Chapter 6

4.1K 120 63
                                    

JM AGENCY

 “Hoy Eli, may  bisita ka”, tawag ni Lucy sa dalagang inaayusan para sa photoshoot.

 “Sino daw?”, bored na sagot ng dalaga dahil wala atang oras na may mga dumadalaw dito para lamang makilala ang nobya ng nag-iisang Edward Samaniego.

 “Loka tumayo ka na diyan at harapin mo na sila. Bongga ka na talaga day! Ang maybahay ni Senator Santillan”, puno ng inggit na sabi dito ni Lucy.

 Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng marinig ang pangalan ng ginang.

 “Talaga?! Ano ka ba naman Lucy bakit ngayon mo lang kasi sinabi.”, nagningning pa ang mga mata nito at mabilis na tumayo na at pumunta kung nasaan naroon si Ginang Santillan.

 “Ehh? Kalokang babae ka..Sinabi ko kaya kaagad”, bubulong bulong namang sabi ni Lucy.

 Agad namataan ni Eli ang isang babae na kahit may edad na ay makikita dito na puno ang awtoridad.

 “Good afternoon Mrs. Santillan. Isa pong karangalan ang mabisita ninyo”, agad na bati niya rito.

 Matamis namang ngumiti rito ang Ginang at nakipagbeso beso pa na labis na ikinagulat ng dalaga.

 “So ikaw pala ang maswerteng babae na nakasilo sa mailap na anak ng Presidente. Kinagagala kitang makilala sa personal”, malambing na sabi nito.

 “Ehh…a-ako din po Ma’am…”, nahihiyang sagot ni Eli dito. Hindi siya sanay na makisalamuha sa mga mayayamang katulad nila.

 “Naku, huwag ka ng mahiya sa akin. Gusto kitang maging kaibigan kaya naman nandito ako para personal na imbitahin kita sa isang party sa aming bahay. Kaarawan kasi ng aking asawang si Senator Santillan’, masayang anyaya nito.

 Napalunok naman ang dalaga sa narinig.

 “Ah kasi Ma’am ano eh-“magdadahilan na sana ang dalaga ngunit muli siyang pinutol ng Ginang.

 “Ooopsss I don’t accept no for an answer. Sige naman na iha para naman makita narin namin ng personal ang anak ng Presidente kasi alam mo sobrang low profile ng kanilang anak”, pagpupumilit pa ng Ginang.

 Patay tayo diyan ang tsong…nawika nalang nito sa isip.

 “Ehh…sige po susubukan ko pero hindi ko masisiguro dahil sobrang busy ng boyfriend ko”, namromroblemang sagot ng dalaga.

 “Alam mo isang malaking karangalan kapag pumunta ang isang Edwar Samaniego sa kaarawan ng aking asawa”, naluluhang sabi ng Ginang kaya naman napaoo nalang ang dalaga.

 Matagal ng naka-alis ang Ginang ngunit nakatayo parin ang dalaga na nakatanaw kung saan tumungo ang sasakyan.

 Hayst problem ito….nanlulumong nasabi nito sa sarili.

 Ganun nalang ba kasikat ang lalaking iyon…kainis……

 Natapos na ang lahat ng photoshoot ng dalaga kaya naman nagpasya na itong umuwi ng walang kabuhay buhay.

 Pabagsak itong nahiga sa kama at tumunganga sa kisame.

 Ang laki ng problema ko……napapanguso na lamang ito habang iniisp ang problema. Sa makalawa na iyon. Saan naman ako hahagilap ng isang Edward Samaniego. Ni hindi ko nga alam ang totoong itsura nito.

 Malay ko ba baka may asawa na iyon. At saka baka pangit….Oh my gosh…Naaasar na ginulo gulo nito ang buhok.

 Diyosa! May Nagtext!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You Mr. PresidentWhere stories live. Discover now