Chapter 4

1.7K 62 2
                                    

Samantala sa SAMANIEGO CORPORATION…

 “What?! Tagalang ginagalit ako ng babaeng iyan…”galit nag alit si Edward matapos marinig ang balita mula sa mga tauhang ipinadala sa JM AGENCY.

 “Boss….matigas na tumanggi ang babae. Ayaw talagang ibenta…”, Nanginginig na paliwanag ng isang lalake na kumausap kay Eli kanina

 “Give me her number…..Magtutuos kami ng babaeng iyon….”

 Dali-dali naman nilang binigay ang numero ng babae.

 BALIK SA JM AGENCY..

 “Ano na Eli..tawagan mo na….”, nababagot na sabi ni Annie kay Eli dahil kanina pa ito nahawak at nakatingin lang sa phone at hindi naman dumadayal.

“Oo na..Eto na…Bat ba kayo nagmamadali..Eh busy ang taong iyon..Malay ko ba na baka nasa kalagitnaan ng meeting ang tao.”

 “Ang dami mo pang arte…Diba patay na patay naman iyon sa iyo..Baka pag nakitang tumatawag ka eh sagutin agad…”, sabi pa ng isang modelo

 “Oo…eto na…”, kunwari ay nagdayal si Eli sa phone at nilagay na sa tenga. Nag-intay kunwari na mag-ring saka nagsalita.

 “Edward….honeybunch…..”

 Napasinghap naman ang mga nakikinig dito.

 “Oo..ako ito…Kasi may gu-

 I came in like a wrecking ball!

 “Aray!”, napatili si Eli at muntik ng itapon ang cellphone ng magring ng ubod lakas ang cellphone.

 Langhiya naman oo! Naitaon pa talaga! Eh nagdradrama ako!

 “Hello!”, kaya naman galit na galit niyang sinagot ang tawag ng kung sino mang poncio pilato na iyan.

 “How rude of you Miss Bartolome…”

 “Sino ba ito!”

 Samantala nakatanga naman ang lahat na pinapanood lang at nakikinig kay Eli.

 “This is me…Edward Samaniego…CEO of  SAMANIEGO CORPORATION…”

 “E-Edward……”

 Napasinghap naman ang mga tao sa paligid niya.

 “Sagutin mo na dali…”,hindi mapakaling sabi ni Madam Yvonne ng mapagtantong si Edward Samaniego ang tumatawag kay Eli.

 “Yes…I heard that you turned down my offers…-“

 “Ooooppssss…..shut up…sinasagot na kita….Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako…..”

 “W-What?!”

 “Yes…..See you soon honeybunch…”, sabi ni Eli at dali-daling pinatay ang cellphone.

 “Waaaahhhhh!”

 “Congrats girl!”

 “Instant celebrity ka na!”

 Samu’t sari pa ang mga komento nila kay Eli. Kaya naman masayang masaya ang dalaga. Tatawagan na lamang niya mamaya si Mr. Edward Samaniego na iyan at magpapaliwanag.

 Dali-daling tumalilis si Madam Yvonne at tinawagan ang kilala nitong may-ari ng newspaper at sinabi dito ang tungkol sa relasyon ng kanyang modelo at ng CEO ng Samaniego Corporation at nag-iisang anak ng Presidente.

 Pagkatapos tawagan ay lumawak ang kanyang ngiti. Ito ang kanyang hinihintay na big break. Akalain mong ang hindi niya pinapansing modelo ang siya pang maglalagay sa kanya sa tagumpay..

 Hahahahahahaha!

 Makalas siyang tumawa kaya naman napatingin sa kanya ang lahat ng tao sa maliit na studio.

 “Don’t mind me…..”sabi nito at pakendeng kendeng na naglakad papunta kay Eli.

 “Marivic….ayusan mo si Eli...Gusto ko magandang maganda siya pag nagkita sila si Mr. Edward Samaniego..”,masayang sabi nito.

 Sa SAMANIEGO CORPORATION

 “Boss…what did she say?”, lakas loob na tanong ng lalake dahil mukhang tinuka ng ahas ang itsura ng kanilang big boss…

 “S-she’s weird..”, sabi nito at namumula pa ang mukha saka unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha nito.

 “Ohhhhh”, reaksyon naman ng mga tauhan dahil for the first time ay nakita nilang ngumiti ang boss.

I Love You Mr. PresidentKde žijí příběhy. Začni objevovat