paang nagmumula sa kanyang likuran.

"Hinatayin niyo ako!"

"Tara na! Laro tayo sa park!"

"Milktea tayo sa mall!"

Samu't-saring mga boses ang narinig ng dalaga sa mga kapwa nitong estudyante na kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. Pinagmadan nito ang bawat mukha ng mga estudyanteng kanyang natatanaw, iisa lang ang ipinipinta... Masaya.

Sa loob ng dalaga ay nais naman din nitong magkaroon ng kaibigan sa kanyang tabi, natatakot na nga lang itong sumubok pa dahil naranasan nito sa babaeng kanyang naging unang kaibigan.

"Amara! Let's go!"

Lumingon ang ulo ng dalaga ng marinig nito ang pamilyar na pangalan. Nanlaki ang mata ng dalaga ng hindi niya inaasahang magtama ang mga mata ng babaeng si Amara na nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya.

Ilang segundo silang nagpalitan ng tingin ng una nang umiwas ang babaeng si Amara at ngumingiting umakbay sa mga kaibigan nitong kasamang naglakad papalabas ng eskwelahan.

Napayuko na lang ng ulo ang dalaga habang pinagpatuloy ang kanyang paglakad. Napapahawak ito sa kanyang kamay kapag bumabalik sa kanya ang huling pag-uusap nila ni Amara.

"Hindi ba nakiusap na ako sa'yo, Phoebe." sambit ni Amara at halata sa tono nito ang inis, hindi rin maikakaila ang pagkairita ng babae dahil sa nakakunot-noo pa nitong kilay at mukha.

Meet me at the Caroline StreetKde žijí příběhy. Začni objevovat