Prologue

8.3K 110 7
                                    

“Ano na Eli..tawagan mo na….”, nababagot na sabi ni Annie kay Eli dahil kanina pa ito nahawak at nakatingin lang sa phone at hindi naman dumadayal.

“Oo na..Eto na…Bat ba kayo nagmamadali..Eh busy ang taong iyon..Malay ko ba na baka nasa kalagitnaan ng meeting ang tao.”

“Ang dami mo pang arte…Diba patay na patay naman iyon sa iyo..Baka pag nakitang tumatawag ka eh sagutin agad…”, sabi pa ng isang modelo

“Oo…eto na…”, kunwari ay nagdayal si Eli sa phone at nilagay na sa tenga. Nag-intay kunwari na mag-ring saka nagsalita.

“Edward….honeybunch…..”

Napasinghap naman ang mga nakikinig dito.

 "Oo..ako ito…Kasi may gu-

I came in like a wrecking ball!

“Aray!”, napatili si Eli at muntik ng itapon ang cellphone ng magring ng ubod lakas ang cellphone.

Langhiya naman oo! Naitaon pa talaga! Eh nagdradrama ako!

“Hello!”, kaya naman galit na galit niyang sinagot ang tawag ng kung sino mang poncio pilato na iyan.

“How rude of you Miss Bartolome…”

“Sino ba ito!”

Samantala nakatanga naman ang lahat na pinapanood lang at nakikinig kay Eli.

“This is me…Edward Samaniego…CEO of  SAMANIEGO CORPORATION…”

“E-Edward……”

 Napasinghap naman ang mga tao sa paligid niya.

 “Sagutin mo na dali…”,hindi mapakaling sabi ni Madam Yvonne ng mapagtantong si Edward Samaniego ang tumatawag kay Eli.

 “Yes…I heard that you turned down my offers…-“

 “Ooooppssss…..shut up…sinasagot na kita….Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako…..”

“W-What?!”

 “Yes…..See you soon honeybunch…”, sabi ni Eli at dali-daling pinatay ang cellphone.

 “Waaaahhhhh!”

 “Congrats girl!”

 “Instant celebrity ka na!”

 Samu’t sari pa ang mga komento nila kay Eli. Kaya naman masayang masaya ang dalaga. Tatawagan na lamang niya mamaya si Mr. Edward Samaniego na iyan at magpapaliwanag.

I Love You Mr. PresidentWhere stories live. Discover now