20 | Arabella

102 11 13
                                    

Arabella’s POV

LUPAYPAY ANG KATAWANG lupa ko matapos naming gayakan ang entablado at auditoryum. Gayunpaman ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang nagawa namin—nakakabit na ang tela sa may gitna na nakapintura ang VELES HIGH INTRAMURALS at napapaligiriran ito ng makukulay na kagamitan sa sports.

Iyong mga cut-out letters ay nasa baba nito na naglalaman ng petsa at paksa ng Intramurals ngayong taon. May iilang lobong nakakabit sa gilid ng entablado, ang inarkilang spotlight ay naroon na sa gitna at ang speakers ay nakatayo sa magkabilang gilid. May mahabang lamesa na mayroon ding gayak, doon ilalagay bukas nag mga tropeyo at sertipiko para sa Mr. and Ms. Intramurals.

“Tangina, natapos din! Anong oras call time bukas, Lola Ara?”

Kunot ang noong napaharap ako kay Erald. Sandali… talaga bang nagtatanong siya kung anong oras kami bukas? Nabagok ba ulo nitong bangungot na ‘to?

“Alas sais,” sagot ko. “Kung makatanong ka, akala mo naman pupunta ka.”

“Wala ka talagang tiwala sa ‘kin ‘no?” natatawang tanong niya. “Gusto mo sunduin pa kita sa inyo eh.”

Sumimangot ako. “Subukan mo at nang ipahabol kita sa aso nila Mang Kanor!”

“Sa lahat ng taga-Agatha Street, ikaw ang pinakamasungit, Lola.”

“Ikaw naman pinakamayabang.”

Parehas kaming nakatira sa Agatha Street nitong bangungot, laking pasasalamat ko na nga lang na magkalayo pa rin ang aming bahay. Taliwas sa akala ng iba, ang lugar namin ay hindi lamang “street”, isa itong barangay.

Hindi ko nga rin maintindihan bakit tinawag na street ‘yon. Ang gulo tuloy pakinggan kasi, Barangay Agatha Street… akala mo barangay na tinubuan ng street.

Kinabukasan ay ang opisyal na pagsisimula ng Intramurals. Bilang pagbubukas ay sinindihan ng Basketball Captain na si Alston Buenavista ang torch kasama ang iba pang mga atleta ng Volleyball, Badminton at Sepak. Matapos iyon ay umakyat na sa entablado ang head ng MAPEH Department na siya ring magiging host.

“Isang magandang maganda umaga, Veles High! Handa na ba kayo sa mga patimpalak at palaro?”

Kasalukuyan kaming nakapila by team dito sa auditorium. Wala kaming opisyal na t-shirt dahil kinulang sa oras at kapos sa budget ang karamihan sa mga estudyante ng Veles High. Kaya ang ginawa ay kaniya-kaniyang suot na lang ng t-shirt na ang kulay ay iyong assigned sa inyo.

Kaming mga Archimedes ay napunta sa Green team kasama ang ibang mga sections mula sa grade 9, 8 at 7. Pinaghalo-halo kasi ang mga upper at lower grades sa bawat team.

“Nasaan ang red team?”

“Woooo!”

“Ang yellow team naman, syempre hindi magpapatalo!”

“Sigaw blue team!”

“You said this is gonna be fun, it’s so boring.”

Natawa ako nang marinig ang hinaing ng katabi kong si Alessa. Suot niya ngayon ang isang crop top na ang kulay ay army green at katerno nito ang highwaisted skirt niya. Ako naman ay nakasuot ng t-shirt na naka-tucked in sa aking pantalon.

Gusto ko nga sanang magsuot ng bestida kaso nga lang ay naka-assign kami ni Erald sa pag-aayos ng Mr. and Ms. Intrams kaya siguradong panay takbo ang gagawin ko mamaya.

“And last but not the least, ang green team!”

Naghiyawan ang buong Archimedes sa sinabi ng host, maliban kay Alessa na pagkairita lamang ang nasa mukha. Ang ibang boys namin ay may bitbit pang tarpaulin na ipinagawa ni Kaira, ‘yung kaklase naming transferee. May pinabili rin siyang mga lobo na ipinamigay niya naman sa mga kaklase naming babae. Si Alessa lamang ang hindi kumuha.

Contrasting Colors (Veles High Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora