22 | Arabella

99 10 3
                                    

Arabella’s POV

HALOS LAHAT AY tahimik na nakikinig sa sinasabi ng aming adviser na si Miss Hizon. Puro kagalakan nakikita ko sa mga mata ng aking mga kaklase nang saglit kong ilibot ang aking paningin. Kapag talaga tungkol sa galaan, asahan mong gusto ‘yan ng Archimdes.

“As I was saying class, tentative pa ang date ng inyong field trip sa December,” anunsyo ni Ma’am. “Wala pa ring final itinerary pero ang mga mauunang magbayad ay maaari nang magpa-reserve ng upuan.”

“Uy tabi tayo!”

“Excited na ako! Magdadala talaga ako ng maraming chichirya.”

“Sa ‘yo ako tatabi Warren, marami ka palang dadaling pagkain.”

Nakangiti ko namang nilingon ang katabi ko. “Tabi tayo sa bus, Alessa.”

“Seriously?” angat ang kilay niyang tanong. “Don’t you have other friends?”

Pabiro ko siyang hinampas. “Alam mo, paulit-ulit ka na lang, Alessa. Wala ka ngang magagawa dahil magkaibigan na tayo. Basta magpa-reserve na tayo ng upuan next week para ‘di tayo maubusan ha? Magpapaalam na ako kay Tita Mira… sabihan mo na rin ang Tatay mo.”

Umismid siya. “As if that old man give a damn.”  

“Ito naman, syempre Tatay mo ‘yun. Basta magpaalam ka na ha para sigurado nang makakasama ka. Huling taon na natin ‘to as Junior High kaya dapat kumpleto tayo!”


NANG DUMATING ANG araw ng Huwebes ay nagsimula na ang aming preparasyon para sa Teacher’s Day bukas. Mayroong malaking programa para sa lahat ng guro sa auditorium pero nais pa rin naming magkaroon ng selebrasyon dito sa aming klase.

Hindi pumasok ang guro namin sa Filipino upang bigyan kami ng oras. Alam kasi nilang may pinaplano kaming surprise para sa mga teachers. Gustong-gusto naman ng mga kaklase ko ang ganito dahil siguradong hindi magka-klase ang mga teachers kapag natuwa sila sa sorpresa.

“E kung isayaw natin ng 18 roses si Ma’am Hizon? Parang debut niya gan’on!”

“Bili tayo ng mga lobo tapos palibutan natin ang classroom.”

“Gusto ninyo ba ng party pooper? May binebentang ganon si Nanay.”

“Huwag na, huwag na. Mag-boodle fight na lang tayo para busog.”

Pumunta ako sa gitna at pinatahimik sila dahil nagkakaingay na. Halo-halo na rin ang mga suhestiyon nila kaya hindi na magkaintindihan.

“Ganito na lang, Archimedes,” sabi ko. “Bubuo tayo ng iba’t-ibang committee at bawat committee ay mayroong assigned leader. In that way, mas mapapabilis ang trabaho natin at walang tatambay lang sa gilid.”

“Tama! Tama!”

“Iba ka talaga, boss Ara!”

Nang sumang-ayon ang lahat ay nagsimulang magsulat si Mara sa board. Nakalista roon ang design committee, food committee at program committee. Inilagay iyong mga madadaldal kong kaklase sa program committee habang ang natira ay inilagay sa food committee.

Humarap ulit ako sa klase. “Okay na ang sa program and food. Sa design naman, sinong gusto mag-leader?”

Nagtaas ng kamay si Kaira, ang kaklase naming transferee. “Me! I know a lot about designs, it will be perfect!”

“Sige, Kaira,” pagpayag ng secretary naming si Mara. “Ikaw na ang bahala, basta isakto mo lang sa budget natin.”

“Of course!” sagot naman ni Kaira.

Contrasting Colors (Veles High Series #2)Where stories live. Discover now